Chapter Fifteen

223K 3.2K 238
                                    

"Halika anak, dito tayo." hinila ng Mommy ni Maico ang kamay papunta sa boutique na nakita niya.

Narito kami ngayon sa mall. Nagpasama kasi siya sa amin para mamili ng damit. Noong una ayaw pumayag ni Maico pero bandang huli napilitan din siya. Ang sabi kasi ng Mommy niya eh parang bonding na rin namin yun. Hindi lang pumayag si Maico na maiwan siya sa condo kaya naman nakabuntot siya sa likuran namin.

"Mommy, wag mo namang hilahin masyado yung girlfriend ko mamaya mabali buto niyan." pabirong sabi ni Maico.

"Ang over protective mo naman masyado sa mamanugangin ko. Iniingatan ko naman ah." bumaling sa akin ang Mommy niya. "Di ba anak? Di ka naman nasasaktan di ba?" aniya.

Sa totoo lang, medyo masakit nga yung pagkakahawak niya sa akin. May kahigpitan yun kesa sa normal na hawak lang. Pati yung paghila niya sa akin medyo brutal.

Umiling ako. "Hindi naman po." nakangiti ko pang sagot.

Ngumiti na lang siya sa akin saka patuloy akong hinila papunta doon sa boutique.

Inisa-isa niya ang mga damit na naroon at inaabot sa akin yung mga napipili niya. Pakiramdam ko nga katulong ako dito eh. Sinasalo naman yun ni Maico sa tuwing may idadagdag ang Mommy niya. Kaya dalawa na kami ngayon na maraming bitbit.

Pumasok siya sa fitting room at kinuha yung ilang damit na hawak ko. Yung ilan, doon kay Maico na hawak.

"Isukat mo yang mga yan." aniya sa akin, tinutukoy eh yung mga hawak kong damit saka yung naiwan kay Maico.

Pumasok na siya sa loob kaya hindi na ako naka-angal. Tumingin ako kay Maico at pinahiwatig niya sa akin na pumasok na ako sa loob. Iniabot niya pa sa akin yung mga bitbit niya pakapasok ko.

Tinignan ko isa-isa yung mga damit. Bale apat yun lahat. Ang gaganda lahat, pero siguradong mahal ito. Sinubukan kong isuot ang isa. Sumakto yun sa akin. Ang galing pala tumingin ng sukat ng Mommy ni Maico. Alam niya agad ang sukat ko kahit na di ko naman sinabi. Ang totoo niyan di ko rin naman alam ang sukat ko.

Pumili ako ng isa para isukat. Yung pinakagusto ko sa mga yun ang isinuot ko.

"Jacky?" narinig kong tawag sa akin ng Mommy ni Maico. "May nasukat ka na? Patingin naman."

Tumingin muna ulit ako sa salamin at tinitigan ang repleksyon ko. Kulay asul yun na spaghetti strap na dress at umaabot lang hanggang sa ibaba ng tuhod. Napangiti ako sa nakikita ko. Parang hindi na ako ito.

Binuksan ko yung pinto ng fitting room para ipakita sa kanila yung damit. Kay Maico ako nakatingin pagkalabas ko. Nakita ko yung pagkagulat sa mga mata niya nang makita ako.

"Beautiful." napatingin ako sa Mommy niya nang magsalita ito. Ngumiti lang ako bilang ganti.

Inayos niya pa ang pagkaka-fit nun sa akin at tinignan kung maganda nang tignan.

"Naku, lumabas lalo ang ganda mo sa kulay na yan hija." anito at inaayos pa yung pagakaklugay ng buhok ko patalikod.

___________

Kinuha namin yung damit na isinukat ko kanina. Kaya naman pala, birthday party ng Mommy ni Maico sa Sabado at yun ang pinapasuot sa akin.

Sa isang sosyal na restaurant kami nagpunta para kumain. Since hindi ako sanay sa ganitong lugar, medyo nagaalangan ako sa mga kilos ko. Nakakahiya naman kasi kung bigla na lang kung anong magawa ko na hindi pala pwede sa ganitong lugar.

Magkatabi kami ni Maico habang nasa harap namin ang Mommy niya. Tulad din nung nasa bahay kami. Iniabot sa akin ng isang waiter yung menu. Nalula ako kasi di ko naman alam kung anong mga pagkain yun. Kahit nga yung basa sa mga yun di ko alam eh. Kunot noo lang akong nakatitig roon.

"Anong gusto mo?" pabulong na tanong saken ni Maico.

Tinignan ko siya sa malungkot na mukha. Ipinapahiwatig na hindi ko alam yung mga pagkain na yun kaya di ko alam ang oorderin. Ngumiti naman siya ng bahagya saka siya na ang nag-order para sa aming dalawa. Buti na lang na-gets niya.

"Punta lang akong wash room 'My, Beauty." ani Maico sabay tayo. Sinundan ko pa siya ng tingin habang naglalakad papuntang CR.

"Ano bang pinakain mo sa anak ko?" nagulat ako nang magsalita ang Mommy ni Maico. Sobrang seryoso ng mukha niya.

"Ahhmm M-ma'am ano..." bumilis bigla yung tibok ng puso ko. Di ako makapagsalita. Kanina okay naman ako sa kanya ah? Bakit biglang ganyan na siya?

"May sa mangkukulam ka ba? Ginayuma mo ang anak ko?" tinaas niya pa yung isa niyang kilay na tulad nang nakikita ko sa mga telenovela. "Ano bang meron ka para magstuhan ng isang Maico Buenaventura? Mukhang pilit lang yang pag-aayos mo eh. Ni hindi ka nga marunong pumili ng damit. Sa mga iniabot kong damit sayo kanina ang napili mo pa eh yung pinaka-pangit. Ang cheap." tuloy-tuloy na sabi nito.

Tumungo na lang ako. Ramdam ko yung unti-unting pag-init ng mga mata ko sa nagbabadyang luha. Ano ba kasing nangyayari? Akala ko ba ok na? Na gusto niya akong maging manugang niya? Tinatawag niya pa nga akong anak kanina. Siguro nga nagpapanggap lang siya nun. Sino ba naman kasi ang gugustuhing maging bahagi ng pamilya ang isang katulad ko lang di ba?

Magsasalita pa sana siya nang biglang may dumating.

"Bestfriend!" impit na tili ni Mica habang palapit sa akin.

Tumingin ako sa kanya at pinilit ngumiti na parang walang nangyari. Tumayo ako at nakipag-beso sa kanya. Bumaling naman siya sa Mommy niya maya-maya at humalik sa pisngi nito.

"Hi, Mommy." bati niya pa.

Naupo siya sa katabing upuan ng Mommy niya. Nasa mismong harap ko si Mrs. Buenaventura pero di ako makatingin sa kanya. Si Mica kasi, dun pumwesto sa may harap ng upuan ni Maico.

"Ano bestfriend, nakabili ba kayo ng isusuot mo sa birthday ni Mommy?" masiglang tanong ni Mica.

Tumango lang ako at pinilit pa rin ngumiti. Di sinasadyang napalingon ako sa Mommy nila. Nakangiti ulit siya tulad kanina bago siya naging mukhang witch sa paningin ko.

"Alam mo ba, bagay na bagay sa kanya yung kulay na napili niya. Lalong lumabas yung ganda niya." singit nito.

Nagdaldalan pa silang dalawa at kung anu-anong pinag-uusapan tungkol sa fashion na hindi ko naman maintindihan.

Napakunot ako ng noo. Tumungo na lang ako. Natatakot na tuloy akong mapag-isa kasama niya. Ayaw niya naman pala sa akin ayaw niya lang ipakita sa mga anak niya. Paano na kami ni Maico niyan?

to be continued...

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon