Chapter 9

102 2 3
                                    

CHANDICA.

Hindi maialis sa isip ko ang sinabi ni Aiker. Kung ganun alam nila ang plano namin? Nakakakilabot isipin.

Sa ngayon, balak naming kunin nalang ang nawawalang mga papel, pagkatapos, babalik na kami sa P. A.

Naalala ko tuloy yung pag labas ko ng magic. Ever since that happened, di na nasundan. Baka guni guni ko lang yun?

Pero lahat naman sila nakakita na ako ang may gawa. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala naman akong boltahe na nararamdaman or signs.

Should i train?

No, bukod sa wala akong alam sa pag tretrain na yan,  magiging delikado yun para sakin.

Pano yung dusternisian na nakita ko sa panaginip ko? Is it true? O baka side effect lang yun ng pagpapahallucinate sakin ni Cindy?

Inis akong napabuntong hininga pahiga. Damn it. Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin.

Pero.. totoo ba talagang isang dusternisian si Justine? Ano ba talaga ang pakay nya? Saka sino ba yung nagpakilala sakin na may cloning xenia?

Isa pa yung naka cloak na mahaba ang buhok. Dusternisian ba sya? Di ko naman kasi makita ang mark nya kasi mahaba ang suot nya, bukod pa dun long hair sya.

Ilang araw na nga ba ang nakalipas simula nung napadpad ako sa academy?

Apat.

Apat na araw.. apat na araw pero pakiramdam ko napakatagal na.

Sa loob ng apat na araw na yun, napasabak agad ako sa misyon, nagkarecord sa guidance. At napaaway.

"A penny for your thoughts?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Andun nanaman ang cute nyang ngiti.

Umupo ako ng tuwid and hinarap sya.
Nakaupo sya sa kabilang upuan at nakaharap sakin.  Kasalukuyan kasi akong nasa balcony ng hotel kung saan kitang kita ang mga butuin at buwan.

"Looks like your mind is flying, care to share?"

"Naisip ko lang yung xenia ko.. " nahihiya kong sabi.

Hinawakan nya ang kanyang sentido.
"I see, I heard about the rumors.. you have a xenia similar to Cindy, correct?"

"Mmm."

"And you weren't able to control it?"

"Mmm."

"First time?"

"First time."

"I see. Well, barrier manipulator is kinda awesome." Andun nanaman ang boyish nyang ngiti.

"Thank you.." my heart is beating loudly.

Do i like this person?

"So you haven't figured out your special ability then?" Bat para syang kumikinang sa mga mata ko?

He looks so damn fine.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PHILOXENIA ACADEMY: Love To StrangersWhere stories live. Discover now