FH 14:

33.1K 792 39
                                    

#UNEDITED

#i mean no harm

.......................

FH 14:

 

“Hindi ka pumasok kanina, ilang beses kitang tinawagan para malaman kung bakit, kahit may idea naman ako, tapos ngayong nayari na ang aking trabaho at ready na akong rumampa saka ako makakareceive ng tawag mula sayo na, kailangan mo ako, asap.Luke nasaan ang hustisya doon?  Nasaan ang kalayaan kong lumandi matapos ang isang araw ng puro trabaho?”  iyon ang maarteng bungad ni Mir kay Luke ng puntahan ito sa isang bar, nasa isang private room ito,  ang siste, hindi na naman kasi ito pumasok sa trabaho, makailang beses din siyang inusisa ni Jholan kung bakit walang Luke na dumadating, makailang beses niya pa nga itong nabara. Tinanong din nito kung saan nakatira si Luke dahil nagaalala daw, nagkagulo daw sa bar kagabi, sangkot na naman daw si Pyne, noong time na tatanungin naman ni Mir kung ano ang nangyari, hindi naman ito nagkwento.

Kaya para fair, hindi niya ibinigay ang address ni Luke, wala naman din itong makukuha sa HR department.

“Hinahanap ka nga pala ng linta mo sa akin kanina, narindi yung tainga ko sa katatanong niya, kaya dapat ilibre mo ako!” sabi nito na agad tumawag ng waiter, kahit na meron na namang nakahapag sa kanilang harapan.

Lulubus lubusin niya na! hinihintay niya itong sumagot ngunit patuloy lang ito sa pag inom, whiskey ang buong atensyon nito.

“May narinig ako kay Jholan? May nangyari ba kagabi?”usisa nito muli, pero wala pa rin, para siyang kumakausap sa hangin, badtrip pero willing siyang magtiyaga,” kaibigan mo ba ako dahil kailangan mo ako? o kailangan mo ako dahil kaibigan mo ako?” Mir said that with feelings, linya yun sa kanyang paboritong pelikula, binago niya na lang ng konti, dinadagan niya ng Mir’s touch, doon  niya nakuha ang atnesyon ni Luke, matalim itong tumingin sa kanya.

“Yung buhay ko ang madrama, kaya wag kang magdrama, hindi bagay sayo,” ismid nito sa kanya.

Mapalakpak si Mir,

“Sa wakas nagsalita rin, akala ko titingin lang ako sa isang rebulto, tapos kakausap sa hangin, pinapunta mo ako dito, asap pa, tapos hindi ka naman magsasalita?! Ano tayo naglolokohan? Aba’y dumaldal ka, Magkwento ka! wag mong sayangin ang pagpunta ko rito! Sulitin mo yung bayad doon sa mga inorder ko!” kahit kailan talaga ,nakakabingi ang kadaldalan ni Mir, pero sanay na si Luke, kailangan niya ng makakausap, maasahan naman ito, kahit madalas puro kalokohan, may mga oras na marunong naman itong magseryoso.

“I was with Jholan last night, sa isang bar-“

“Alam ko nay un, suki ka na ng mga bar ah! Gimikero ka na,” pinutol nito ang sasabihin  ni Luke kaya tinaliman nito ng tingin ang baklitang matabil ang dila.”Okay stop na ko, zipper na lips ko,” sabi nito with action pa nang paggzizip sa bibig.

“I didn’t know that Pyne was there, watching us, we were dancing-“

“You and Jholan?”

“Natural, ang hina mo pumik-up!” inis ni Luke dahil pinutol na naman siya sa pagkukwento,

“Sorry naman, medyo slow, well continue,” huminga muna nag malalaim si Luke bago nagpasyang magpatuloy.

“Sabi ko nga, I heared her screaming my name, pinagsasamatalahan na siya ng gagong lalake na  yun, wait bakit ka nakangisi?!” naiirita si Luke sa itsura ng kaharap, mukha kasing tuwang tuwa pa ito sa kanyang kamalasan.

“You didn’t know that she was there, pero ng marinig mo ang pangalan mo , alam mo na agad na ikaw ang tinatawag at sya yun? Malay mo ba na may iba pang Luke sa loob, assuming ka din eh no?”

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon