Chapter 4

114 7 2
                                    

CHANDICA

PAGMULAT ko ng mga mata ko, unang bumungad sa akin ang madilim na kalangitan. Nagtataka ako kung pano ako napunta dito pero hindi ko dun tinuon ang atensyon ko, kundi sa isang mabangis na hayop na nasa harapan ko.

Nanlilisik ang mga matang nakatingin ito sakin at handang kainin ako ng buhay. Umaagos ang mga masaganang dugo sa bibig nito na animo'y galing sa pagpatay.

Nasan ako? Pilit kong inaalala kung pano ako napadpad sa madilim na kagubatan pero ni isa'y wala akong maalala.

Umalulong ito na parang nagtatawag ng kasamahan bago humakbang papalapit sa'kin. Di ko maiwasang manginig dala ng takot at pagkalito.

Ba't ako narito?

Maya maya pa'y nagsidatingan ang iba pang kauri nito. Hindi nga ako nagkamali't nagtawag ito ng mga kasama.

Pilit akong tumayo sa kabila ng panginginig ng tuhod ko. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa. Binubuka ko ang bibig ko pero walang ingay na lumabas.

Mas lalo pa akong natakot ng malaman kong nag sasalita pala ako pero walang ni isang ingay na lumalabas. Pinagpatuloy ko ang pagsasalita, ngunit wala talaga akong marinig.

A-Anong nangyayari? Hindi pa naman ako pipi!

Muli akong humarap sa hayop na nasa harapan ko. Ganu'n nalang ang gulat ko ng bigla itong naging katawang tao. Hubad ang pang itaas nito at tanging isang bahag lang ang nakatakip sa kanyang maselan na parte.

Ngumisi ito ng nakakatakot bago nagsalita. "Kamusta, aming tagapagmana?" Itinaas nya ang kanyang kamay, kahit may kalayuan sya'y napansin ko agad ang isang buwan at rosas na tattoo sa baba na kanyang siko. Medyo maliit ito pero kitang kita ko. "Maganda, hindi ba?" Tanong nya nung mapansin nya ang pagtitig ko roon. Hindi ako sumagot, dahil wala din naman yung silbi. Walang lalabas na boses sa bibig ko.  Hinayaan ko lang syang magsalita.

"Wag kang mag alala, you are the Moon torn by Rose after all."

A-Ano?

Hindi kita maintindihan. Pagtatanong ko pero wala paring lumabas sa bibig ko. Tila parang narinig nya naman yung naging sagot ko dahil mas lumaki ang ngisi nya, kalauna'y napatawa sya.

"Maiintindihan mo din yun sa susunod. Just be ready." Tumalikod sya sakin, "Coz anytime soon. We will be back. We will be claiming our rightful heir to the throne." Pumitik sya bago sya naging anyong hayop ulit.

"We'll be claiming----"

"WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING CINDY?"

Para akong sinapak sa ulo ng sampung beses nung bumalik ako sa reyalidad. Bigla akong nahilo at napatumba, buti nalang ay may sumalo sakin kaya hindi ako napaupo sa malamig na sahig.

Nung mawala na yung hilo ko, tiningnan ko kung sino ang nagsalo. Isa pala yung lalaki na matipuno ang katawan. Una kong napansin ang mata nyang kulay asul, para akong hinihigop nito pag patuloy ko 'tong tinititigan. Sumunod ang tingin ko sa kanyang buhok na Dark Blue. Bumagay yun sa kanya sapagka't napakagwapo nya.

Puno ng pag aalala ang mga mata nya habang nakatingin sakin.

"Are you okay, miss?" Ang boses nya ay napasarap pakinggan. Bigla naman akong nahiya. Tumango nalang ako bilang sagot.

Binaling nya ang tingin kay Cindy, kapansin pansin ang pagbabago nya ng mukha, naging seryoso ito. "What were you thinking? You could've get her drowned!" Ang tono nya ay parang leon na tinatakot ang magiging biktima nya.

Gwapong leon.

Jusqo! Nasa ganito na nga akong sitwasyon nagawa ko pang maglandi.

PHILOXENIA ACADEMY: Love To StrangersWhere stories live. Discover now