Chapter 6

113 7 1
                                    

CHANDICA

PARANG apoy kung kumalat ang naging eksena kahapon sa field. Si Cindy ay dinala sa clinic dahil sa mga tinamo nya. Hindi naman sya masyadong napuruhan pero nahirapan lang siya sa paghinga. Naabot nya na kasi ang tinatawag nilang "limit". Over usage of magic can somehow be destructive to self.

Gano'n din ako. Nawalan kasi ako ng malay matapos ako ikulong ni Aiker sa sarili nyang Apoy. Siguro I also have exceeded my limits.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na may xenia pala ako. Kagabi habang nakahiga lang  sa kama,  di ko maiwasan na mapatingin sa kamay ko. Sobrang overwhelmed ako dahil sawakas, meron na din. Ang nakakatakot lang ay hindi ko ito makontrol.

Inalala ko kung ano pakiramdam nu'ng lumabas na iyon. Parang may gustong kumawala sa mga palad ko. Na parang may boltahemg dumadaloy. Di ko lang talaga napansin dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagtakas sa barrier.

Hindi ko maalis ang ngiti ko sa labi  hanggang makatulog nalang ako.

Kung kagabi'y nag uumapaw ang excitement ko, ngayon ay hindi na ako natutuwa. Pinatawag kasi kami sa faculty dahil daw sa nangyari.

Anong gagawin samin? May parusa ba? Huhu kebago ko lang dito sa School. Naparusahan na agad ako. Too much beginner's luck.

Pagkarating ko du'n, nakita ko si Cindy na prenteng nakaupo. Nauna na pala sya sakin. Buti nalang di sunod sa kanya ang mga alipores nya. Aba kung makadikit yun sa kanya parang mga aso na sunod ng sunod.

Dahan dahan akong pumasok, mabilis naman silang mapalingon sa'kin. Pinaanyayahan ako ni Ms. Devilla na umupo na agad ko namang sinunod.

Sinabihan nya kami na mag antay muna sapagkat may inaantay pa kaming mga tao. Witness ng pangyayari, ang sabi nya.

Kalaunan ay dumating sila Alisha. Nagulat pa ako dahil hindi ko alam na kasali pala sila sa anunsyo. Nagpalitan kami ng tingin at nagngitian sa isa't isa. Akala ko mag sisimula na kami pero may isa pa daw'ng hinihintay.

Bumukas ang pintuan at pumasok do'n si Aiker. Sariwa parin sa alaala ko kung pano nya ako sinalo bago ko pa maibagsak ang sarili sa sahig. Kahit ang pagsabi nya saakin ng 'stupid' ay tandang tanda ko pa.

Pumalakpak ng isang beses ang headmistress hudyat na pagsisimula na kami.

"You are all aware why you're being summoned here in my office." Nakakakilabot parin ang boses nya na sumasalungat sa maamo nyang mukha. Tumango ang lahat maliban sa'kin at kay Aiker.

Pinagsiklop nya ang mga kamay nya at tiningnan kami isa-isa.
"Let's discuss about the mess you two created yesterday" minatahan nya kami ni Cindy bago nagpatuloy sa pagsasalita. "You disobeyed the rules of the academy. You used your Xenia to harm others without the consent of your training teachers. You are only allowed to attack fellow classmate or school mate if you are permitted to do so." Napayuko ako sa sinabi nya.

Okay, guilty as charged. Pero di ko naman talaga inaasahan yun e..

"Tell me what exactly happened." Pag uutos nya, magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Cindy. Kaya itinikom ko nalang ang bibig ko.

"I was only using my magic to protect myself.." napakunot agad ang noo ko sa sinabi nya. What is she trying to say? "She tried to attack me first and all I did was self defense. I was lucky that I was saved by dear Killian." Yung boses nya, para talaga syang nabiktima. Kung hindi lang siguro ako yung inatake nya, maniniwala na ako.

Ang galing umarte ng bruha!

Napataas tuloy ang kilay ko. Ano bang pinupunto nya? Na ako yung umatake sa kanya at sinubukang manakit? Ha! Ang kapal! pinaglakihan ko sya ng mata pero sinuklian nya iyon ng  nakakairitang ngisi.

PHILOXENIA ACADEMY: Love To StrangersWhere stories live. Discover now