Special Chapter #2

160K 2.4K 50
                                    

Maigisi lang 'to. Dapat kasi nasa SC#1 'to pero tinamad akong i-type kagabi. LOL!

Special Chapter #2 - A week later

Inihagis ko ang tuwalyang kakatanggal ko lang sa buhok ko. Nakakainis! Kanina pa ako ganito. Asar ako sa lahat ng bagay na makita ko.

Maybe, a week of hell plus PMS is not a great combination after all.

Oo, isang buong linggo na ang nakalipas mula nang unang beses na may mangyari sa amin ni Maico. At isang buong linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Ni tawag, wala.

Nakahiyaan ko na lang na tawagan siya. Sino ba naman kasi ako 'di ba? Malamang inilagay niya na ako sa listahan niya ng naka-one night stand niya. O baka sa kabilang listahan? Sa two night stands, maybe?

Hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Sa kanya ba o sa sarili ko? O mas magandang sa amin na lang pareho? Pareho naman kaming may kasalanan dito e. Ang masakit lang, ako lang ang nagdurusa sa nangyari.

Dahil sa nangyari sa amin, pakiramdam ko,  minahal ko pa siya lalo. Para bang 'yun ang nagtrigger na mahalin ko siya ng buong puso. Pero nasaan na siya ngayon? Huh. Sino ba kasing niloloko ko? Gusto niya lang namang makalimot kaya pinatulan niya ako ng dalawang gabing 'yun e.

Napapitlag ako nang tumunog ang doorbell. Kunot ang noong pinuntahan ko ang pinto. Pagkabukas ko nun, nawala lahat ng inis ko na parang bula.

Pinapasok ko sa loob si Maico. Gusto ko siyang yakapin pero sa isang linggong lumipas, tila nahiya akong bigla. Dirediretso siya sa pagpasok sa kwarto ko. Doon ko lang napansin na wala ang ngiti sa mukha niya.

Sinundan ko siya at naabutan ko siya sa harap ng closet ko. Teka, kukunin niya na ba ang mga gamit niya? Kung sabagay, isang pagkakamali lang naman ang dalawang gabing 'yun e.

Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko pero pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Kailangan kong maging matatag. Hindi ako iiyak sa harap niya. Ipapakita kong wala lang sa kin ang nangyari.

Inaasahan kong aalisin niya na ang mga gamit niya pero iba ang ginawa niya. Kumuha lang siya ng isang t-shirt at nagpalit ng damit. Iniwan niya na lang ang pinagbihisan niya sa sahig at nahiga ng sa kama ko.

Pinulot ko ang t-shirt niya sa sahig pati ang tuwalyang inihagis ko kanina at inilagay ko sa laundry basket.

Tahimik na pinagmasdan ko siya kapagkuwan. Nakapikit lang siya habang nasa noo ang isa niyang braso.

Sandaling oras lang ang hinintay ko at nahiga ako sa tabi niya. Hindi ko na pinigil ang sarili ko at niyakap siya sa beywang.

  

Maico

A smile formed my lips the moment I felt her embrace. Hindi ito ang inaasahan kong datnan pagkatapos ng isang linggong hindi ako nagparamdam sa kanya. I was expecting a slap or something. Hinihintay kong mag-nag siya at sigaw sigawan ako sa pagkawala ko ng isang linggo. But nothing happened. She just stand there watching my every move.

I felt so guilty last week. Ginamit ko siya. I took advantage of her.

That realization sink in my head the moment I was putting her things in my closet. Hindi siya dapat na maging isang rebound. She deserve better than that. Kaya naman uniwas na lang ako.

Ginawa ko pa rin ang everyday routine ko. Ang puntahan si Lana at tanawin sa malayo. I've been like this for weeks at nakasanayan ko na. Kahit na nakikita kong masaya siya sa piling ng asawa niya, hindi pa rin ako tumitigil. Pinupuntahan ko pa rin siya. Sapat na kasi sakin, basta makita ko lang siya.

But this past week has been different. Oo, nandun ako at tinatanaw si Lana pero may ibang imahe na pumapasok sa isip ko. Ewan ko ba, it was just two nights pero hindi siya maalis sa isip ko. Pakiramdam ko yakap ko pa rin siya, I can still feel her skin on mine. What's worst, I feel like I'm still inside her.

That night, lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko. Alam kong siya ang kasama ko. Alam kong hindi na tama ang ginagawa ko pero hindi ko mapigil ang sarili ko. Because the moment my lips touched hers, I felt alive again.

That was the first time I felt like that for years. Para bang tama pa rin ang ginagawa ko kahit na alam ko naman na mali. I just wanted to have her. 'Yun lang ang laman ng utak ko ng mga oras na 'yun.

Kanina, bago ako pumunta rito, I made a promise to myself. Hindi na ako pupunta kay Lana para lang pagmasdan siya sa malayo. At gagawin ko ang lahat para mapasaya si Jacky. She doesn't deserve to be a rebound but I cannot do anything about that. I want to be with her right now so I'll just make her feel like a princess instead.

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Jacky na nakayakap pa rin sakin.

Tumango lang siya at lalong isiniksik ang sarili sa akin. Bahagya akong natawa sa ginawa niya kaya naman hinalikan ko siya sa buhok.

"Ako hindi pa kumakain," sabi ko.

Automatic na humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tumayo. "Anong gusto mong kainin? May bacon ako d'yan, okay lang sayo 'yun?" tanong niya.

Naupo ako sa gilid ng kama at inilahad ang dalawang braso ko. Sinenyasan ko pa siya na lumapit sa akin. Nang nasa harap ko na siya, ako naman ang yumakap sa kanya ng mahigpit.

"I'm sorry for being MIA for a week. I missed you," sinserong sabi ko.

"It's okay. At least you're her now," aniya saka yumakap pa ng mas mahigpit.

"Tara na sa kitchen, gutom na ako."

Umakbay ako sa kanya at sabay kaming nagpunta sa kusina.

Paki-like po ang page ko: www.facebook.com/purplenayi 

Salamat!

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon