Prologue

527K 6.6K 333
                                    

Kanina pa ako tulala sa harap ng bintana. Yan na naman. Naaalala ko naman kasi siya.

It's been three months simula nung umalis siya nang walang paalam. Sino nga ba naman ako diba? Wala naman kaming formal na relasyon. Mahal niya lang naman ako pag nasa kama kami. At isa lang naman akong hamak na rebound.

Ang isang katulad ko ay di dapat nangangarap ng isang katulad niya. Hitsura kong 'to? Pasalamat pa nga ako dahil nakasama ko siya.

Oo, NERD ang tawag nila saken. Pero ang isang NERD pwede din namang mangarap ng isang heartthrob di ba?

Alam ko namang si Lana pa rin ang gusto niya kahit nung mga panahong magkasama kami lagi eh. Pero nung mga oras na yun, lalo ko pa siyang minahal. Kahit na alam kong di niya masusuklian ang pag-ibig ko. Nasaan na kaya siya ngayon?

Napukaw ang lumilipad kong isip ng may mag-doorbell. Iniangat ko ang sarili ko mula sa pagkaka sandal sa bintana at  tinungo ang pinto. Di ko na pinagkaabalahang silipin sa peep hole kung sino man yun. Basta ko na lang binuksan.

"Nasaan ang chain lock ng pinto? Saka sumilip ka man lang ba sa peep hole bago mo binuksan? Paano kung masamang loob pala ang nagdoorbell?" singhal niya agad saken pagkabukas ko pa lang ng pinto.

Ganyan talaga siya. Lagi niyang pinupuna yung mga katangahan ko. Ang sabi niya nga, matalino nga ako di ko naman ginagamit.

"Maico..." yan lang ang nasabi ko dahil sa sobrang gulat. Nakatulala lang ako sa kanya. Kanina lang iniisip ko kung kamusta na siya, ngayon naman nasa harap ko na. At ang masaklap, pinapagalitan ako. Kamusta naman yun?

"Di mo man lang ba ako papapasukin?" tanong niya. 'Di pa rin kasi kami kumikilos mula sa kinatatayuan namin.

Tila natauhan naman ako sa sinabi niya at malapad na binuksan ang pinto. Pumasok siya at siya na mismo ang nagsara nun.

Akmang lalakad na ako papunta sa kusina para sana bigyan siya ng maiinom nang hilahin niya ako at isandal sa pinto. Di ako makakilos nang maramdaman kong naglapat ang mga labi namin. Sobrang namiss ko ito. Ang mga halik niya. Ang mga yakap niya. At siya mismo.

Tinugon ko ang mga halik niya nang mas masidhi pa. Naramdaman ko ang isang kamay niyang pumasok sa loob ng blouse ko, hinahaplos ang likod ko. Tinanggal niya ang pagkaka-snap ng bra ko at naramdaman ko ang kamay niya papunta sa dibdib ko.Marahan niyang hinimas ang isa sa mga dibdib ko habang patuloy siya sa masidhing paghalik sakin. Nalulunod ako sa sensasyon na dinudulot niya. Iniangat ko ang mga kamay ko at dinama ang dibdib niya.

Naitulak ko siya bigla nang mag-ring ang telepono. Humihingal kami pareho nang maghiwalay nang tuluyan.

Lalakad na sana ako paunta sa kinalalagyan ng telepono nang pigilan niya ako at muling ibalik sa pagkakasandal sa pinto.

"Be my girl, Jacky." aniya.

Napatulala ako sa kanya. Di ko alam ang isasagot ko.

Dapat ba akong pumayag sa gusto niya? Kahit na alam kong masasaktan lang naman din ako sa bandang huli?

Pero ganun naman talaga sa pag-ibig di ba? Kailangang sumugal. Kung magmamahal ka, dapat handa kang masaktan.

Susugal ako.

Siguro nga isa lang akong rebound.

Pero gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon