Chapter Thirty Three

220K 3.4K 165
                                    

Tumagal rin ng ilang sandali yung halik niya sa akin. Gumanti na rin ako pagkuwan. Isinandal niya ako sa pader habang patuloy sa paghalik. Nagulat ako nang bigla niyang hampasin yung pader sa likod ko.

"What we're you thinking?!" sigaw niya bigla. Lumayo pa siya sa akin ng dalawang hakbang patalikod.

Kunot noong tumingin ako sa kanya sa nagtatanong na mata.

"Lumabas ka doon at ibinalandra mo yang katawan mo?! Ano bang pumasok jan sa utak mo ha?" he said pointing his finger in nothing in particular.

"Ano bang pakialam mo?!" ganting sigaw ko sa kanya. "Ni hindi mo nga ako pinapansin di ba? Tapos ngayon magagalit ka kung gusto kong lubusin yung bakasyon ko rito?"

Pumikit siya ng mariin saka sinukalay ang buhok ng kanang kamay niya.

"I was just taking my time ok? Hindi ko naman inexpect na bigla kang sususlpot dito sa mga panahon na kinakalimutan kita!"

"So taking your time includes flirting in front of me ganun ba?!"

 Tumungo siya ng bahagya, pinipilit pigilan yung ngiti sa mga labi niya. Kiagat niya pa yun saka nagsalita.  "Are you jealous?" naroon yung pagka-aliw sa boses niya.

My lips formed an O. "Jerk." pabulong na sabi ko.

"So-you-are-jealous." lumapit siya ng isang hakbang. Malapad yung ngiti sa mga labi niya.

"Ok! Nagseselos ako! Masaya ka na?!"

Natulala siya bigla sa harap ko. Halatang hindi niya inaasahan yung sagot ko. Akala niya siguro ide-deny ko yun.

"Mula pa noong una lagi mo na lang ipinaparamdam saken ito." itinuro ko yung dibdib ko. "Alam mo yung feeling na lagi kong iniisip kung paano ba mangyayari na ako yung magustuhan mo? Na ako yung mahalin mo? Unang beses pa lang na pumasok ka sa buhay ko at ipinilit na maging tayo nasasaktan na ako. Ang sabi mo nun saken, tulungan kitang kalimutan siya. May idea ka ba kung gaano kasakit yun? Mahal kita Maico, kahit noon pa." tumulo yung luha mula sa mga mata ko.

Lumapit siya. He brushed my tears away with his thumbs. Tumingin ako sa mga mata niya, naroon yung pangunawa. Inalis ko yung mga kamay niya at tumalikod.

"Lagi akong tumitingin kay Lana dati. Iniisip ko, ano bang meron siya? Bakit ganun na lang yung pagkagusto mo sa kanya? Kung pwede lang na maging tulad niya ako ginawa ko na dati pa, Maico. Masakit pag nakikita ko kung paano ka ngumiti pag naririnig mo yung pangalan niya, kung gaano ka ka-excited na makita siya..."

"I wasn't talking about Lana when I said tulungan mo akong kalimutan siya." he said out of the blue.

Kumunot ang noo ko. "So may iba pa?"

Ibinuka niya yung bibig niya na parang may sasabihin pero di niya yun tinuloy. Tumingin siya sa ibang direksyon at huminga ng malalim saka humarap sa akin.

"What is it with that Anthony guy? Bakit ba hindi mo siya maiwas-iwasan? You know that guy has feelings for you!" pag-iiba niya sa usapan.

"Seriously? Iibahin mo talaga yung usapan?"

"Just answer me dammit! Alam mo ba kung gaano ko kagustong sakalin yung lalaking yun? Nakakarami na siya eh! Di niya ba maintindihang may nagmamay-ari na sayo? At ako yun... ako!" itinapat niya pa yung thumb finger niya sa dibdib niya.

I rolled my eyes on him. "You don't own me."

"Yeah, not yet." aniya saka nameywang pa patalikod sa akin.

"What do you mean?" nagtatakang tanong ko sa sinabi niya.

"About what?" kunot noong tanong niya.

"You said---"

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon