FH 36:

32.7K 779 16
                                    

#UNEDITED

SHORT LANG..

……………………………………………………………………………………………….

FH 36:

“Busangot ang mukha mo?” usisa sa kanya ni Newton, ito ngayon ang balak niyang gambalain, hindi kasi mawala ang galit niya kanina ng magpangg-abot si Yin at Luke sa kanyang opisina, images from that night went back in, lahat ng sakit, pakiramdam niya bumabalik siya sa pangyayaring yun, siya nakaupo habang pinapanood ang kanilang ginagawang kataksilan. Hindi siya nakagawa ng kung ano man na trabaho, ang init kasi ng ulo niya, pati yung secretary niya na balak mang-usisa tungkol kay Luke ay bigla na lang natahimik ng tignan niya ng masama.

Ang malala pa doon, bago magtanghali, nagpunto siya sa cctv room pari I check ang footage kung nag-usap ba sina Luke at Yin paglabas ng kanyang opisina. Hindi pa rin nakatulong na walang interaksyon na nangyari sa dalawa.

Di niya mapigilang isipin na gagawa sila ng hindi maganda kapag nakatalikod siya.

“You completely healed?”  iwas niya sa tanong nito, habang isa-isang inuusisa ang mga nakasketch sa table, si Newton nakaharap sa kanyang monitor.

“Pasalamat ako sa trabaho ko, hindi ko kailangang lumabas at ibalandra ang injury kiung mukha, baka mabawasan yung mga babaeng naghahabol sa akin,”

“ayaw mo noon, doon mo malalaman kung gugustuhin ka nila ano man ang maging itsura mo?” komento ni Pyne,” this pic looks like me?” napatingin si Newton sa hawak na papel, agad itong tumayo at inagawa yun…

“Oops, akala mo lang yun,” itinago nito sa drawer ang gawa.

“Hey, patingin, kamukha ko talaga, parang chibi version ko!” usisa ni Pyne kaya lamang desidido si Newton na wag iyong ipakita, siya naman talaga ang inspirasyon nito sa bagong anime na naiisip… at least kahit doon siya , o ang karakter niya ang makakatuluyan nito.

“I’m hungry , kain tayo ng masarap,” alok ni Newton sabay hila kay Pyne na napansin niyang iika ika pala, nabahala naman siya sa lagay nito.

“what happened to you?”

“Nothing, sort of katangahan lang, malayo ito sa lungs,” she assured him, para kasing nagpapanic ito samantalang hindi naman niya iniinda ang sugat, mas masakit kaya ang sugat sa kanyang puso.

And when Newton says na kakain sila ng masarap, cup noodles na shrimp flavor ang ibig sabihin nito…samahan pa ng kimchi galing sa favorite nitong korean restaurant, kahit iyon lamang ay masaya ng nagsasalo ang dalawa habang nag-aasaran.

Kahit paano nakakalimutan niya ang sakit na nangyari kanina, ang kalituhan na ginagawa sa kanya ni Luke, sa mga kinikilos at sinasabi nito…

………………………………………………………………………………………………………

“Anong oras ba siya umalis?” usisa ni Luke sa secretary ni Pyne, nagmadali pa namang siyang tapusin ang kanyang trabaho dahil gusto niyang sunduin ito, kahit pa nga napagalitan siya dahil late na siyang nakapagreport sa trabaho, hindi siya nagreklamo at nagpakumbaba na lang. Inilagay kasi siya ng ama sa pinakamababang posisyon, sa warehouse, in charge sa distributional at delivery ng mga products.  Ang manager lamang doon ang nakakaalam na anak siya ng may-ari, ang kanyang mga supervisor at mga crew doon ay walang kaalam- alam, kaya Malaya ang mga ito na tratuhin siya gaya ng sa lahat, at minsan utos utusan pa ng mga nagrereklamo.

Wala siyang karapatang magreklamo sa ama sa binigay nito, ito ang kapalit ng kanyang hiling na makabalik. Tama lamang na dito siya mag-umpisa, para mapahalagahan niya ang bawat department pati ang kanyang pagtaas, hindi kasi patas para sa iba na agad siyang nasa mataas na posisyon, sa kabila ng kabiguan na ginawa niya sa kanyang pamilya.

