FH 41:

39.2K 1K 58
                                    

SOBRANG BUSY NA WEEK AS IN! HIND KINAYA NG SCHED...

-pag nanonood ako ng dream dad, naalala ko si Ren kay Baby, tapos yung name ng sisiw niya" kulit"..nickname pa ni Ren..

#watching THE VOICE

#UNEDITED..

...............................

…………………………………………………………………………………………………….

FH 41:

Naglilihi

Natutuwa pa rin si Luke at nagkaroon sila ng bonding time ni Clayanne, kasama ang mga anak nito pati na rin ang asawa nito na magpahanggang ngayon ay pinagseselosan pa rin  siya. Natawa na nga lang siya ng malaman na tumakas ito sa isang mahalagang meeting para lamang umuwi ng bahay dahil nandoon siya kausap ang asawa nito, mas lalo lang siyang natawa na malaman niya na ang nagsumbong pala sa kanya ay ang anak na lalaki nito na si Ren. Kaya naman pala makahulugan itong nakatingin sa kanya kanina pa habang hawak ang cellphone yun pala nagrereport na ito sa ama.

Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng excitement sa magiging anak nila ni Pyne. Hindi nga mapaigilan ni Luke habang nakatingin sa buong pamilya na nagkukulitan, plus madadagdagan pa ng isa in a few more months.

………………………………………………………………

“Hey sorry sa inasal ni Luke,” kaharap ni Pyne si Newton, inimbitahan niya itong maglunch para bumawi sa nangyari.

“Lumang balita na  yun ah,” sagot nito matapos ibigay ang order sa waiter na katabi.

Nakanguso naman si Pyne…

“ilang araw kaya kitang hina hunt, pero nagtatago ka, kaya ngayon lang ako nakapag sorry,” pinagdaop pa nito ang mga palad,”sorry na please?”

Natawa na lang si Newton dito…hindi naman siya nagtago, gutso niya lang lumayo ng konti para matanggap ang kaniyang pagkatalo, wala eh, magkaka anak na nga si Pyne kay Luke. Kung tutuusin, katangahan niya rin ang nagdala sa kanyang pagkatalo, hindi siya nag exert ng effort para mas makuha ito, naduwag siya na baka mawala yung friendship…kaya noong bumalik si Luke, unti-unti siyang nawalan ng pagkakataon. Siguro nga hanggang dito lang ang pag-ibig niya para kay Pyne, hindi naman niya kayang pagkaitan ng ama ang magiging anak nito, at lalong hindi niya kayang manira ng pamilya lalo na at unti unti naman yung binubuo ni Luke. Hindi niya nga lang alam kung ano ang magiging reaction nito kapag nalaman nito na nakunan at nanganib ang buhay ni Pyne dahil sa pag-alis nito noon.

“ hindi ako nagtago, umattend ako ng seminar sa Bataan, napano ka?” half true, hindi niya nga lang pinasabi kung saan lugar.

“Pero bakit naka off ang phone mo?” ilang araw kasi na puro voice mail ang bumubungad sa kanya, kaya naman di maiwasang isipin ni Pyne na nilalayuan na siya ni Newton. Tumawa naman ito ng mahina na nagpainis sa kanya.heto na siya at pinagtatawanan ang kanyang kalungkutan.

“Nakakainis ka!”  di mapigilang batuhin ni Pyne ng tissue ang kaharap,”I hate you! Uuwi na lang ako kaysa pagtawanan mo!” maktol nito sa kanya.

Tumayo na ito ng hindi pa humuhupa ang tawa ni Newton, agad naman itong tumayo para pumigil sa kanyang braso.

“Hindi naman ito mabiro, ganyan ka pala maglihi?” komento nito na nagpabalik ng up okay Pyne. Napansin nga rin ng mga tao sa kanyang paligid ang pagbabago ng kanyang mood, pati sa pagkain, parang lagi siayng may gustong kainin na hindi niya ma pin point kung ano.

Meron na rin siyang morning sickness, naka abang na si Luke sa kanyang pinto sa umaga. Nagtalo din kasi sila dahil doon ito natutulog sa kanyang bahay, hindi niya yun nagustuhan, sabi ni Pyne na kung doon mulit ito matutulog, pagbabawalan niya na itong pumunta sa kanyang bahay.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon