Chapter 12

693K 10.8K 1.8K
                                    

Angel POV

Narito ako sa bar. Kakarating ko lang. First night ko dito para magtrabaho bilang dancer. Honestly, kinakabahan ako dahil sa suot ko. Ang ikli kase at fitted. Tapos revealing talaga. Magpo-pole dancing ako mamaya. Kaya ko naman siguro 'to. Para sa pera.

"Angel, ready ka na?" Tanong ng baklitang manager ng mga dancers dito.

Napalunok ako. Alam kong maraming tao sa labas dahil isa rin itong classy bar. Nakakaya ko namang makipaglandian kung kani-kanino eh, ngayon sasayaw lang naman ako. Kaya ko 'to!

"I'm ready." Sagot ko.

Ngumiti sya at tumalikod na. Shocks! Eto na 'yun. Nagsisimula ng tumugtog ang sexy dance na sasayawin ko. Na-brief na naman sa'ken lahat kanina eh so alam ko na ang gagawin ko.

Narinig ko na ang hudyat na dapat ay mag-entrance na ako kaya huminga ako ng malalim at inipon ang self-confidence ko.

Lumabas ako mula sa back stage. Maraming tao, karamihan ay mga lalaki na nakatayo sa harap ng mini stage na sasayawan ko. They are all shouting like this is the first time na manonood sila ng live show.

Lumakas ang music. Nagsimula akong kumembot. Malandi akong naglakad palapit sa pole sa mini stage na kinatatayuan ko ngayon. Malalakas ang naging pagsigaw ng mga lalaki dito sa bar.

Nagsayaw ako, kumembot, nag-pole dancing. May mga pagkakataon na sinasadya kong ipakita ang legs at cleavage ko. Why not? I'm starting to enjoy my pole dancing. Paano ba ako hindi mag-e-enjoy, eh marami ng naghahagis ng papel na pera sa stage. Kapansin-pansin na nagugustuhan nila ang ginagawa kong pagsayaw.

Kumikindat ako, bahagyang kinakagat ang ibabang labi ko habang sumasayaw ng daring. Sinasabayan ng katawan ko ang bawat indayog ng tugtog.

"Can I take you home!?"

"Fuck! You're sizzling hot!"

Ilang sigaw ng mga kalalakihang alam kong mayayaman. But sorry boys, hindi ako pwedeng i-take-home. Hindi pa ako ganon ka-deperadang makaipon ng pera para sumama sa kung sinu-sinong lalaki.

"Take off your fucking dress!" Sigaw nung lalaki.

Napatingin ako sa gawi ng manager ng bar na'to. Sumesenyas sya na hubarin ko ang damit ko. Habang nagpapatuloy ako pagsayaw ay napaisip ako.

Hiwalay ang top at pambaba ko. I can take off my top but not my bottom. Walang pag-aalinlangang hinubad ko ang pang-itaas ko at nagpatuloy sa pagsayaw.

Hindi naman ga'non ka-awkward na naka-bra nalang ako ngayon. Para nasa beach lang 'yan. Yun lang iniisip ko. I need to do this for the sake of my salary. Para makabayad na ako kay Oliver.

Umikot ako sa pole. Kumilos na parang nang-aakit ng audience pero sa isang iglap ay may kamay ng nakahawak sa braso ko.

Napatigil ako at sumalubong sa'ken ang nag-aapoy na mga mata ni Oliver. Paano sya napunta dito? Bakit nandito sya? Shit!

"Oh, man! Don't be selfish! Let her dance!" Sigaw ng lalaki mula sa audience.

Isinuot sa'ken ni Oliver ang coat nya which I find it sweet at parang itinatago nya ako sa likod nya.

"Man, better zip your fucking mouth. She's mine. Only mine." Sabi ni Oliver at mabilis akong hinila pababa ng stage.

Nagulat ako sa ginawa nya. Kalagitnaan ng show namin! Shit! "Olive--"

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon