FH 50:

39.7K 901 25
                                    

last chapter

enjoy

#unedited

..........................

FH 50:

                           

Tumingala ang bata sa babae at nakahinga si Newton  sa sinabi nito.

“Obasan?” tawag ng bata na ang ibig sabihin ay lola. Lumunok ang tinawag at mataray na tumingin sa  kanya.

“Hindi mo ba kami papapasukin? We came from Japan just to see you without my daughter knowing, masyado kong mahal ang aking apo para pagbigyan siya na makita ka,” hindi na nakahindi pa si Newton binuksan niya ang pinto at pumasok ang kanyang mga bisita. Iniwan pa ng mga ito ang dalawang travelling bag , siya na ang nagdala noon at isang dilaw na bag na siguradong sa batang babae.

Nakaupo na ang babae sa sofa habang may didukot na envelop sad ala nitong shoulder bag ang bata naman ay maligalig na paikot ikot sa loob ng kanyang bahay.

“Obasan, dami din videos gaya kay okasan sa Japan!” excited na sabi  nito habang iniisa isa ang kanyang mga collection. Kahit ayaw niya yung pahawakan kaninuman maliban kay Pyne, hindi niya magawang tutulan ang ginagawa ng bata, kahit hindi maayos ang pagbabalik nito. naupo siya malapit dito, napapatanga pa rin siya sa nalaman ng tumikhim ang matandang babae habang inaabot sa kanya ang envelop.

“open it, dyan nakalagay ang profile ng babaeng nabuntis mo.”  Nalalamig na kinuha yun ni Newton at dahan dahang binuksan.

Sa pagkakita sa mukha ng babae, parang puzzle na nagbalik ang lahat, ilang taon na ang nakaraan. Sa Japan convention.

“ang ganda dito diba?” nakatayo ang babaeng may maikling buhok, japino ito sa japan nakatira, ito ang nagturo sa kanya mula pa kahapon sa pag-uumpisa ng convention. Syempre may bayad, pero enjoy naman dahil at least he is in safe hands.

 

“oo tama ka,” nakatingin din siya sa puno ng cherry blossom, pink na pink ang kulay nito ngayon. Tiyak niyang gusto rin ito ni Pyne.

 

Si Pyne…ang kanyang mahal…nandito nga pala siya para kahit paano makalimot.

 

“natahimik ka? alam mo yung anime na mojacko? May kumakanta daw sa loob ng puno ng cherry blossom,” kinunutan niya ng noo ito, kanina pa siya nito pinagloloko…pero nakakatawa naman.

 

“binibibiro mo na naman ako eh,”

“totoo,” idinikit nito ang tainga ,nag hum pa ito,” pakinggan mo kasi,”  hinila siya nito at napadikit s apuno ang kanyang tainga.

 

Wala naman talaga, imahinasyon lamang nito.

 

“Baliw, gutom  lang yan, humanap na tayo ng makakainan,:” reklamo ni Newton, paalis na siya ng hilahin siya nito bigla.

 

At sa isang iglap, naglapat ang kanilang mga labi. Hindi talaga totoo na may kumakanta sa loob ng puno ng cherry blossom. Kasi yung kumakanta, nasa paligid lang, parang dyosa. Naririnig niya ang musika, loud and clear, habang magkalapat ang kanilang mga labi.

 

……………………………………………………………………………………………………..

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon