FH 35:

33.4K 829 16
                                    

MERRY CHRISTMAS EVERYONE

#unedited

…………………………………………………………………

FH 35:

Kabado si Luke habang nakaharap sa matalim na tingin ng kanyang ama. Galit agad ang rumehistro sa mukha nito pagkakita sa kanya, kagaya na lamang ng makita siya nito sa fashion show ni Pyne, ganito talaga ang kanyang ama, mahirap magpatawad.

"What are you doing here? Get out! Sino ang nagpapasok sa kanya?! Dumagundong ang boses nito sa buong kabahayan, salubong ang kilay ng binalingan ang mga kasambahay na matindi ang takot sa gilid...surely no one wants to push the button of the angry older Castro. Nakokonsensya naman siya para sa kasambahay na nagbukas sa kanya ng pinto, hindi naman nito kasalanan, siya ang ngapumilit na pumasok, kaya gagawin niya ang lahat wag lamang madamay ang walang muwang na kawaksi.

" Dad, I’m sorry," he started, sa kabila ng takotna kanyang nadarama, matindi pa ito sa pagpapakita ng mga bagsak na marka sa kanyang report card noong bata siya.

" Didn't you hear me? I want you out! lumayas ka dahil sanay ka naman umalis diba?! I am giving you your damn freedome!" muling hiyaw nito, buti na lang at dumating ang kanyang mommy na humahangos, nag- aalala ito sa galit na boses ng kabiyak. Mukhang may nakapagsumbong na kung sino ang dahilan ng pagwawala ng kanyang asawa. Lumapit ito agad sa asawa para pakalmahin ito... tinignan siya ng kanyang ina, iyon ang naghudyat sa kanya para hingin ang tulong nito, sana hindi siya biguin ng kanyang ina…sana hindi rin ito galit sa kanya.

"Mom, I'm sorry, please give me another chance?" mukhang nabigla ang kanyang mommy sa sinabi, nabitawan nito ang asawa na agad siyang nabigyan ng suntok...natumba si Luke dahil sa pwersa noon. He deserved it, hindi pa man naghihilom ang sugat niya pero heto at nakatanggap naman siya ng panibago.

" Sorry? what for? marami kang nasayang nang hindi mo alam! dahil sa pagpapairal mo dyan sa pagiging makasarili mo!para saan pa ha?" pinilit niya ang sarili niya na tumayo...pero wala siyang balak salubingin ang galit ng kanyang ama, umuwi siya sa bahay na buo ang loob sa paghingi ng tawad. Kunuwelyuhan siya ng kanyang ama,hindi niya kayang salubungin ang galit nito, pero mapag-udyok ang boses nito kaya naman nagawa niya rin itong tignan.

“Pinalaki ba kita ng ganyan? Masyadong matigas ang ulo mo!” ito ang palaging reklamo ng kanyang ama, ang katigasan ng kanyang ulo, hindi kasi siya katulad ng kanyang kuya na laging sinusunod ang gusto nito, siya yung laging lumilihis, laging may ibang direksyon na gustong puntahan.

" Tama na ano ba?!” Hiyaw ng kanyang mommy matapos siyang suntukin muli ng ama, umiiyak na ito sa pagmamakaawa.

Lahat ito, kayang tanggapin ni Luke, lahat ng galit ng kanyang ama, maging mga suntok nito…sa tingin niya hindi pa sapat ang binigay ni Newton, lumaban kasi siya doon, sa pagkakataong ito, hindi niya magagawang labanan ang kanyang ama.

“DAD!” sigaw naman iyon ng kanyang kuya Kris, galing sa second floor, agad itong dumalo sa ama na sapo ang dibdib, ang kanyang mommy naman ay nakadalo sa kanya, pinapahid ng damit nito ang dugo sa kanyang labi.

“Okey lang ako mom, si dad po ang intindihin nyo.” Pilit siyang ngumiti sa kanyang mommy na matapos ang ilang Segundo ang  tumayo na para daluhan at pakalmahin ang asawa, samantala kumilos naman si Luke para lumuhod sa kanyang pamilya, ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang tuhod, nakayuko para humingi ng tawad.

“Nagkamali po ako, hindi po ako dapat tumakas sa mga responsibilidad ko sa kumapanya at lalo na sa aking asawa, patawarin nyo po ako, daddy, mommy, kuya, please give me another chance, gusto ko na pong ayusin ang buhay ko, tanggapin nyo po ako ulit sa kumpanya.” garalgal na ang kanyang boses, pinipilit niyang wag maiyak…ngayon nya lamang naramdaman ang pagkasabik sa kanyang pamilya, in his 25 years of existence…he always think na hadlang ang kanyang ama sa kanyang mga gustong gawin…hindi niya rin maamin sa mga ito ang pagkasama ang loob niya sa laging pagkukumpara kung gaano kagaling ang kanyang kuya, hindi naman siya galit sa kanyang kuya sa bagay nay un, pero sadyang hindi niya lamang talaga mapigil ang magdamdam…at ang pinakamalaking dahilan ay siya mismo. Siya ang gumawa ng harang sa kanya ang sa kanyang pamilya, walang communication hindi gaya ng iba.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon