Chapter One

390K 4.9K 307
                                    

Kanina ko pa hinahanap si Lana pero bigla na lang siya nawala. Nandito ako ngayon sa mall kasama siya dahil nagpasama siyang bumili ng damit. Kaso yan nga bigla na lang siyang nawala!

 

Patuloy ako sa paglinga nang may mamataan ang mga mata ko.

 

OMG. Makalaglag-panty si Kuya!!

 

Nakatitig lang ako sa kanya kaya naman di ko napansin na may hagdan sa nilalakaran ko kaya ayun! Bagsak ang lola niyo!!

 

"Awwww!" sh!t! Ang sakit! Yung tuhod ko naputol ata! Ok Oa na.

 

"Miss ok ka lang?" napa-angat agad yung tingin ko nung marinig yung nagsalita. Hindi ko napansin na may umaaalalay pala sa akin. At alam niyo kung sino?  Waaah! Oo siya nga! Yung gwapong Kuya na dahilan ng katangahan ko!

 

Inalalayan niya ako patayo dahil medyo masakit pa yung tuhod ko. Yan kasi eh, kalandian. Kita mo napapala mo! Pero in fairness ha, worth it ang pagkakadapa ko. Kapit ko ngayon ang braso ni Kuya gwapo!

 

"Jacky! Ok ka lang ba?" Nakita ko si Lana habang papalapit sa amin at nagmamadali. Nagpanic siguro nung makita yung katangahan ko. Teka nga, pwede namang pagkadapa na langah? Bakit puro katangahan ang sinasabi ko??

 

Tumango ako. Nakakapit pa rin sa braso ng gwapong nilalang na hulog ata ng langit na tumulong sakin.Pagtingin ko kay Kuya Gwapo, nakatitig siya kay Lana. Tapos ngumiti. Yung ngiting makakatunaw ng bloke blokeng yelo? YUn bang ngiting pang B-E-A-M means smile? Ah basta! Ang ganda ng ngiti niya!

 

"Hi!" napabitaw ako sa braso ko si Kuya gwapou nang inilahad niya ang kamay niya kay Lana. "I'm Maico." At talaga namang nabalewala ang presensya ko noh? Nakatuon pa kaya yung lakas ko sa kanya kanina nung napabitaw ako! Muntik na akong masubsob ulit!

 

Ngumiti rin si Lana at inabot ang kamay niya. "Lana. Thank you sa pagtulong mo sa friend ko ha." tumingin pa sa akin ang Gaga.

 

"It's nothing. And you are?" baling niya saken.

 

Oh! Nandito pala ako! Nage-exist pala ako  sa paningin niya! In fairness ha! Akala ko wala na siyang balak na tanungin pa ako. Makatitig ba naman kay Lana wagas!

 

"Jacky."

 

Inabot niya ang kamay niya at tinanggap ko yun. Bumilis bigla yung tibok ng puso ko. Wieehh! Ok, hindi na ako nagatampo. Jeez ang sarap lang hawakan ng kamay niya. Super mega lambot ng kamay niya ever!

 

Mula noon naging kaclose na namin siya. Madalas siyang makipagkita samin. Pero siyempre, kay Lana lang lagi yung atensyon niya. Ako, yung dakilang anino sa tabi. Minsan nagiging yaya at nakikita pag gustong utusan. Minsan naman comedy show na kailangan pag seryoso na yung usapan.  Multitasking 'to!

 

Pero kahit lagi akong nakangiti at pinapatawa sila sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kasi naman , gustong-gusto ko na talaga siya. Gwapo, matalino, gentleman not to mention mayaman pa!! At super yummy!! my Ghad!

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon