Chapter 13

719K 11.9K 4K
                                    

May mga nagtatanong bakit wala ang Chapter 11 nirestricted siya ni wattpad. Click nyo nalang ang link ng Chapter 11 para mabasa nyo. Nasa facebook page ng ONS, search nyo lang One Night Stand.

-

Angel POV

Almost one week na ang nakalipas nung nagkasagutan kami ni Oliver. Nung malaman ko ang totoong dahilan kung bakit ganon ang pakikitungo nya sa'ken. 

Tinanggap ko. Nilunok ko ang pride ko para sundin sya. Para makontento na siya sa paghihiganti nya dahil sa nangyari sa dapat na anak namin. 

Araw araw, pare-pareho lang routine ko. Di na rin ako masyadong kinakausap ni Oliver. Kapag nasa kama lang kami, dun maingay siya. Back to normal na ulit kami. Sa master's bedroom na ako ulit natutulog pero alam kong hindi dahil gusto akong makatabi ni Oliver kundi dahil gabi gabi kaming nagse-sex. Ano pa nga ba? Eh sex slave nya ako. Natural na 'yun. Di na ako umaangal dahil aminin ko man o hindi, gusto ko din naman. Mahal ko 'yung tao eh. Isa pa, magaling talaga si Oliver sa kama.

Sa umaga, magluluto ako para kay Oliver kasi mas gusto daw nya ang luto ko. Medyo na-appreciate ko naman 'yun pero alam kong gusto nya lang na ako ang magluto para mahirapan ako. Pinaparusahan nya ako 'di ba. Psh. Then after that, maghahanda na ako sa pagpasok sa trabaho. Si Oliver, laging nauunag umalis. Sa gabi naman, uuwi siya gabi na din. Tapos ayun, war na kami sa kama.  

Tapos napansin ko, this past few days, parang natatamad na akong bumangon sa kama kapag umaga. Tapos madalas akong nahihilo at nawawalan ng gana kumain. Nagkakasakit na yata ako dahil sa stress eh at depression eh.  

Ngayon, nandito ako sa restaurant. Nagta-trabaho. Buti nga balik trabaho na si Jacob. Nawala na 'yung guilt na naramdaman ko nung ma-suspend siya. 

Si Oliver? Hayun, kumakain sa isa sa table. Ang sweet sweet nila ng girlfriend niya. Masakit nga dito oh. Sa bandang dibdib ko. 

"Stop looking at them. Tch." Bulong ni Jacob sa'ken. Sa lahat ng tao dito, si Jacob lang naman ang nakakaalam ng lahat ng tungkol sa'ken at sa set-up namin ni Oliver. 

At teka ha, napapansin ko madalas ng mag-english 'tong si Jacob nitong makabalik siya dito sa restaurant. Weird. 

"Oo na." Kalmadong sabi ko at ibinalik ang atensyon ko sa trabaho. 

I know this will be a long tiring day. Lalo na kung ang view ay si Oliver na ngiting-ngiti kasama ang girlfriend nya. Nakakaselos ha!

--

Tapos na ang trabaho. Namamaga ang mga mata ko kase nai-kwento ko lahat kay Jacob kanina ang naging pag-uusap namin ni Oliver. Nakakagaan din naman ng loob kapag may nasasabihan ka ng hinanakit mo eh. 

Nanggagalaiti sa galit si Jacob pero sabi ko sa kanya, keri ko naman. Ako pa ba? Kayang kaya ko 'to. 

Ipinark ko ang kotse ko sa garage. Nandito na kaya si Oliver? Well, hindi na mahalaga 'yun. Lagi naman syang gabi ng umuwi eh. Mag-isa na naman akong kakain ng dinner. 

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon