Chapter 29

517K 7.9K 1K
                                    

Angel POV

Nang una kong makita ang manikang nasa box, isang tao agad ang pumasok sa isip ko na maaaring magpadala nito. 

Walang iba kundi si Lena. Pero ang pinagtataka ko..

Lalaki ang manika. At iba ang pakiramdam ko. Sinong maaaring gumawa no'n maliban kay Lena at anong ibig sabihin no'n?

"Hey, wife. Are you okay?"

Napalunok ako saka tiningnan si Oliver na kararating lang. Nakaupo ako dito sa living room. Kanina pa kase ako natutulala dahil sa natanggap ko kanina. Natatakot ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari--ang sunod na mangyayari. 

Lumapit sa'ken si Oliver saka ako kinintalan ng halik sa labi. "You looks stressed. Makakasama sa baby natin 'yan. What's wrong?"

Sasabihin ko ba kay Oliver? Pero mali naman kung ililihim ko sa kanya. "Oliver.."

"Yes?" Naupo siya sa tabi ko saka ako inakbayan. "What's bothering you?"

"M-May narecieve akong box kanina. 'Di ko alam kung kanino galing. May nag-iwan lang kase sa labas ng pinto."

"What's with the box?"

"M-Manikang may nakasaksak na kutsilyo. It creeps me out. Hindi ko alam kung sinong maaaring magpadala nun." Nagsimula na naman akong kilabutan. Hindi ako natatakot para sa sarili ko kundi para sa anak ko na nasa sinapupunan ko. 

"What? I know! Damn. Maybe it's Lena who sent that box. Fuck that bitch. I'll talk to her!"

"No Oliver. B-Baka hindi si Lena."

"Paano mo nasabi? Siya lang ang may galit sa'yo! Damn it!"

Hinawakan ko sa braso si Oliver para kumalma siya. "L-Lalaki 'yung manika, Oliver. At 'di ko alam kung anong ibig sabihin non."

Napatayo na siya at namaywang. "Fuck! Who the hell is the sender? Where's the box?"

"Pinatapon ko na kay manang. 'Di ko kayang makita ang box na 'yon. Natatakot ako.."

He pulled me dahilan para mapatayo ako saka niya ako niyakap. "Aalamin ko kung sinong nagpadala no'n. Alright? Don't be afraid. I'm here. I won't let anyone hurt you and our baby. Subukan lang nila. Mapapatay ko sila."

I bit my lip and hugged him more. "O-oliver, ang baby natin. Ayokong may mangyaring masama sa kanya."

"Don't worry Vanna. Walang mangyayari sa inyo ni baby hangga't nandito ako. Maliwanag?" He said then kissed my head assuring me that everything is fine. 

Medyo kumalma ako. Hangga't nandito sa tabi ko si Oliver, I feel safe. Alam kong hindi niya kami pababayaan. Mahal ako ni Oliver. At mahal niya ang anak namin. 

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon