FH 13:

30.8K 736 30
                                    

maiikli lang, dedicated kina

@enashleen 

@shierly sa fb-salamat sa masayang kwentuhan

#unedited

FH 13:

 

Kapwa nakabihis na sina Pyne at Luke ng muling humarap sa daddy nito, wala pa mang tatlong minuto ng halos magkasabay silang natapos at kahit nababalot ng hiya magkasunod silang lumabas sa sala kung saan daw nila pag-uusapan ang mga bagay bagay.

Kinakabahan si Luke sa mga binibitawan nitong salita, lalo na sa mga tingin nito. Kilala niya ang kanyang ama, matigas ito at kung may gusto ipipilit nito iyon, kaya lamang siya nakakalusot sa mga pandidikta nito ay dahil sa madalas siyang iligtas ng kanyang mommy at ng kanyang kuya Kris.

Parehas silang nakaupo ni Pyne sa kaniyang couch sa living room, kaharap nila ang kaniyang ama na palakad lakad. Nilingon ni Luke ang nakayukong si Pyne, kung nahihiya siya sa nakita ng kanyang ama, mas lalo na siguro ang nararamdaman nito.

O hindi rin?

“Dad-” panimula ni Luke na dali namang pinutol nito.

“Wait up, siguraduhin mo lang na totoo lamang ang lalabas sa bibig mo!” banta nito,

“We were drunk last night, got carried away that’s why it happened, yun lang yun dad, please don’t make a big fuss about it.”

“What?!” dumagundong ang galit nitong boses sa kanyang bahay, para siyang mabibingi sa lakas ng sigaw nito, sa kalituhan niya, yun na lamang ang may sense na nasabi niya, yun naman talaga sa kanyang pagkakatanda, ginusto nila yun ni Pyne, kahit pa sa pag kakaalala niya , ito ang nang-akit sa kanya. Pero kung susuriin namang mabuti, hindi naman yun mangyayari kung hindi siya nagpatangay sa pang aakit nito, dahil sa pagitan nilang dalawa kagabi, siya yung masasabi na nasa tamang wisyo.

“Naririnig mo ba yang sinasabi mo?” Buo ang boses nito habang matalim na nakatingin sa kanya. Napalulon siya sa kaba, pero kailangan niyang panindigan ang mga bagay na nasabi na, nilingon niya si Pyne na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin.

Luke wanted her to speak, para naman malinis ang pangalan niya, the more na mananahimik ito, the more na magigisa siya ng kanyang ama.

“Pyne, tell dad, na ginusto mo rin yun, na wala lang yung nangyari,” tumaaas ang paningin nito para magtama ang kanilang mga mata, bakas ang kaba sa mukha nito, pero kailangan nilang magkaroon ng kooperasyon para hindi maging mas komplikado ang mga bagay bagay, kailangan nilang magtulong ni Pyne. Kilala niya ang kanyang ama.

“Sorry po, kasalanan ko po, I seduced him tito, it was my fault. “mahinang wika nito, sapat na para marinig nilang tatlo. Kinabahan siya sa matagal na pagsasalita nito at ngayon nagsalita na ito, medyo nakahinga na siya ng maluwag.

“see dad, inamin niya na rin, she seduced me,” dagdag ni Luke na imbes na mawala ang galit ng ama, mas lalo pa yata siyang naging masama sa paningin nito.

“Walang sanang nangyari kung hindi ka nagpaseduced, so technically kasalanan mo yun!” rason nito na nagpalipad sa kanyang pag-asa na matatakasan niya ito. Hindi inakala ni Luke na darating ang panahon na magtatalo sila ng kanyang ama sa ganitong bagay pa. Hindi niya ito kailanman pinangarap.

Matalim niyang nilingon si Pyne na nakatingin na sa kanyang ama, ng mapansin nito ang kanyang paninitig, lumingon din ito sa kanya.

“Don’t worry too much dad, baka nakalimutan niya she was raise abroad, yung mga ganitong one night stand sa kaniya, was just a piece of cake, “ bigla ang pagbabago ng itsura ni Pyne, mukha na itong iiyak sa mga salitang narinig mula sa kanya. Nakaramdam naman siya nga pagsisi sa kanyang mga sinabi, babae pa rin pala ito, kahit pa pakiramdam niya lalo siyang napapahamak dito.

Gusto niyang sampalin ang kanyang sarili.

Pero hindi na pala kailangan, dahil ginawa na ito ng kanyang ama sa kanya. Nakatikim siya ng matinding sampala sa kanyang kanang pisngi. Kasabay ng sampal nito ay isa pang sigaw.

Great! Just great, pati ang mama niya ay nandito rin pala, at hindi lamang ito ang dumating, nakatayo sa likod nito si PJ na masamang masama ang tingin sa kanya.

“Hindi kita pinalaki ng ganyan!” sigaw ng kanyang mommy na lumapit na sa kanya, napatayo siya sa kanyang pagkakaupo, agad naman dumalo si PJ sa kanyang kapatid na pinipigil ang iyak.

“Hindi ka na nahiya sa mga sinasabi mo!” kinuwelyuhan siya ng kanyang ama, sa ibang pagkakataon, laging nakaharang ang kanyang mommy, pero tiyak na masamang masama ang loob nito, dahil hindi nito nagawang pigilan ang kanyang ama. Marahil ito pa ang magtutulak na makatikim siya ng isa pang sampal. Yung malakas na sampal na magpapagising sa kanya sa reyalidad.

“Mag-uusap kami  ng inyong ama tungkol dito,” baling ni Mr. Castro kay Pyne na niyayakap ni PJ. Humupa na ang galit nito matapos ang mahabang sermon.

“Tito please wag naman po sanang makarating pa kay Daddy ito, baka pauwiin niya po ako sa States,” nagmamakaawa siya na mabilis na inilingan ng ama  ni Luke…

“No, hindi ka niya pauuwiin, I have a better plan on this matter,” sagot nito sa kanya,

“Dad naman, malaki na kami, we can handle this, wag na po kayong makisali,” sabat ni Luke sa ama na muli siyang binalingan.

“No no no, you can’t handle this, kaya naman as early as now, say goodbye to your single life.” Banta nito sa kanya bago niyaya ang kabiyak para umalis.

Napaupo na lang si Luke sa couch ng umalis na ang mga magulang, ni hindi nagawang magpaalam ng kanyang ina sa kanya. Mukhang mahihirapan pa siyang suyuin ito,  bakit niya kasi nakalimutan na paborito nito si Pyne noon, at ang marinig mula sa kanya ang pang mamaliit niya kay Pyne, ang kanyang pagtrato kay Pyne, para na rin inilayo niya ang kanyang sarili sa sariling ina. Unang una, babae ito, babae ang pinagsalitaan niya ng hindi maganda… at ang kanyang mga paglilihim, nangako pa namana siya sa ina  an higit kaninuman, dito siya magcoconfide. Pero hindi niya natupad yun, naging makasarili siya sa kanyang emosyon.

Pero paano niya nga ba naman ipagtatapat ang mga bagay bagay na kahit sa sarili niay ay hindi niya magawang maamin?

Paano?

“Pyne, let’s go,” boses ni PJ ang nagpaalala sa kanya na hindi pala siya nag –iisa, nandito pa ang dalawa. Inaalalayan ni PJ ang kakambal para lumakad. Pinikit niya ang kanyang mga mata, pilit kinakalma ang sarili.

“Masaya ka ba? Mas masaya kaba kung magiging miserable ako? Siguro nga mas sasaya ka kapag natuloy ang gusto mo noon pa, ang dumi mo-“maglaro.hindi na nagawang ituloy ni Luke ang sasabihin dahil nasa harapan niya na si PJ, matalim ang titig sa kanya habang mahigpit siyang hawak sa leeg.

“Gago ka! Wala kang karapatang sabihan ang kapatid ko ng ganyan!” marami pa itong sinabi, pero hindi niya na iyon nakuha.

Basta ang alam niya galit na galit ang mga mata nito.

Nagtatagis ang bagang.

Pero imbes na matakot, nakakaramdam siya ng matinding tuwa.

Wala na yung kaba, wala ng mabilis na tibok ng kanyang puso…wala na yung ilusyon na tinanim ni Pyne sa kanyang isipan…

“P, let him go please, uwi na tayo,” binitawan na rin siya nito dahil sa pangungumbinsi na ginawa ni Pyne, kung paano nito hinila si PJ mula sa kanya, ibayong pagmamakaawa.


…………………………………………………………

“Are you happy now Pyne?” tanong ni PJ, pagkasakay nila sa sasakyan, bagamat patuloy ang pagluha nito, nagawa nitong tumango…

Hindi alam ni PJ kung totoong masaya ito o nakakamdam na ng pagsisisi…pero nakapangako na siya, tutulungan niya ang kapatid.

“Ginusto ko to, kaya paninindigan ko,” tanging sagot nito na nagpatapos sa kanilang usapan, ngayon ang susunod na lang nilang gagawin ay ang maghintay.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon