Chapter 20

677K 10.4K 1.7K
                                    

Angel POV

Nagising ako na wala na si Oliver. Masyado akong napuyat kakaisip kagabi. Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog basta ang alam ko, umiiyak ako kagabi habang si Oliver nakayakap sa’ken at natutulog. Yes, he’s with me. May nangyayari sa’men. Sinasabihan niya ako ng three words but..lahat ng iyon, pretend lang. Nagpe-retend siya dahil ayaw niyang saktan ako—para sa anak namin.

Bumangon na ako at napansin ang note sa side table. Kinuha ko iyon at binasa.

I’ll be busy today, wife. Please take care. Call me when you need anything. –Oliver

I sighed. Nanggigilid na naman ang luha ko. Magiging busy nga ba siya ngayong umaga o magiging busy lang siya sa girlfriend niya? Baka may date sila? Hay. Hindi pa ba siya nakuntento na ginamit na naman niya ako kagabi? Naiintindihan ko nag alit siya sa’ken. Naiintindihan ko kung bakit gusto nyang mag-revenge pero ang hindi ko maintindhan ay kung bakit kailangan niyang maging ganito ka-hard sa’ken. Marunong naman din kasi akong masaktan. Hindi naman bakal ang puso ko para hindi makaramdam.

Napailing na lamang ako. Walang mangyayari kung iisipin at iisipin ko nalang palagi si Oliver. Mag-stay ako dito. Gusto kong ipakita ang sa kanya na nagsisisi na ako sa nagawa ko no’n. Gusto kong alisin ang galit sa dibdib niya. Bahala na. Basta pagkatapos kong gawin ang lahat at hindi pa rin effective, hinding-hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko sa kanya.

Tumayo na ako saka itinapon sa trash can ang note ni Oliver. Calling me ‘wife’ huh? I’ll play with your game, Oliver Ynarez. 

Paglabas ko ay dumiretso ako sa kusina. Naka-amoy ako ng mabango sa kusina. Bigla akong ginutom. Naabutan ko si manang na nagluluto. “Anong niluluto mo, Manang?”

“Pininyahang manok, iha.”

Ngumiti ako. “Mukhang masarap. At mukhang gusto ni baby ‘yan.” Sabi ko saka napahawak sa tiyan ko. Ilang buwan lamang at lalaki na itong tiyan ko.

“Malapit na itong matapos. Pananghalian kasi ito iha.”

Kumunot ang noo ko. “Anong oras na ho ba?”

“Mag-a-alas onse na.”

Nagulat ako. Kaya naman pala wala na si Oliver. Napuyat pala talaga ako kagabi dahil sa pag-iyak ko. Hindi pa ako nakakaramdam ng gutom. Magta-tanghali na, ni hindi pa ako nag-breakfast. Brunch nalang pag naluto na ang pininyahang manok.

Pumunta muna akong living room pero nagulat ako nang may biglang pumasok dito sa bahay—ang girlfriend ni Oliver. Anong masamang hangin ang nagdala sa kanya dito? At talagang dire-diretso siya dito sa loob ng bahay? Feel at home lang?

“So..” panimula niya habang nakapamaywang.

“Anong kailangan mo?”

“Where’s Oliver?” tanong niya. Hindi ba sila magkasama saka bakit ‘di niya tawagan kung nasaan? Psh. Nananadya yata ang abbaeng ‘to eh.

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon