Kabanata 3

1K 62 8
                                    

"Saan mo ba ako dadalhin?" Kunot noong tanong ko kay Raphael. Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya.

"Ikaw, saan mo ba gustong pumunta?" Balik niyang tanong saakin.

Nag kibit balikat naman ako. "Wala akong maisip. Ikaw na ang bahala."

Agad na nag salubong ang kilay ko ng makitang ngumisi siya. "Hoy! Ano yang iniisip mo?!" Kinakabahang tanong ko sakanya.

"Sa bahay gusto mo?" Nakangising tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng maintindihan ang sinabi niya. Mabilis akong umiling iling. "No way!" Natatarantang sabi ko sakanya.

Malakas siyang tumawa dahil sa sinabi ko. "Baby, wala naman akong gagawing masama sayo." Sabi niya sabay kindat saakin.

"No, no, no! AYOKO!"

Tumatawa siyang tumango. "Fine."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

Ang alam ko, mag isa niya ngayon sa bahay nila dahil nasa Canada ang parents niya na nag babantay kay Shasha. Si Kleo naman daw ay sa Canada na itinuloy ang pag aaral habang nag babantay kay Shasha. Aww, ang sweet talaga nila. I hope na magising na si Shasha.

"Ano bang pag kain ang hindi mo pa natitikman?"

Napalingon ako kay Raphael ng mag tanong siya.

Nasa daan naman ang tingin niya pero mukhang inaatay niya ang sasabihin ko.

Napaisip naman bigla ako. Ano nga ba ang pag kain na hindi ko pa natitikman at gusto kong tikman?

Unti unti akong napangiwi ng maalala ang gustong gusto kong pag kain na tikman.

"I want penoy and balot." Nakangiting sabi ko sakanya. Nakangiti din akong nilingon ni Raphael tsaka siya tumango.

"As you wish, baby."

Yay! I really want penoy and balot. Hindi kasi ako pinayagan ni Daddy na kumain non. And according to Daisy, sobrang sarap daw ng penoy at balot. Kaya naman matagal na akong takam na takam na matikman iyon.

"Thank you."

Huminto kami sa park. Nag parking muna si Raphael bago kami bumaba.

"Ayun. Doon tayo bibili." Tinuro niya ang isa sa mga tindahan.

Tumango naman ako at excited na sumabay sakanya sa pag lalakad.

"Ilan ba ang gusto mo?"

"Ahm.. two penoy and two balot."

"Okay." Sabi niya at kinindatan na naman ako.

Napailing nalang ako. Napapadalas ang pag kindat ng loko.

Nang makalapit kami sa tindahan ng balot, sinabi na ni Raphael kung ilan ang bibilhin natin.

Nag thank you muna kami sa tindera bago nag lakad palayo.

Nahinto ako sa pag lalakad ng makakita ng barbeque.

"Bakit?" Takang tanong ni Raphael.

Itinuro ko sakanya kung nasaan ang barbeque. "Gusto ko nun!"  Nakangusong sabi ko sakanya.

Napangiwi ako ng pisilin niya ang pisngi ko. "You're so cute."

Namula naman ang mukha ko sa sinabi niya. Habang siya ay ang lapad ng ngiting nakatingin saakin.

"Sige na, bilhan mo ako non!"

"Okay, baby. Halika."

Tuwang tuwa ako ng makalapit kami ni Raphael. Itinuro ko sakanya lahat ng gusto ko. Hindi naman siya nag reklamo.

Chasing My Girl [Completed]Where stories live. Discover now