Kailangan niyang matuto dito and he accepted this challenge wholeheartedly.

“she left early po eh sir, “ hindi na rin napaigilan nito ang magtanong,”ano pong pangalan angs asabihin ko na naghahanap sa kanya?” usisa nito dahil curious talaga siya sa lalakeng kaharap, bukod kay Newton na matalik na kaibigan nito, pati sa gwapo nitong kakambal na si PJ wala na siyang kilalang ibang lalake sa buhay ng amo, maliban na lamang sa napabalitang asawa daw nito.

“Nevermind, sige pupuntahan ko na lamang siya,” bigong umalis si Luke, he left with no choice, aantayin niya na lamang ito sa bahay nito. Gusto niya pa naman sanang imbitahan itong magdinner sa labas, kahit pagod at masakit ang katawan, pinilit niya ng magtrabaho.

………………………………………………………………………………………………………

“Can I sleep here?” tanong niya kay Newton matapos ang mahabang kwetuhan, alas 10 na ng gabi at nag-aalok na itong ihatid siya ng bahay. She don’t want to, alam niyang nadoon si Luke, hindi niya alam , takot siya sa kung  ano ang mangyayari pag nakita niya ito, she can’t face him yet, baka kung ano pa ang kanyang masabi.

“A-are you sure?” kinakabahang tanong ni Newton, ilang araw pa lang na nagdesisyon siyang tuluyan ng kalimutan ang kahibangan niya dito, pero heto ito ngayon lumalapit sa kanya, paano siya makakalugar sa kanyang tamang paglagyan?

“Please?Just for tonight, as if naman may gagawin ka sa aking masama,”tinawanan lang ni Newton ang sinabi nito, he is always the gentleman to her, kahit naman sumasagi sa isipan niya yun, hindi naman yun kayang gawin talaga kay Pyne.

“I will let allow you kung ikukuwento mo sa akin ang dahilan ng pagsisiksik mo sa sarili mo dito,” kung kailan pa naman akala niya na desidido si Luke kay Pyne, nangyayari naman ito.

Bumuntunghininga ang kaibigan bago nagpatuloy,

“I guess wala talaga akong kawala…nagkita sina Yin at Luke sa opisina, nagkatinginan-

“at nagselos ka ka” putol nito sa kanyang sasabihin                                           

“Hindi ako nagselos!” sigaw ni Pyne dito pabalik, ngumisi naman si Newton

“Sige maglokohan pa tayo, hindi ka nagselos, hindi nga—“ tumigil na sa pang-aasar si Newton ng makita ang kaseryosohan sa mukha ni Pyne, pantay ang mga labi nito at mamula mula na ang mga mata, napailing siyang lumapit dito, isinandal nito ang ulo sa kanyang dibdib habang hinihimas ang buhok. Ilang sandali pa narinig niya na ang marahan nitong paghikbi na pilit nitong tinatago.

“Oo na, naniniwala na akong hindi ka nagselos, kaya wag kang mag-alala siya na lang ang pagseselosin natin,” uulitin niya ulit, kasasabi niya lang sa sarili na iiwas siya, pero para siyang makulit na gamu-gamo na lumalapit at nakikipaglaro sa apoy.

Bahala na, kaligayahan mo naman ang magiging kapalit sa huli…okay lang ang mapaso ng sobra lalo na kung para sayo.

 

…………………………………………………………………………………………..

“I cooked your breakfast,

sorry hindi na kita hinintay, I

 need to go to work,

 I want to see you later, can i?”

Iyon ang note na nasa mesa, katabi ng breakfast na inihanda ni Luke…he came back sa kumpanya gaya ng sabi nito…she had her breakfast pero nagdesisyon siyang umupo na rin at tikman ang niluto nito.  hindi siya makaramdam ng guilt kapag naiisip niya na yung mga hinahanda niya dati para kay Luke, basurahan lang ang nakikinabang.

Hindi niya yun kayang gawin, lalo na at maraming tao ang nagugutom,plus she’s not that heartless, Luke is. She get ready for work, pagkalabas sa kanyang unit, muli siyang bumaling para palitan ang kanyang passcode, huminga siya ng malalim matapos ang ginawa, sa susunod na pagpasok ni Luke, tiyak na hindi na ito makakapasok sa loob.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon