FH 39:

33.2K 946 42
                                    

wow layo na natin!

salamat sa mga comment nyo last chapters!

#unedited

.....................................................................................................................................................................................

……………………………………………………………………………………………………..

FH 39:

Iniisip ni Luke kung paano nya makukuha si Pyne sa ibang paraan, kaya lang naging abala namna siya sa trabaho, maraming deliveries, masyado siyang mainit sa mata ng immediate supervisor, wala kasi itong alam kung sino siya, pero hindi lang naman sa kanya istrikto ito, pati na rin sa ibang mga trabahante. Ikinatutuwa naman niya dahil nakikita niya kung paano magtrabaho ang mga nasa lower part, nakikita niya rin kung paano sila pagkakalooban pa ng mga benipisyo, gawing regular ang mga matatagal na at itaas ang sweldo ng mga deserving. Sa ganitong paraan napapahalagahan niya ang trabaho na sinikap niyang takasan noon.

Hindi niya man masundo sa office si Pyne, he makes sure na puntahan ito sa bahay kahit gaano ito kapagod,ipagluto niya ito, bring her food kapag sobrang pagod na siya, sabay silang kakain at mag-uumpisa ng topic na mapag-usapan lang, tipid pa rin itong sumagot sa kanya, pero at least ngayon hindi na ito masyadong ma ilap.

Sa panig naman ni Pyne, mas palagay siya na hindi napupunta sa opisina si Luke, less ang chances na makita nito si Yin, she can’t help but to feel threaten and insecure, kahit pa nalaman niya ang nangyari, ang tunay nitong dahilan. She pity her yes, pero hindi naman rason ang kumapit sa ganoong pangyayari para lamang kumita ng pera, pero siguro nga hindi niya yun maiintindihan dahil hindi siya mahirap gaya nito. She has everything , her parents give her whatever  she wants.

Hindi niya nga rin masabi kung tama pa rin ang iniisip nya? She kept on telling herself na tigilan na kung ano man ang nararamdaman niya for Luke dahil sa sobrang sakit, isa pa, her guilt…dahil kasalanan niya ang lahat…lahat ng ito nag-umpisa sa kasinungalingang sinimulan niya, siya ang unang nanloko, siya ang unang nanakit…karma niya yun, kaya siguro naiisip niya minsan na karma niya rin ang hindi maging masaya.

Kaya lamang kapag hindi naman niya ito nakikita, kapag hindi naman ito dumadalaw sa bahay niya, sobrang pagkainis ang  kanyang nararamdaman.

Gaya na lamang ngayong gabi, maaga siyang lumabas ng trabaho thinking that he might be waiting for her, hindi niya kasi sinabi ang kanyang passcode, telling him that would reveal their secret, itatanong nito kung ano ang meaning ng number combination, paano niya sasabihin na kamatayan yun ng anak nila?paano niya sasabihin na iyon ang araw na naging pabaya siyang ina?

Kumuha na namna siya ng tissue para punasan ang luha, comedy ang kanyang pinapanood but she felt like crying, pakiramdam niya binigo na naman siya ni Luke… hindi ito tumatawag o nagtitext gaya ng mga nagdaang linggo.

Nakakainis!                 

 

May gusto pa naman siyang ipaluto ito pero wala ito, madalas kasi ipinagluluto lang siya nito, magpapahinga ng konti tapos aalis na ng kanyang bahay, lagi nitong idinadahilan ang trabaho, samantalang anak ito ng may-ari ng kumpanya, hardworking ito dati pero ang dahilan noon para iwasan siya pero ngayon? He keeps on insisting that he loves her, pero wala naman ito…gaya ngayong gabi, madalas pa siyang magising sa umaga na hindi na ito maabutan.

Napatayo siya agad ng may magdoorbell, sandali niyang inayos ang sarli, naka bun ang kanyang buhok, nakasuot siya ng polka dot pull over…

“Hi wife! May dala akong pizza!” nakangiting bati nito habang nakataas ang pizza ng kilalang pizza parlor, okey n asana kaya lang  sana tinatanong man lang siya dahil mas feel niyang kainin yung pepperroni  flavor.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon