Chapter Two

301K 4.5K 319
                                    

Like niyo po yung Page ng MNRG. Click external link ------------------->

________________________________________________________

CHAPTER TWO

"Maico..."

"Di mo man lang ba ako papapasukin?" aniya. Ngayon ko lang napansin na di pa rin kami kumikilos mula sa kinatatayuan namin.

Umurong ako ng kaunti saka binuksan ng maluwag ang pinto. Tumalikod na ako para kumuha ng mai-inom niya. Yung paborito niyang Cranberry Juice. Lagi akong may stock nun kahit na ilang buwan na siyang di nagpapakita sa akin. Sa likod kasi ng isip ko umaasa akong babalik siya.

Narinig ko pa ang pagsara niya ng pinto at pag-lock nun. Nagulat na lang ako nang hilahin niya ako at isandal sa pinto. Tumitig siya sa mga mata ko saka mariin akong hinalikan. Akala mo mauubusan. Tatlong buwan ba siyang hindi nakahalik??

Grabe namiss ko to ng sobra. Yung mga labi niya. Yung mga yakap niya...

Gumanti ako ng mas masidhi pa sa halik na binigay niya. Naramdaman ko pang idiniin niya ang sarili niya sa akin. Yung mga kamay niya unti-unting gumagapang sa katawan ko. Ipinasok niya yun sa loob ng blouse ko at tinanggal ang pagkaka-snap ng bra ko.

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang isang kamay niyang humahaplos sa dibdib ko. Nalulunod ako sa sensasyong dinudulot niya. Iniangat ko ang mga kamay ko at dinama ang dibdib niya.

Naitulak ko siya bigla ng tumunog ang telepono. Grabe ano bang nangyayari sa akin at hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya? Much more tumugon pa ako?

Lumayo ako sa kanya upang puntahan ang telepono. Pero di pa man ako nakaka dalawang hakbang, hinila niya na ako pabalik sa pagkakasandal sa pinto.

"Be my girl, Jacky." bulong niya sa tenga ko.

Yumakap pa siya ng mahigpit sa akin habang hinahalikan ang tenga ko.

Nang humiwalay siya tumingin lang siya sa mga mata ko. Natulala lang ako sa kanya. Di ko alam ang isasagot ko.

Totohanan na ba ito? Mahal niya na ba ako kaya siya bumalik? May nararamdaman na ba siya saken kaya ganyan ang kilos niya na tila ba sabik na sabik siyang makasama ako?

Sasagot na sana ako ng 'oo' ng...

**Doll, I need to see you pull your knee socks up. Let me feel you upside down, slide in, slide out. Slide over here, climb into my mouth now child...**

Napatingin ako sa CP ko. Sino ba yang kanina pang istorbo na yan?? Nagmo-moment kami ni Maico oh!

"Wait lang ha, sasagutin ko na baka importante eh."

"Eeehhh... mamaya mo na sagutin. Saka, bakit yan ang ringtone mo? Alam mo ba ang ibig sabihin ng kantang yan??" natatawang sabi niya.

Tumango lang ako. Sige na nga siya na muna ang sasagutin ko. Mamaya na yung tumatawag. Tutal kaligayahan ko naman to eh!

"Ahh..."

"Tutulungan mo naman akong kalimutan siya di ba?" aniya. Ipinatong pa yung noo niya sa noo ko.

Boom! Sabog ang mga pangarap ko! Yan kasi Jacky assumera ka masyado. Yan ang napapala mo. Pero infairness ang honest niya ha? Pero hanggang rebound na lang ba ako? Ang saklap naman.

Parang bumagsak ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Itinulak ko ulit siya at kinuha yung CP ko.

1Missed Call

Kuya

 

 

 

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon