Chapter 15

722 46 0
                                    

Sunod sunod na malalakas na katok mula sa pintuan ng kwarto ko ang gumising saakin.

"Ma'am Celestine—"

"Yaya Linda, inaantok pa po ako. Wala naman po akong pasok ngayon. Nakaleave po ako." Inaantok na sabi ko.

Muli akong nag talukbong at pumikit.

"Nasa living room si Raphael, nag hihintay sainyo."

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang sinabi ni Yaya Linda.

"Nandito po si Raphael?"

"Oo."

"Sige po, bababa na ako."

Agad akong bumangon at nag tungo sa banyo ng kwarto ko.

Mabilisang pag ligo lang ang ginawa ko. Hindi kona tinuyo ang makapal kong buhok dahil baka abutin ako ng isang oras.

Pababa palang ako ng hagdan, nakita kona agad siya na nakaupo sa sofa sa may living room. Agad siyang ngumiti ng mag tama ang tingin namin ni

"Good morning!" He greeted.

"Morning, kanina kapa ba?"

Umiling siya at sinalubong ako. Napangiti pa lalo ako ng alalayan niya akong bumaba.

"Galing ako sa office mo, sabi ng secretary mo nakaleave ka kaya naman dito na ako dumeretso."

"Napagod kasi ako sa kasal ni Daisy kahapon."

Niyaya ko siya sa dining para mag breakfast. "Sabayan mo na akong mag almusal."

"Sure."

Hindi mawala ang ngiti sa aking labi sa sweet gesture niya. Talagang pinag sandok pa niya ako ng pag kain.

Habang nag sasandok siya ng pag kain, tinanong ko siya.

"Hindi ka naman pupunta dito kung wala kang plano. So, saan ang lakad natin?"

Mahinang natawa si Raphael. Napakunot ang noo ko ng hindi siya sumagot. Kundi sumubo na siya ng kanin at ulam.

"Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?"

Umiling siya kaya napasimangot ako. "Pero aalis tayo."

Inirapan ko nalang siya at nag simula na din sa pag kain.

Habang kumakain kami, nag kwekwento lang siya sa kasal ng kanyang kapatid na si Shasha. Nalaman ko na buntis na din pala iyon.

Napangiti ako habang nakatingin kay Raphael. Halatang masaya siya para kay Shasha at Kleo. Mabuti nalang talaga at gumising na si Shasha. Dalawang taon din siyang na comatose.

Muli akong umakyat sa kwarto ko ng matapos kaming mag breakfast. Nag paalam muna ako sakanya na mag bibihis lang saglit.

"Aalis na kayo?"

"Opo, Manang."

"Sakto, pwede bang idaan mo na itong lunch ni Jordan?"

Kinuha ko naman ang pag kain mula kay Manang. "Sige po Manang alis na po kami."

"Mag iingat kayo."

Kaya naman, dumaan muna kami sa school ni Jordan para ihatid ang kanyang pag kain. Bago kami nag tungo sa pupuntahan namin na hindi ko alam kung saan.

Wala talaga siyang balak sabihin dahil malalaman ko din naman daw pag nakarating na kami.

Napaamang ang labi ko ng huminto kami sa isang second floor na bahay.

Simple ngunit napakaganda. Habang nakatingin sa bahay, may naalala ako kaya tinignan ko si Raphael.

"B-Bahay niyo?"

Chasing My Girl [Completed]Where stories live. Discover now