Chapter 11

670 58 0
                                    

2 years later...

"Ma'am Celestine, nasa labas po si Ms. Daisy."

"Sige papasukin mo."

Tumango naman ang secretary ko bago lumabas.

Dalawang taon na, simula ng i-handle ko ang hotel business namin. Hindi ko hinandle ang company namin dahil para iyon sa kapatid ko.

"Best friend!"

Napangiwi ako ng marinig ang matanis na tili ni Daisy.

"Ang ingay mo, Daisy."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Kundi, tumili ulit siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"What's that?" Naiinis na tanong ko sakanya ng may isang papel siyang inabot saakin.

"My invitation!" Kinikilig na sabi niya at tumili na naman kaya hinampas ko na siya.

"Ang sakit, huh!" She said sarcastically. Inirapan ko nalang siya at tinanggap na ang kanyang invitation.

"Ganda diba?" Nakangiting sabi niya saakin ng sipatin ko ang kanyang invitation.

"You're my made of honor!"

Napangiti sa sinabi niya. Tignan mo nga naman, lumipas lang ang dalawang taon, mag papakasal na siya sa dating secret lover niya lang.

"Thank you."

Sinara ko na ulit ang invitation ng makita ko na ang pangalan ko. Tinaasan ko siya ng kilay ng sinimangutan niya ako.

"What?"

"Hindi mo man lang ba titignan ang mga pangalan na nandyan?"

"Bakit pa? Nakita ko naman na ang name ko."

"Aish! Dali na, tignan mo na!"

Iniabot niya muli ang invitation saakin. Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya.

Iniscan ko lang isa isa ang names. Hanggang sa nahinto ang tingin ko sa isang pamilyar na pangalan.

Raphael Martinez

Napakurap kurap ako at muling tinignan ang pangalan. Malinaw ang pangalan ni Raphael na nakasulat sa isa sa mga abay ni Daisy.

Nanlalaki ang aking mata na tinignan si Daisy. "A-Abay mo siya?"

"Surprise!"

Pigil ko ang pag hinga ng tumango siya. S-Seryoso? Pero..

"P-Paanong—"

"He's back, Celestine. Bumalik na siya."

Bumilis agad ang pag tibok ng puso ko ng marinig ang sinabi niya. So, he's back?

"K-Kailan pa?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

Ang last na balita ko kay Raphael ay ang pag gising ng kanyang kapatid. Pero hindi ko alam na bumalik na pala sila.

"Last month."

Oh, isang buwan na pa simula ng makauwi siya pero hindi man lang niya ako binisita.

"Huwag ka ng malungkot, best friend. Mag kikita naman kayo sa wedding ko."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Daisy dahil iniisip ko pa din ang nalaman ko.

Hindi ako nakapag trabaho ng maayos dahil sa dami ng iniisip kaya naisipan ko nalang na mag leave na muna.

Nag sabi nalang ako sa secretary ko ng dapat niyang gawin bago ako umalis.

Dumaan muna ako sa isang milk tea shop. Nang matanggap ko ang order ko, bumalik ako sa inupuan ko.

Napa angat ako ng tingin ng maamoy ko ang isang pamilyar na pabango.

Nilibot ko ang tingin sa paligid hanggang sa huminto ang tingin ko sa isang lalaki na nasa may counter.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso ng biglang humarap ang lalaki at nang mag tama ang aming tingin.

Nakita ko ang pag amang ng kanyang labi ng makita ako.

W-Wow! Talagang dito pa kami sa milk tea shop mag kikita.

Hindi ko siya nginitian nang nginitian niya ako. At nang ibalik niya ang tingin sa counter, mabilis ang naging galaw ko. Binibit ko agad ang mga gamit ko tsaka nilisan ang milk tea shop.

Pasakay na ako sa kotse ko ng may biglang humawak sa aking braso.

"Wait."

Napaamang ang labi ko ng marinig ang boses ni Raphael. Ramdam ko ang presensya niya sa aking likuran.

Napabuntong hininga pa muna ako bago siya nilingon.

"Yes?" Kunot noong tanong ko sakanya.

Hindi naman siya sumagot kundi tinitigan niya ako.

"Kung wala kang sasabihin, aalis na ako."

Tatalikuran ko na sana sulit siya pero nag salita na siya. "Kamusta kana?" He asked.

Tumayo ako ng deretso. "I'm fine. I'm perfectly fine."

"I see."

Nginitian ko na lang siya at nag paalam na akong aalis. Hindi naman na siya umangal pa.

Agad akong napahawak sa dibdib ko ng makasakay ako sa aking kotse.

Para akong aatakihin sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko pa sana paaandarin ang kotse ko pero nakita kong nasa tapat ko pa din si Raphael at mukhang hinihintay na makaalis ako.

Agad kong ipinaalam ang pag kikita namin ni Raphael kay Daisy. Ang gaga, tuwang tuwa naman sa nangyari kaya napilitan akong patayin nalang ang tawag.

Two days akong nag pahinga bago ako bumalik sa trabaho. Sinigurado ko muna na wala nang bumabagabag saakin pag pasok ko.

Nung nakaraang araw kasi ay puro si Raphael nalang ang naiisip ko. Bakit kasi kailangan pa kaming mag kita?

"Good morning, Ma'am."

"Good morning, Ma'am."

Binabati ko lang pabalik ang mga bumabati saakin. Nahinto ako sa pag lalakad ng salubungin ako ng secretary ko na si Alisha.

"Welcome back, Ma'am. Good morning."

"Good morning." I greeted and smiled at her.

Sumabay na siya saakin sa pag lalakad.

"Any updates?"

"Wala naman na po, Ma'am. Nasabi ko na po sainyo lahat kagabi—ay wait, Ma'am! May client po kasi na gusto kayong makausap."

"Oh, nandyan na ba?"

Tumango tango naman siya. "Yes, Ma'am. Nasa office niyo na po. Actually, Ma'am. Tatlong araw na po iyon pabalik balik dito." Kinikilig na sabi ni Alisha kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit parang kinikilig ka dyan?"

"Ay sorry po, Ma'am. Hindi ko lang po mapigilan kasi ang gwapo ni Mr.Martinez."

Natawa naman ako kay Alisha. "Ikaw talaga, Alisha—" Natigil ako sa pag sasalita ng muling maalala ang apelyido na binanggit niya.

"W-What did you say?"

"Ho?"

"Sino ang kliyente ko, Alisha?"

Kung tama ang pag kakarinig ko, Martinez ang apelyidong binanggit ni Alisha.

"Ahh. Si Mr.Martinez po, Ma'am."

"M-Martinez?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango tango naman siya. "Yes, Ma'am. Si Mr. Raphael Martinez po. Kilala niyo po ba, Ma'am?"

Hindi na ako nakasagot pa sa tanong ng secretary ko dahil hindi pa din pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Alisha.

"Ma'am, nandyan po sa loob si Mr.Martinez. Kanina pa po nag hihintay sainyo."

Chasing My Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon