Kabanata 4

810 54 1
                                    

Malapad ang ngiti ko ng makapasok sa Mansion. "Hi, Manang!"

"Oh, nandito kana pala. Ang sabi kasi ni Beto ay hindi ka na nag pasundo dahil may pupuntahan ka."

"Ah opo. Kumain lang po kami sa labas."

Nag paalam na din ako kay Manang na aakyat na sa kwarto ko.

"Sige."

Bago ako nag tungo sa kwarto ko, pinuntahan ko pa muna ang kapatid ko. Naabutan ko siyang natutulog kasama ang yaya niya kaya naman umalis na din ako.

Dahil okay naman na kami ni Raphael, binuksan ko na ang cellphone ko. Nagulat pa ako ng making may one hundred missed call mula kay Raphael. Ang dami din niya text message na hindi kona pinansin pa.

"Oh ang rupok mo!"

Napanguso ako sa sinabi ni Daisy. Mag ka-video call kami ngayon.

Today is Saturday kaya wala kaming klase.

Kwinento ko sakanya ang nangyari kahapon.

"Celestine huh, mahal mo na no? Tignan mo oh, ang mga mata ko, nag kikislapan habang nag kwekwento ka."

Napaamang ang labi ko sa sinabi niya. "What are you talking about?"

"Mukha kang in love, Celestine."

Natigilan na talaga ako sa binatawang salita ni Daisy.

"Daisy.."

"Mag iingat ka, best friend. Ngayon palang kitang nakitang na in love. Syempre hanggat maaari, ayaw kitang makitang nasasaktan kaya mag iingat ka."

Hindi na ako nakapag salita pa dahil sa sinabi niya.

Tulala lang ako kahit na tapos na ang pag uusap namin ni Daisy.

Hindi pa din ma-sink in sa isip ko ang sinabi ni Daisy kanina. Maari kayang tama siya?

Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla nalang itong bumilis sa pag tibok ng makita ang pangalan ni Raphael sa cellphone ko na tumatawag.

Oh, s-sasagutin ko ba?

Nang mamatay ang tawag ay muli na namang tumunog ang cellphone ko. Muli siyang tumatawag.

Nanginginig ang kamay ko ng abutin ang cellphone ko para sagutin ang tawag.

"H-Hello?" I stuttered.

"Hey, baby."

Mas lumakas ang tibok ng puso ko ng marinig ang sinabi niya. Idagdag mo pa ang malambing niyang boses.

"B-Bakit ka napatawang?" Napakagat ako sa pang ibabang labi ko ng matapos sa pag sasalita.

"I miss you."

Oh, shit!

"Ahm.."

"Miss me?" He asked teasingly.

Napakamot nalang ako sa batok ko dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"Hey."

"Ano.."

"What?"

"Mag kasama lang  kasi tayo kahapon."

"And?"

"Tapos miss mo na ako agad."

Napanguso ako ng marinig ang mahinang tawa niya mula sa kabilang linya.

"Pwede ba tayong mag kita?"

"Huh? Bakit?"

"Kasi nga, miss na kita."

"Hindi ako pwedeng lumabas." Kagat labing sabi ko.

Natahimik naman si Raphael mula sa kabilang linya. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko narinig na napabuntong hininga siya.

"Okay.." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya ng mag salita siya. Parang may kumurot sa puso ko ng makaramdam ako ng sakit.

"Ahm. P-Pwede naman tayong mag video call nalang." Napapikit ako at huminga ng malalim. Bigla akong nakaramdan ng hiya sa alok ko.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang mahinang tawa niya. "Oh, sure baby."

Tahimik lang ako habang mag katitigan kami ni Raphael. Mag ka-video call na kami ngayon. Ilang minuto na din kaming hindi nag iimikan at nag tititigan lang. Para tuloy kaming tanga.

Tapos, kanina pa ako dito pinamumulahan ng mukha dahil sa kakaibang pag titig ni Raphael. Wala naman siguro siyang balak na kainin ako ng buhay?

Alanganin akong ngumiti kay Raphael bago nag salita. "Mag tititigan nalang ba tayo? Baka kasi matunaw mo na ako nyan."

Napatitig ako sakanya ng tumawa siya. Napakaganda niya talagang lalaki, lalo na pag tumatawa.

"Baka ako naman ngayon ang matunaw nyan sa titig mo."

Pinamulahan na naman ako ng mukha dahil naman sa kahihiyan. Gamit ang dalawang kamay ko ay tinakpan ko ang namumula kong mukha.

"Nakakainis ka!"

Mas lumakas pa ang tawa niya. Hindi ko pa rin naman tinatanggal ang kamay ko sa mukha ko.

"Alisin mo na nga yang kamay mo. Gusto kong pag masdan ang maganda mong mukha."

Umiling ako. "Ayoko."

"Baby, I know you're blushing. Gustong gusto kong makita ang mukha mo pag namumula. Kaya please pakitanggal na ang kamay mo."

Mas namula ang mukha ko sa sinabi ni Raphael. Mas desidido na tuloy talaga akong hindi tanggalin ang kamay ko sa mukha ko hanggat namumula pa.

"Baby, please?"

Umiling iling ako.

"Baby.."

"Kasi naman eh!"

Tumawa na naman siya. Naiinis kong tinanggal ang kamay ko sa mukha ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"Nakakainis ka."

Mas namula na talaga ang mukha ko ng tumigil sa pag tawa si Raphael at napatitig sa mukha ko.

"You're so beautiful." He said softly. Unti unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi niya.

"I really like you, baby."

Bigla akong nakaramdan ng lungkot sa aking dibdib ng marinig ang sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba iba ang inaasahan kong sasabihin niya? Dahil ba kasi hindi niya sinabing mahal niya ako? Oh, ang gulo gulo! Naguguluhan na ako!

"Hey. Are you okay?"

Bumalik ako sa realidad ng marinig na tinawag ako ni Raphael.

"Huh?"

"Kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka lang dyan. Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya. Agad naman akong tumango sakanya.

"Ah oo ayos lang ako. May naisip lang." Napakamot pa ako sa batok ko. Bigla akong nakaramdan na naman ng hiya. Ano kayang itsura ko ng nakatulala lang ako? Hala! Nakakahiya talaga!

"Naisip mo na ba na sagutin ako?"

"Huh?"

Napaamang ang labi ko ng makitang bigla nalang siyang umirap. "Nevermind, baby."

Hindi nalang ako nag salita at nag tanong nalang about kay Shasha kung kamusta na. Tuwing nababanggit ko si Shasha sakanya, talagang nalulungkot siya. Ganon din naman ang nararamdaman ko dahil parang sinasaktan ako tuwing nakikita siyang malungkot.

Ang hirap naman kasi ng sitwasyon nila ngayon.

Sana matapos na ang mga problema nila.

Lalong lalo na si Shasha, magising na sana siya. Napakabait pa namang batang iyon. Maloko nga lang.

Hindi pa kami nag uusap pero marami na akong naririnig patungkol sakanya. Nakita ko na siya ilang beses na pero hindi ko alam kung kilala niya ako.

Maya maya pa ay nag paalam na ako kay Raphael. Kailangan ko pang asikasuhin si Bunso.

Chasing My Girl [Completed]Where stories live. Discover now