Chapter 7

75 3 4
                                    

CHANDICA

Napagdesisyunan namin na mag stay nalang sa isang hotel. Iyong malaki ang pinili namin dahil kailangan naming mag sama sama sa isang kwarto para mas ligtas at madali lang kumilos.

Kanina napagpasiyahan namin na mag grocery. Ako yung nangunguna syempre, wala naman silang alam sa pamamaraan dito sa mundo ko..dati.

Medyo nanibago pa nga sila pagkapasok nila ng mall. One time nga, sinubukan ni Zephyr na kumain ng chips.

Mind you! Hindi pa namin nababayaran! Medyo naistress ako saglit don pero naiintindihan ko naman. Siguro ganun sa Philoxenia.

Si Via naman, kung anong makita nyang cute, ipapasok nya sa cart. Jusqo! parang bata talaga.

Napagdesisyunan naming pito na bukas nalang hanapin si Justine dahil mag gagabi na. Medyo pagod kaming lahat sa byahe at kelangan namin ng lakas para bukas sa paghahanap namin. Di ko nga alam kung saan kami mag sisimula.

Magkatabi kami ng kama ni Alisha, katabi naman nya si Keya sunod si Via pagkatapos ay nasa kabilang dulo si Cindy. Sinadya talaga nilang ilayo si Cindy sakin kasi baka daw saktan nanaman ako.

Yung dalawang lalaki naman andun sa kabilang side. May bakanteng tatlong kama sa tabi nila.

"Gutom na ako huhu" reklamo ni Via

"Ako rin, yung tiyan ko nag iingay na"

"Same here."

"Yep me too."

"Three."

Rinig kong reklamo nilang lahat. Kahit ako gutom na rin. Mag aala syete na din pala ng gabi.

Ako na yung nag volunteer na magluto. Puro royals at isang higher ranked ang mga kasama ko e. Di ko alam kung marunong ba magluto.

Bumili din pala kami ng heater, portable gas stove na maliit, isang casserole at rice cooker kanina, buti naman.

Wala naman kasing malulutuan dito.
Di ko alam kung pwede ba magluto pero wala na silang magagawa, gutom na kami.

Pinili kong lutuin yung instant lang. At easy to cook. Gutom na talaga ako. Kumuha na ako ng Noodles, corned beef, tas magluluto nalang din ako ng boiled egg.

Busy sila sa pag paplano nila sa kama di alintana ang gutom na nararamdaman nila.

Inuna ko mag saing pagkatapos ay nag init ako ng tubig sa heater para mamaya sa itlog. Nung kumulo na nilagay ko na ang pitong itlog don saka tinakpan.

Inumpisahan ko ng magluto ng noodles sa stove pati ang corned beef.

Mas lalo akong nagutom nung naamoy ko ang aroma ng niluluto ko.

Shet. Ansarap.

"Ang bango namaaaaaan, mas lalo akong nagutooom huhuhuhu"

"What's that?"

"I bet it's yummy"

"Teka wait lang."

Kinuha ko na ang sinaing, sinerve ang noodles, ang corned beef at pang huli ang hard boiled egg.

"Okay, hali na kayo. Tapos na ako mag luto."

"What? That fast?"

"Oo. Instant lang kasi to."

"Ooooooh"

Umupo lang kami sa lapag at nag self service na kumuha ng pagkain.

Pagkatikim nila sa pagkain nanlaki ang mga mata nila.

PHILOXENIA ACADEMY: Love To StrangersWhere stories live. Discover now