Special Chapter

496K 8.6K 1.6K
                                    

Angel POV

I was busy reading a book when I heard a loud sound from the garden. Tumayo ako saka ipinatong ang librong hawak ko sa mesa.

I walked towards the garden and I almost laugh when I saw Oliver..

"Pinaglalaruan ako ng mga anak mo! Tch."

Sumimangot ako. "Anak mo din. Magagawa ko ba mag-isa ang mga 'yan. Psh."

Binuhat ko si Vannie na tuwang tuwa dahil sa ginawa niya sa Daddy niya. Humahagikhik pa ito. Paano ba naman, she just painted her father's face. Mukha tuloy clown na pinaglaruan si Oliver.

"Mom, I taught her how to paint." Sabi ni Van Angelo na hawak hawak pa ang paint brush. "But instead of painting in the paper, she did it on Dad's face."

Napailing na lang ako habang nakatingin kay Oliver na mukhang masama na ang lasa. Tumayo siya mula sa pagkaka-up sa bermuda grass.

"I need to wash my face." Sabi ni Oliver.

"You're still handsome." Sabi ko. Gustung-gusto ni Oliver na pinupuri siya eh.

He smiled at me. "Really?"

I nodded. "You're still the most handsome guy in my eyes."

He pinched my nose and kissed my lips. "Binobola na naman ako ng asawa ko."

"Hindi kita binobola!"

"Because Dad, you're not a ball." Singit ni Van Angelo.

Binalewala iyon ni Oliver. "Tch."

"Sige hahanap ako ng mas gwapo sa'yo kung ayaw mong maniwala na ikaw ang pinaka-gwapo sa mga mata ko."

He pouted his lips. And swear! He's so cute. "Ako lang?"

"Se Ded, ngemengese. Pereng bekle." Si Van. Hindi pa rin niya natututunan na lima ang vowel letters at hindi isa lang. Letter "e" lang yata ang kilala niya. Ganyan talaga siya 'pag nagta-tagalog. Hindi ko nga talaga alam kung paano naging 'slang' ang anak ko.

Van Angelo is eight years old while Vannie Angela is three years old. Gusto pa namin siyang sundan pero sa ngayon, hindi pa kami ulit makabuo dahil laging pagod sa trabaho si Oliver dahil sa mga kompanyang pag-aari niya at namana sa mga magulang niya samantalang ako naman ay abala din sa Angel's Restaurant na dumarami na ang branches.

"Ikaw lang." I reached him and kissed his lips.

Humagikhik si Vannie na parang kinikilig. Para namang naiintindihan na niya ang salitang love para kiligin. For Pete's sake, she's only three years old.

"Alright. I'll clean up first, then let's have our lunch together."

Tumango at ngumiti ako sa asawa ko. Ginulo niya ang buhok ni Van Angelo saka pinisil ng bahagya ang pisngi ni Vannie Angela. Naiwan kaming mag-i-ina dito sa garden. Naupo ako sa bermuda grass saka ibinaba si Vannie Angela sa stroller.

"Se Ded genegele lege eng behek ke! Tch."

"Van Angelo."

"Yes, Mom?" Sagot niya. I prefered english than tagalog for him.

"Mom wants to teach you something."

Kumunot ang noo niya. "What is it, Mom?"

"Sundan mo ako, okay?"

Tumango naman siya kaya ngumiti ako. One thing I like about Van Angelo is marunong siyang makinig sa akin. He's afraid of me--parang ama niya. Psh.

"When you say, AKO. A-K-O."

"EKE."

"Anak, you're using too much 'e', and it's not good."

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon