Chapter Thirteen

240K 3.6K 270
                                    

Nagising ako sa mga halik na nararamdaman ko sa pisngi ko. Pagkamulat ko ng mata ko eh nandun si Maico.

Dito ako natulog sa condo niya. Dapat kasi magdi-dinner kami kagabi kaso nagkaroon na naman siya ng biglaang meeting. Ilang araw na rin kaming di masyadong nagkakasama. Lagi na lang kasi siyang busy eh. Kaya gusto ko sana siyang i-surprise ngayon.

Napatingin ako sa wallclock sa may itaas ng pintuan. Alas seis na ng umaga.

Tinignan ko si Maico saka ngumiti pero napalitan din yun ng pagkunot ng noo ko. Naka-bihis pa rin siya. Kararating niya lang ba? Iniisip ko kasi kanina na di niya lang ako ginising nang dumating siya kagabi.

"Good morning, Beauty!" aniya sabay halik sa mga labi ko.

"Ngayon ka lang dumating?" sabi ko na may halong pagtataka. Ang sabi niya kasi dinner meeting lang ang pupuntahan niya tapos inabot siya ng ganitong oras.

"Yeah. Lika nga dito." inilahad niya yung mga braso niya para yakapin ako. Agad naman akong lumapit sa kanya at yumakap. "Ang sarap naman ng feeling na makita ka dito. Kanina pa kita iniisip eh." aniya at lalo pang hingpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko pagkakalas niya sa pagkakayakap namin.

"Sinundo ko si Mommy sa airport. Biglaan nga yung punta niya dito eh. Hinatid ko pati sa hotel." aniya habang nagaalis ng damit. Umiwas agad ako ng tingin nang hubarin niya yung polo niya. Mahirap na baka kung ano magawa ko sa pandesal niya.

"Talaga? Ahmmm Beast..." ibinitin ko yung sasabihin ko. Gusto ko lang kasi talaga itanong sa kanya kung ipapakilala niya ako. Pero nakahiyaan ko na lang.

"Beauty?" aniya. Mukhang tinatanong niya kung ano yung sasabihin ko.

Nag-isip ako sandali, "anong gusto mong kainin?" naitanong ko na lang.

Ngumiti muna siya saka nagsalita. "Kaya gustung-gusto kong gumigising sa tabi mo eh. Maalaga ka masyado. Kahit ano na lang Beauty, basta ikaw ang nagluto."

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa sinabi niya. Tumayo na ako at dumiretso sa kusina para ipagluto siya ng almusal.

Ipinag prito ko siya ng daing at nag-sinangag din ako. Dala ko pa kagabi itong daing na galing sa probinsya. Alam ko kasing paborito niya ito.

Nakahain na ako nang dumating siya sa hapag.

"Wow ang bango! The best talaga ang Beauty ko!" aniya yumakap at humalik pa sa mga labi ko bago naupo.

"Napaka-bolero talaga ng Beast ko!" sabi ko sabay pisil sa pisngi niya.

"Alam mo, nature na sa mga lalaki ang maging bolero pero pagdating sayo nagsasabi lang ako ng totoo." aniya sabay subo ng pagkain.

Naupo na rin ako at sinabayan siya sa pagkain. Lately, parang kakaiba yung mga kilos niya. Nakakapanibago. Kanina nga lang siya naging sweet ulit. Simula nung una niya akong nakita na nagbagong bihis naging ganun na siya. Ayaw niya siguro talaga sa bago kong hitsura.

Nakakalungkot lang dahil nag-effort akong maging ganito para sa kanya tapos di niya naman pala maa-appreciate.

"Lalim ng iniisip natin ah?"

Napatingin ako kay Maico. Tapos na siyang kumaen pero ako halos di pa nangangalahati.

"Huh?" umiling ako, "hindi ah."

"Sus." inilapit niya pa yung mukha niya sa akin. "Gusto mo na rin?" ginalaw galaw niya pa yung mga kilay niya paitaas.

Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Ano namang gusto ko na rin?

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon