Kabanata 5

708 52 0
                                    

Natigil ako sa pag lalakad ng makitang walang tao sa hallway na papunta sa building namin. T-Teka, anong meron? Wala bang klase?

Nakahinga naman ako ng maluwag ng may makitang mangilan ngilan na estudyante.

Maaga ba ako?

Nang tignan ko ang relo ko, it's already 7 o'clock. Dapat marami ng estudyante sa building namin ng ganitong oras.

Napabuntong hininga ako at nag patuloy na sa pag lalakad. Bahala na nga.

"Celestine!"

Agad akong napalingon sa likuran ko ng marinig na tinawag ako ni Daisy.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita siya. Sobrang lapad ng ngiti ni Daisy habang papalapit saakin.

"Ganda nang gising ah!"

"Hahaha! Halika na."

Napakunot ang noo ko ng hinila ako ni Daisy at tinungo namin ang ibang direksyon.

"Teka, saan tayo pupunta?"

"Sa gym."

Anong meron sa gym? Nakuha ko naman agad ang ibig niyang sabihin ng maalalang walang ganong estudyante sa building namin.

"Ano bang meron sa gym ngayon at bakit nandoon ata lahat ng estudyante?" Tanong ko.

Hindi naman sumagot si Daisy pero nakangiti pa din siya.

"Uyy! Tinatanong kita."

"Huwag ka na ngang mag tanong makikita mo din."

Napanguso ako sa sinabi niya. Okay, tatahimik nalang ako.

"Ay best friend! May nakalimutan pala ako sa kotse. Mauna kana."

Napasinghap ako ng itulak pa ako ni Daisy papasok sa loob ng gym.

"Pero i-ikaw?"

"Bye!"

Wala na akong nagawa ng iwan na ako ni Daisy. Kumaway kaway siya saakin. Huminto siya ng mapansin nakatingin pa din ako sakanya.

"Pumasok kana, Celestine!"

"Hihintayin nalang kita."

Nakita kong sumimangot si Daisy. "Wag na! Mauna kana." Pag tataboy niya saakin.

I sighed. "Fine."

Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob.

Nagulat ako ng walang makita na estudyante sa loob ng gym.

Nilibot ko ng tingin ang paligid. Wala ni isang taong narito bukod saakin.

Anong ibig sabihin nito? Niloloko ba ako ni Daisy?

Malalim akong napabuntong hininga. Tumalikod na ako at nag lakad na palabas ng gym.

Natigil ako sa pag lalakad ng may marinig na strum ng guitara.

Kasabay ng pag harap ko ay ang pag kanta ng isang lalaki.

Hey, have you ever tried

Really reaching out for the other side?

I may be climbing on rainbows

But baby, here goes

Nanlaki ang mata ko ng makita si Raphael. May hawak hawak siyang guitara at kumakanta.

Nasa stage siya ngayon na nakatayo habang deretso ang tingin saakin.

Dreams, they're for those who sleep

Chasing My Girl [Completed]Where stories live. Discover now