Chapter 8

76 2 5
                                    

CHANDICA

Kahit tapos na ang klase, marami paring estudyante ang gumagala gala dito sa loob ng campus. Actually, sa lahat naman siguro ng schools. Nasanay na ako sa atmosphere dito sa JU pero kung ikukumpara ito sa PA. mas lively ang awra don kesa dito.

Nag hiwa-hiwalay kaming pito sa paghahanap. Sinabihan ko din sila na may Dormitory dito and posibleng doon nag ste-stay si Justine.

Hindi naman kami mahihirapan sa communication dahil bukas naman ang mga isip namin para sa telepathy. Don nalang kami mag uusap usap incase na may makita kami or mahanap namin ang target.

Inumpisahan kong mag hanap sa school grounds.

30 mins. Sa paglilibot pero wala parin akong nakikita. Mukhang nagsiuwian na ang ibang mga estudyante kasi pakonti ng pakonti ang mga tao dito.

Napaupo ako saglit sa isang bench. Medyo sumakit yung paa ko kakalakad.

Biglang humangin sa likod ko kaya napatingin ako.

Puro kakahuyan lang ang nakita ko. Hindi din naman mahangin kaya di ko gets bat ko yun naramdaman.

Bigla ulit humangin kaya humarap ako sa likod. Wala pa ring tao.

That's weird?

Mas binantayan ko ang likod ko pero hindi ako nakaharap doon. Nakiramdam lang ako sa paligid.

Huni ng ibon, lagaslas ng mga tuyong dahon na nagsihulugan galing sa puno. Ang direksyon ng hangin.

At..

Mula sa peripheral vision ko, nakakita ako ng isang lalaking naka cloak. Medyo mahaba ang buhok nya pero isa syang lalaki. Kulay gold ang pares ng mata nya. Umiilaw ito.

All in all nakakatakot syang tingnan.
Hindi din sya si Justine dahil ibang iba yung anyo nya.

Hinarap ko sya but this time, hindi na sya umalis.

"A-anong kailangan mo?" Kahit natatakot, pilit kong nilalakasan yung loob ko.

Hindi nya ako sinagot bagkus ngumisi sya ng napakalaki. Lumingon sya sa gilid nya, parang may tinitingnan. Sinundan ko naman yung tingin nya.

Laking gulat ko ng makita si Justine na nakaupo sa isang bench at may binabasang isang papel na halatang pinunit lang.

Ang missing piece!

Binalik ko ang tingin sa lalaki.

"A-anong kailangan mo?" Ngumisi lang ulit sya sakin bago nawala ng parang bula.

'Guys.. s-sa achool grounds. Justine..bilis!'

Hinanap sya ng mga mata ko pero hindi ko na sya nakita pang ulit.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo ng tumakbo patungo kay Justine ngunit ganun nalang ang gulat ko ng bigla syang naging ibang lalaki!

Nag ibang anyo sya bigla!

Unti unti ay nakakita ako ng marka nya sa leeg.

Moon and rose!

Isang D-dusternisian!

"P-panong?"

Naloko ba ako? Kapareho nya ang ability ni Via! Transformation!

"Hi."

Tila napako ako sa kinatatayuan ko.

"Anong kailangan mo?"

"Hindi mo ba tatanungin kung anong pangalan ko....Chandica?"

PHILOXENIA ACADEMY: Love To StrangersWhere stories live. Discover now