Kabanata 1

2.4K 84 9
                                    


"Good morning, Baby!"

Unti unting napawi ang ngiti saaking labi ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Natatawang nginuso ni Daisy ang taong nakatayo sa likuran ko. Ramdam ko ang presensya ni Raphael sa likuran ko.

Ano na namang ginagawa nitong lalaking to dito?

Naiinis kong nilingon si Raphael. "Ano na namang ginagawa mo dito?" Kunot ang noong tanong ko.

Napaamang ang labi ko ng makitang may hawak hawak siyang bouquet of flowers and chocolates.

"For you." Nakangiting sabi niya tsaka inabot saakin ang bulaklak at chocolates.

Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang regalo niya.

"Ikaw na talaga, Raphael! Kung hindi ka lang sana babaero—" Pinanlakihan ko ng mata si Daisy kaya nanahimik agad siya.

Kasalukuyan kaming narito ngayon sa cafeteria at nag la-lunch.

Wala na akong nagawa nang maupo si Raphael sa tabi ko.

Si Raphael ay isang taon ko ng manliligaw. At tama si Daisy, kung hindi sana siya babaero at nalilink sa iba't ibang mga babae, matagal ko na siyang sinagot.

Hindi ko kasi alam kung seryoso ba siya sa manliligaw. Lalo na't mismong ako, nakikita kong iba ibang babae ang kasama niya.

"Nagustuhan mo ba?"

Malalim akong napabuntong hininga bago siya tinignan. "Thank you." Tipid ko siyang nginitian at ibinalik ang tingin sa kinakain.

"Kamusta naman na si Shasha?" Maya maya ay tanong ni Daisy kay Raphael.

Oo nga pala. Balitang balita talaga dito sa University ang nangyari kay Shasha. Nakakagulat syempre. Ang balita ko pa, naging matamplay ang mga kaklase ni Shasha simula ng ma-comatose siya.

Tumingin ako kay Raphael. Nakita ko kung paano naging malungkot ang ngiti sakanyang labi.

"Still sleeping." Malungkot niyang saad. Nang tignan niya ako ay nginitian ko siya.

"Habang lumalaban siya, huwag kayong sumuko."

"Yeah."

Tumahimik na ulit kami at bumalik na sa pag kain.

Hindi na ako umangal pa ng ihatid kami ni Raphael sa room namin ni Daisy.

"Salamat."

Tumango na siya at nag paalam na aalis na din.

Pag harap na pag harap ko kay Daisy, ang lapad na ng ngiti niya.

"Oh? Nginingiti ngiti mi dyan?" Kunot noong tanong ko sakanya.

"Sabihin mo nga saakin Celestine. May gusto kana kay Raphael no?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Daisy. Nang makita niya ang gulat sa mukha ko ay unti unti siyang ngumisi.

"Gotcha!" Natatawang sabi niya.

Napailing iling nalang ako at naupo na sa katabi niyang upuan.

Napabuntong hininga nalang akong napatitig sa kawalan.

Sa totoo lang, hindi naman mahirap gustuhin si Raphael. Ang kaso nga lang, masyado siyang lapitin ng mga babae.

Tsaka paano ko din siya sasagutin eh hindi naman siya nag tatanong.

"Lalim naman niyang iniisip mo."

Napairap ako sa bulong ni Daisy.

Nang matapos ang huling klase namin, agad na nag paalam si Daisy saakin na mauuna na siya dahil may lakad pa siya kaya naman, naiwan akong mag isa.

Habang nag lalakad sa hallway, nililibot ko din nang tingin ang paligid. Nahinto ako sa pag lalakad ng magawi ang tingin ko sa may malaking puno kung saan may isang lalaki at babae na nag papalitan ng mga halik.

Parang tinusok nang matalim na karayom ang puso ko ng makaramdam ang ng sakit ng makilala kung sino ang lalaki.

"Raphael.." Mahinang usal ko.

Naramdaman ko nalang ang pangingilid ng luha sa gilid ng mata ko. Kasabay ng pag punas ng luha ko ay ang pag tama ng tingin namin ni Raphael.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya ng makita ako.

Bago pa tuluyang tumulo ang luhang pinipigilan ko, nag lakad na ako palayo.

Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating sa parking lot.

Tuluyang bumuhos ang luha ko ng makasakay ako sa backseat ng kotse namin.

"Tara na po, Manong."

Saglit pa akong sinulyapan ni Manong Juan bago niya pinaandar ang kotse.

"Bakit ka umiiyak, ineng?" Tanong ni Manong ng makalabas kami ng University.

"N-Napuwing lang po." Pag dadahilan ko habang nag pupunas ng luha.

Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Manong. Hindi ko nalang pinansin dahil nasa labas na ang tingin ko.

Habang nakatingin ako sa kawalan, muling bumalik sa alaala ko ang nakita ko.

Mapait akong napangiti ng maalala kung paano sila mag palitan ng halik. Talaga namang sa University pa nila ginawa kung saan maraming makakakita sakanila.

Kung hindi ba naman kasi ako tanga! Nag papaligaw pa din sa lalaking babaero tapos ngayon nasasaktan dahil sa nakita.

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog. Pagak akong natawa ng makitang si Raphael ang tumatawag. Nang mamatay ang tawag niya, sunod na sunod na text naman niya ang natanggap ko.

Napailing iling nalang ako at pinatay ang cellphone ko.

Matamlay akong nag lakad papasok ng Mansion. Ni pag bati kila Manang ay hindi ko na nagawa pa.

Umakyat na agad ako sa kwarto ko at nag kulong.

Hindi ko alam kung bakit apektadong apektado ako sa nakita kanina. Gusto ko lang naman siya diba? Hindi ko pa naman siya mahal.

Sana. Sana nga hindi kopa siya mahal para madali nalang kalimutan lahat.

"Arghh!"

Napapikit ako ng muli na namang bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina.

Nag talukbong ako ng kumot at tinulog nalang lahat ng nangyari. Nagising ako sa katok mula sa pintuan ng kwarto ko.

"Ma'am Celestine, nasa dining na po sila. Kayo nalang po ang hinihintay."

"Susunod na po ako."

Nag ayos muna ako ng sarili bago lumabas ng kwarto ko.

Hindi pa kumakain sila Mommy ng makarating ako ng dining.

"Good evening, Mom, Dad." Humalik ako sa pisngi nila bago lumapit sa nag iisa kong kapatid na lalaki.

"Hello, baby." Hinalikan ko din sa pisngi bago naupo sa tabi niyang upuan.

Limang taon palang itong si Jordan.

Napangiti ako ng yumakap saakin ang kapatid ko ng makaupo ako sa tabi niya.

"Miss you." Pag lalambing niya.

"I missed you too, baby."

Ngumiti ako kay Mommy ng mag tama ang tingin naming dalawa.

"Ang sabi ni Manang, matamlay ka daw na umuwi kanina." Nag aalalang saad ni Mommy.

Ngumiti muna ako bago sumagot. "Sumakit po kasi ang ulo ko, Mommy. Kayo agad akong natulog sa kwarto kanina."

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong naman ni Daddy.

"Ayos na po."

Ang sarap talaga sa pakiramdam pag nag aalala sila para saakin.

Bwisit kasi na Raphael na yun!

Chasing My Girl [Completed]Where stories live. Discover now