Chapter 36

446K 8.1K 2.1K
                                    

Lena POV

Galit ako. Galit na galit. Kasalanan 'to lahat ng bitch na Angel Sabina na 'yon! Humanda siya. Gaganti ako. Gaganti ako! Hindi ako makakapayag na makulong lang ako dito sa kulungan ng gano'n ganoon nalang. Hindi ako makakapayag na sumaya ang bitch na 'yon! Mas may karapatan ako na sumaya higit sa kaniya! Napakalandi niya. Punyetang babae 'yon! Arggghh!

"Hoy! Makikitawag ako!" Sigaw ko sa pulis na nakabantay dito.

Mga bwisit! 'Di ba nila alam kung sino ang kinakalaban nila?!

Iniabot sa'ken ng pulis ang telepono. "Huwag masyadong matagal. Bawal 'yan."

"Shut up." Sagot ko saka siya inirapan. Ipa-bomba ko 'tong kulungan nila eh.

Nag-dial ako sa telepono. Nag-ring naman iyon. Ilang saglit pa ay may sumagot na.

"Who's this?" Sagot nang nasa kabilang llinya.

"Ilabas mo ako dito sa kulungan. This is Lena. Someone put me here in the jail. Damn it! Ni hindi ako makakatulog sa lapag! Ilabas mo ako dito ngayon din!"

I heard him sigh. "Alright. Ipapadala ko ang tauhan ko diyan."

"Good." Pagkasabi ko ay ibinaba ko ang telepono at ibinalik sa pulis. Ang sama pa ng tingin saken, inirapan ko nga. Letse sila.

Hindi nila alam kung gaano kayaman si Senyor Mozer Villegas--ang lalaking ginagamit ko ang yaman kapalit ng pagpapaligaya sa kaniya. Aminado ako, gold digger ako. Gusto ko ng kapangyarihan niya kaya kumabit ako sa kaniya kahit may asawa't mga anak na siya. Pero patay na ang asawa niya--on other words, nalason ko na para mawala na sa mundong ibabaw. Saka para masolo ko na si Senyor Mozer. Malaking kayamanan ang maibibigay niya sa'ken 'pag wala na ang asawa niya. Gabi gabi ko naman siyang napapaligaya sa kama.

Ngayon, nagagamit ko ang yaman at kapangyarihan niya para makuha ang lalaking gustung-gusto ko talaga--si Oliver. Mahal ko siya at siya ang gusto kong pakasalan. Pero dahil sa Angel Sabina na 'yon, nasisira ang diskarte ko. I almost got him. Nasa akin na siya eh. Nasa akin na!

Alam kong nakakahiya ang kumabit sa lalaking matanda na lalo't mayaman pero bakit? Kung ako lang, I am proud. Ano bang pakialam ko sa iisipin ng ibang tao? Wala! Dahil sa'ken, sariling kasiyahan ko lang ang mahalaga. Hindi mahalaga sa'ken ang iisipin at sasabihin ng ibang tao.

Like what happened to bar..kung saan na-trap ako ni Oliver.

Flashback.

Sabay kaming pumasok ni Oliver sa isang bar na pag-aari daw ng kaibigan niya. He asked me on a date and I gladly accepted it. Kumain na kami sa isang restaurant. Sabi ko na nga ba hindi ako matitiis ni Oliver eh. Ako pa din ang hahanapin niya. Ako lang! Iba talaga ang alindog ko.

"Yo man!" Bati ng isang lalaki kay Oliver. Nag-brotherhood gesture sila saka kami dumiretso ni Oliver sa VIP room.

Oh. Sa VIP room kami? So he's planning to..shit. Iba na siguro ang pakiramdam ni Oliver. Gusto na siguro niya akong masolo. Maybe we'll have sex here. Na-e-excite ako. Gustung-gusto ko pa naman matikman na si Oliver. Palagi nalang make out ang ginagawa namin. I always make the move. He never tried to have sex with me.

"Enjoy your night." Sabi nung lalaki kay Oliver. Tumango lang si Oliver. Hindi man lang ako pinakilala.

"Let's go inside." Yaya sa'ken ni Oliver. Lalo akong nakaramdam ng excitement kaya pumasok agad ako. Nasa likod ko si Oliver.

Nakangiti ako pero napawi ang ngiti ko at napalitan ng pagtataka nang pagpasok namin ay ang daming lalaki dito sa loob ng VIP room. Merong mga hawak ng alak. Merong nagyoyosi. At lahat sila gwapo. May party ba..ng mga lalaki?

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon