Chapter Seventeen

216K 3K 112
                                    

"Sabay ka na saken." ani Anthony.

"Wag na, magta-taxi na lang ako."

Magi-isang oras ko na ring hinihintay si Maico pero ni anino niya eh wala pa. Kabilin bilinan niya kasi na hintayin ko siya. Kanina ko pa rin siya tinatawagan sa cellphone niya pero walang sumasagot. Pati si Mica at yung sekretarya niya eh tinawagan ko na pero wala pa rin.

"Sige na, mahirap sumakay oh." aniya sabay turo sa nagkukumpulang tao sa sakayan.

Kanina pa rin ako naghihintay ng taxi na daraan pero wala talaga. Masakit na rin ang mga paa ko dahil dito sa sapatos nasuot ko na apat na pulgada ang taas.

Pag hindi pa ako sasabay kay Anthony, di ko alam kung anong oras pa ako makakauwi. Nagaalala na rin ako kay Maico. Hindi pangkaraniwan sa kanya ang hindi magrereply o sasagot sa tawag.

Tumango na lang ako at sumakay sa pasenger's seat ng sasakyan ni Anthony. Luma na ito pero malinis sa loob. Kahit na hindi katulad ng mga magagarang sasakyan ni Maico eh komportable rin naman dito.

Tahimik lang ako habang nasa biyahe. Traffic sa Meralco ave tulad ng karaniwan. Pero pakiramdam ko eh mas matagal ang traffic ngayon. Siguro dahil tahimik lang kami sa magdamag o dahil hindi si Maico ang kasama ko.

Nakatitig pa rin ako sa cellphone ko at naghihintay ng tawag niya o kahit text man lang. Pero nakarating na kami sa bahay at lahat pero wala pa rin.

"Salamat sa paghatid sa akin." nakangiting sabi ko kay Anthony.

"Anytime." aniya.

"Hindi na kita mayayaya sa taas ah. Alam mo naman kasi..." sabi ko na ang tinutukoy eh si Maico.

"Ayos lang. Basta alam kong safe kang nakauwi."

_______

Di ako mapakali. Dalawang oras na ako rito sa bahay pero di pa rin ako kino-contact ni Maico. Nakabukas naman ang cellphone niya pero walang sumasagot dun. Di ko na alam ang iisipin ko. Sobrang nagaalala na ako.

Napatakbo ako sa kinalalagyan ng landline ng tumunog yun.

"Hello?" sagot ko agad pagkaangat ko ng reciver.

"Hello Jacky!"

 

Kinilala ko yung boses ng nasa kabilang linya. Si Aya yun. Nadismaya ako dahil ine-expect ko na si Maico na ang tumatawag.

"Oh Aya, napatawag ka?" mejo bagsak ang boses ko.

"Ba't ganyan boses mo? May problema ba?" nagaalalang tanong niya.

"Hindi, wala ito. Masama lang pakiramdam ko." pagsisinungaling ko.

"Sure ka ha?" hindi niya na hinintay na sumagot ako at nagpatuloy na. "Anyway, punta ka sa ospital manganganak na si Lana!" masiglang sabi niya.

"Oh di nga? Nasaang ospital daw?"

"Sa Medical City daw. Papunta na rin ako dun kita na lang tayo."

__________

Nagmamadali akong nagpunta sa Medical City sa Ortigas. Sa wakas manganganak na si Lana. Hinanap ko kaagad kung nasaan ang delivery room at halos patakbo nang nagpunta roon kahit na alam ko naman na hindi ko pa makikita si Lana.

Malapit na ako nang mapatigil ako sa paglalakad. Sa harap ng delivery room, naroon si Maico. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko. Galit dahil hindi man lang niya ako naisipang tawagan dahi baka nag-aalala na ako. Pagtataka dahil mas nauna niya pang nalaman na manganganak na si Lana. At relief, dahil nawala na rin ang kung anu-anong haka-haka na tumatakbo sa isipan ko kanina kung ano na ang nangyari sa kanya.

Tinitigan ko lang siya at hindi muna lumapit. Hindi siya mapakali. Uupo siya sa roon tapos biglang tatayo at sisilip sa loob kahit na wala naman siyang makikita tapos magpapalakad-lakad na tila ba pusa na di matae. Kung titignan mo siya parang siya yung ama ng sinisilang ni Lana eh.

Nakaramdam ako ng kirot sa naisip. Kahit naman hindi niya sabihin alam ko na kahit paano may nararamdaman pa rin siya para kay Lana eh. Ilang taon niya ring pinaglaanan ng pagmamahal niya ang kaibigan ko at hindi yun basta basta mawawala na lang. Na sa isang iglap eh hindi niya na gusto si Lana at ako na ang mamahalin niya.

Palagi niyang ipinipilit na magka-anak kami. Para ano? Iisipin niya na lang na anak niya yun kay Lana? Ganun ba yun? Kaya ba ayaw niyang makasal sa akin? Kasi yung bata lang ang gusto niya.

"Jacky!" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Aya.

Napatingin din ako kay Maico na ngayon na nakatingin na rin sa kinaroroonan namin ni Aya.

"Kanina ka pa?" tanong ni Aya sa akin.

"Hindi naman, kararating ko lang din."

"Tara." kumapit pa siya sa braso ko. "Oh, nanjan pala si Maico." aniya pa.

Di ako nagsalita nang makalapit kami kay Maico. Naupo lang ako roon malapit sa kanya. Lumapit naman siya at tumabi sa akin. Si Aya naman, naguusyoso sa may pinto nung delivery room.

"Sorry hindi kita nasundo." apologetic na sabi si Maico.

"Ayos lang yun. May nagsabay naman sa akin eh." sabi ko.

Kunot noong tumingin siya sa akin. "Sino namang nagsabay sa iyo?" tanong niya.

"Yung ka-office mate ko. Mahirap kasing sumakay eh, tapos isang oras na rin akong naghihintay roon." di ko naman intensyon na konsensyahin siya pero nakita ko ang pagsisisi sa mga mata niya.

"Sorry talaga Beauty. Nataranta lang kasi ako nung tumawag si Lana eh." aniya.

Kaya pala nauna pa siya dito. Si Lana pala mismo ang tumawag. At siyempre, nakalimutan niya na ang lahat ng nasa paligid niya. Kahit yung cellphone niya hindi niya dala.

Di na lang ako umimik. Ayokong magsalita pa ng kung ano sa kanya. Hindi naman dapat pero nasasaktan ako. Pag si Lana kasi ang pinaguusapan eh nae-etsapwera na lang ako palagi sa kanya.

"Tumawag siya saken kanina nung galing ako sa Tanay at papunta ako sa iyo para sunduin ka. Ang sabi niya eh manganganak na siya at wala yung kasama niya sa bahay dahil nag-grocery.  Pati si Jace hindi sumasagot sa kanya dahil nasa meeting daw. Sakto naman na malapit lang ako sa kanila kaya ako na mismo ang sumundo at nagdala sa kanya dito." paliwanag ni Maico.

Tahimik pa rin ako at inaabsorb yung mga sinabi niya. Alam niya na pag ganitong binibigyan ko siya ng silent treatment eh galit ako. Kung hindi man galit eh nagtatampo.

"Beauty, sorry na." paglalambing niya. Isiniksik niya pa  yung ulo niya sa leeg ko.

Di na rin ako nakatiis at nagsalita. "You should have called. Hindi yung mukha akong tanga doon kakahintay sayo." may hinanakit sa tono ko.

Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan yun. "Sorry na talaga, nataranta lang ako at di na ako nakapag-isip ng maayos. Naiwan ko pati sa kotse yung cellphone ko nung binitbit ko si Lana papunta dito. Wag ka na magalit uyy."

"Nag-alala ako ng sobra sayo eh. Ayyys." napabuga ako ng hangin.

"Peace na tayo ha?" nakangiting sabi niya saken.

Tinignan ko siya ng masama. "Nakakainis naman kasi eh. Nagaalala ako kanina tapos ang sakit sakit na ng mga paa ko dun kakahintay. Paano pa kaya kung hindi ako sinabay ni Anthony eh baka tinubuan na ako ng ugat." tuloy tuloy na sabi ko.

Napatigil siya bigla at nabitawan yung kamay ko.

"So, si Anthony pala yung naghatid sayo." dama yung galit sa boses niya.

Sh*t! Di ko namalayan na nasabi ko na palang kay Anthony ako sumabay pauwi. Ang sabi niya pa man din eh iwasan ko yun.

"Kung hindi ako sumabay sa kanya, hindi ako makakauwi ng matiwasay."

Ilang sandali rin siyang tahimik lang. Hindi na rin muna ako nagsalita. Maya maya ay sumandal siya at huminga ng malalim.

"Kumaen ka na ba?" tanong niya sa akin.

Umiling lang ako. Di kasi ako makakain kanina habang hindi ko pa alam kung anong nangyayari sa kanya eh.

"Tara. Hindi pa rin ako kumakain." hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila na ako patayo.

to be continued...

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon