Prologue

1.7M 18.5K 3.8K
                                    

PROLOGUE

"Kilalang kilala ang mga 'yan dito. Gabi gabi yata nandito ang magkakaibigan na 'yan. Pa'no, owner lang naman ng bar na'to ang isa sa kaibigan nila."

Ngali-ngali ko ng sungalngalin ang bunganga ni Cathy dahil sa kadaldalan niya. Kwento siya ng kwento ng mga bagay na alam na alam ko naman pero akala niya yata, di ko alam.

Psh. Hindi ba niya naisip? Sa iisang university lang kami pumapasok ng mga lalaking nasa VIP area ng bar na'to.

Kung sabagay. Wala namang alam 'tong si Cathy saken. Dito ko lang naman siya naka-close sa bar. She's now working here. Dati customer lang siya, ay di pala. Pokpok pala 'yan dito. Naghahanap ng customer gabi-gabi. Psh.

I'm a college student. Pero laking bar ako. Ewan ko ba. Parang ang laki ng insecurities ko sa katawan. Tipong gusto ko nakukuha ko yung gusto ko.

My name is Angel Vanna Sabina slash BITCH. I'm proud to be bitch. Yes. At mahilig akong mang-away even sa school. Tambayan ko ang bar na'to na malapit sa university na pinapasukan ko. Mag-isa lang kasi ako sa mansyon namin. Nag-iisang anak ako--ng mga umampon saken. Ampon ako, oo. Pero tinuring akong tunay na anak ng mga umampon sa'ken. Mayaman sila pero hindi sila magka-anak kaya naisipan nilang mag-ampon. And there, ako ang sinwerte. Now I'm living like a princess. But I'm not happy with my life. There's something missing in me that I can't figure out.

"Look at that guy. Yung naka-shirt na white. Ang hot niya. Kanina pa siya tumitingin dito. Gandang-ganda siguro sa'ken 'yan girl!"

Likas ng makapal ang mukha nitong si Cathy eh. Ang tinuturo lang naman niyang tumitingin daw dito ay ang nag-iisang Oliver Ynarez--isa sa varsity player ng university na pinapasukan ko na tinatawag na Tigers. Kilala ang mga 'yan sa pagiging playboy.

Crush ko siya. O, sabihin ko ng lahat ng gwapong makita ko, crush ko. Ano? May sinasabi ka? Wala kang pakialam kasi buhay ko 'to. Magkaka-crush ako hanggat gusto ko. Kahit pa ilan. Kahit pa umabot sa isang-daan yan.

"Girl! Ano, lalandiin ko na ba?"

Psh. Gabi gabi, iba-ibang lalaki ang nilalandi niya, magka-pera lang. I do flirt din pero never akong sumama sa isang lalaki para magpagamit sa kanila. Psh. I'm not slut. Bitch lang ako.

"Ang tanong, magpapalandi ba sayo?" Pang-aasar ko.

"Oo naman! Ako pa? Sa sexy ko na'to? And no, no, no! I'm a sex goddess." Pagmamayabang niya.

Tumungga ako ng alak. "Sige, push mo yan."

"Parang ini-insulto moko ah! Makapagsalita ka dyan. Psh. Ang sabihin mo, kung ikaw siguro ang lalandi sa kanya, hindi ka papatulan. You're lame. You're not sexy like me."

Sinusubukan ako. Psh. "Gusto mong pakitaan kita ng kamandag ko?" Hamon ko.

Hinahamon ako eh. Never ko pang nalapitan 'yang si Oliver na 'yan pero kung hahamunin ako nitong si Cathy, makikita niya. Walang wala siya sa'ken. Walang makakatanggi sa way ng flirting ko. Psh!

"Let me see. Pakita mo ang pinagmamayabang mo. Seduce him. Kailangan mapasama mo siya sa'yo. Then, have sex with him."

Na-challenge ako bigla. Ayoko sa lahat china-challenge ako. "Are you damn serious?" Tanong ko.

"Yes, girl. Make sure you'll have sex with that guy."

I don't know if I can. I'm virgin for Pete's sake. Pero nacha-challenge ako. And I love challenges. Hindi ako marunong humindi sa mga ganyan.

"Fine. Kapag nagawa ko, you'll be having sex with ten men." Sabi ko.

Nanlaki ang mata niya. Di yata makapaniwala sa sinabi ko. What's the problem sa sinabi ko? Para may challenge din siya. "What?"

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon