Kabanata 6

670 52 2
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas simula ng sagutin ko si Raphael.

Simula ng sagutin ko siya ay may nag bago sakanya, mas naging sweet siya, caring, at clingy. Hindi din siya nawawala sa tabi ko na parang akala mo naman ay may aagaw saakin pag kumurap siya.

Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayong dalawa dahil nag aya akong mag church na hindi naman niya tinanggihan.

Tinaasan ko siya ng kilay ng lingunin na naman niya ako. Kanina pa siya sulyap ng sulyap saakin habang nag dra-drive. Una sa mukha ko tapos baba sa suot ko then babalik sa daan ang tingin niya.

"Ano bang tinitingin tingin mo dyan?" Taas kilay na tanong ko.

"You're so beautiful. Hindi ko matanggal ang tingin ko sayo."

Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya. "Ikaw talaga bolero!" Natatawang sabi ko sakanya.

He chuckled. "Hey, I'm telling the truth."

"Oo na. Mag focus kana lang dyan sa pag dra-drive."

Natatawang sabi ko. Tumango tango naman siya. "Aye aye, baby."

Nang marating kami sa church, nag uumpisa na ang misa kaya agad na kaming pumasok ni Raphael sa simbahan.

Nag pray agad ako ng makaupo kami, nang mag mulat ako ng mata, tinignan ko ang katabi ko.

Napangiti ako ng makitang nakapikit si Raphael. Halatang nananalangin din siya.

Mag kahawak kamay kami habang nag lalakad palabas ng simbahan. Tapos na ang misa.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Saan mo gustong pumunta?" Balik niyang tanong.

Nag kibit balikat ako at hinila na siya palabas ng simbahan.

Napangiti ako ng may makitang nag titinda ng fisball sa labas. Agad ko iyong itinuro kay Raphael.

"Ilibre mo ako non!" Nakangiting sabi ko.

Nakangiting inakbayan ako ni Raphael. "Tara."

"Say ah!"

Nahihiya man ay ngumanga pa din ako para maisubo saakin ni Raphael ang isang fishball na tinusok niya.

Kanina pa kumakain dito. Yung mga bumibili nga ay halos nasa amin na ang tingin ni Raphael.

Nang masubo kona ang fishball, ako naman ang kumuha at nag subo sakanya.

"Masarap diba?" Nakangiting tanong ko.

Ngumunguya siyang tumango saakin.

Nang mag sawa kaming kumain, nag bayad na si Raphael at umalis na kami.

"Ahm. G-Gusto mo bang pumasok muna?" Tanong ko sakanya ng huminto ang sasakyan niya sa tapat ng Mansion.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil natigilan siya. Nginitian ko lang siya at hinintay ang sasabihin niya.

"S-Sure ka?"

I nodded. "Yes."

Malalim na napabuntong hininga si Raphael kaya mahina akong natawa.

"Don't worry, hindi nangangain ng tao ang parents ko."

Napaamang ang labi ko ng isubsob niya ang ulo niya sa balikat ko.

"I'm sorry." He whispered.

Napakunot ang noo ko sa binulong niya.

"Bakit ka nag so-sorry?" Natatawang tanong ko at iniangat ang mukha niya.

Nagulat ako ng makitang may nangingilid ang luha sa gilid ng mata niya.

"O-Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko at pinunasan ang luha sa gilid ng mata niya. He smiled and nodded at me.

"Sige na, pumasok kana."

"H-Hindi kana papasok?"

Nakaramdan ako ng lungkot ng umiling siya. Wala na akong nagawa kundi ang tumango nalang.

"Sige."

Lumapit siya saakin at inilapat niya ang kanyang labi saaking noo. "Next time." Mahinang usal niya.

"Mag iingat ka."

Nang bumaba ako sa kotse niya ay derederetso na ang lakad ko papasok ng Mansion.

"Oh, where's your boyfriend? Akala ko ba ipapakilala mo siya ngayon?" Kunot noong tanong saakin ni Mommy ng salubungin ako.

Humalik muna ako sa pisngi ni Mommy bago sumagot. "Nag ka-emergency po kasi kami kaya hindi na siya nakapasok dito." Pag dadahilan ko.

Nung araw na sinagot ko si Raphael ay pinaalam ko din agad kila Mommy and Daddy. Hindi naman sila nagalit dahil nasa tamang edad na daw ako.

Ito din kasi ang araw na ipinangako ko sakanila na ipakikilala ko si Raphael pero mukhang hindi pa siya handa para harapin ang parents ko.

"Oh, sige. Halika na sa dining nag hihintay na roon ang Daddy and si Bunso."

Nag paliwanag din ako kay Daddy kung bakit hindi ko kasama si Raphael. Naintindihan din naman nila kaya hindi na sila nag tanong pa.

Agad akong nag tungo sa kwarto ko ng matapos mag lunch. Nang mahiga ako, chineck ko ang phone ko kung may text na siya pero wala pa naman.

Malalim akong napabuntong hininga at binalikan ang nangyari kanina.

Naalala ko nung bigla nalang siyang nag sorry? Para saan naman kaya Iyon?

Kinabukasan ay sinundo ako ni Raphael.

Agad siyang ngumiti ng makita ako. "Good morning, baby." He greeted.

Nang makalapit ako sakanya, agad niya akong hinalikan sa noo. "Good morning. Tara na?"

Pinag buksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako sa front seat.

Nagulat ako ng may makitang red roses sa may driver seat. Sobrang lapad ng ngiti ni Raphael ng makita ang tinitignan.

Kinuha niya ang roses at inabot saakin.

"Flowers for my baby."

Agad kong kinuha sakanya ng iaabot niya. Matamis akong napangiti ng amuyin ang rose.

"Three roses means, I love you." He said sweetly.

Nginitian ko siya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Bigla kasing lumakas ang tibok ng puso ko kaya para akong nawalan ng lakas.

"Thank you."

Napapikit ako ng dampian niya ng halik ang aking noo. "I love you."

Napamulagat ako ng marinig ang sinabi niya. "A-Anong sabi mo?" Gulat na gulat na tanong ko.

Hindi ako pwedeng mag kamali! Tama ang narinig ko!

"I said, I love you."

Parang hinaplos ang puso ko ng muling marinig ang sinabi niya.

"M-Mahal mo na ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Kakaibang saya ang dinulot ng sinabi niya sa puso ko. Hindi ko maitatanggi na, sobrang saya ko ngayon.

Lately kasi ay narealize ko na din na tama si Daisy, hindi lang basta gusto ko ang nararamdaman ko para sakanya. Kundi iba na at iyon ay pag mamahal.

"Hmm."

Dala ng saya, napayakap ako sakanya.

"R-Raphael.." Mahinang usal ko at nag angat ng tingin sakanya. Nginitian ko siya nag mata ang tingin naming dalawa.

"M-Mahal na din kita..."

Chasing My Girl [Completed]Where stories live. Discover now