CHAPTER 22

113 47 0
                                    

THREE YEARS LATER.......

TRIXIE's POV

Nandito ako ngayon sa isang hospital dahil isa nakong intern and heto na yung last year ko sa college because after this ay gagraduate na ako.

Sina Ella at Ai naman ay nasa ibang Hospital, hiwa hiwalay kaming tatlo.

Masaya maging intern pero syempre mas masaya kung isa kana talagang ganap na nurse kaya nag susumikap talaga ako.

Ang saya lang kasi sa pakiramdam na hindi lang ikaw yung nakakatulong sa kanila dahil pati mga pasyente ay nakakatulong sa amin, hindi man pisikal pero sa mga araw araw na magagandang salita at payo ng sinasabi nila sa amin kaya mas lalong nadadagdagan yung mga rason kung bakit tama na pinili namin itong kurso na tinatahak namin ngayon.

At swerte ako dito sa Hospital na na assign ako dahil sobrang bait ng mga tao dito, mula sa mga Nurses, Doctors and even mga Janitor ay ang babait.

Thou may sariling hospital yung school ay binigyan padin nila kami ng chance na sa labas mag intern.

Intern Lee tawag sakin ni Nurse Jane. Siya yung pinaka ka close ko sa lahat dahil maliban sa ako ang assistant niya ay siya yung pinaka masasabi kong friendly na Nurse sa lahat.

Lumapit ako sa kanya dahil kailangan ko na din i check yung pasyente na inassign niya sa akin. Binigay niya lang sa akin yung mga gamit saka ako nito nginitian bago ako pumunta sa ward kung nasaan ang mga pasyente.

Lolo na yung pasyente ko, at oras oras kong chinecheck yung blood pressure niya and temperature and this time kailangan kona din siya bigyan ng anti biotic.

Close nako dito kay lolo at kahit sa mga pasyenteng katabi niya. Sila yung mga nag bibigay payo sa akin araw araw.



Pauwi nako ngayon sa Condo ni Lance dahil tapos na naman yung duty ko. Morning shift ako at alas tres nako umuuwi. And yes, dito na ako sa condo ni Lance nag stay pansamantala. Dapat ay doon pa din ako sa dati kong Apartment pero pinag pilitan niyang dito na muna ako.

At kung nag tatanong kayo kung nasaan siya ngayon ay nasa ibang bansa siya. Nag hit kasi yung bago nilang album and their doing a world tour now . Ang alam ko ilang buwan din siyang wala niyan.

Nakakalungkot lang na sa graduation ko ay wala padin siya dahil nga sa world tour nila. Pero masaya pa din naman ako na sobrang success talaga nilang apat. At proud ako sa kanila dahil sa kabila ng pag sikat nila ay hindi lumaki ang kani kanilang mga ulo.

At walang araw na hindi tumatawag si Lance, gabi gabi kaming magka video call kahit na parehas kaming pagod. Ayaw kasi niya na hindi kami magkita kahit man lang through phone kaya masaya ako kahit ganun lang. At least may oras parin kaming nailalaan sa isa't isa.

Madaming nangyari sa loob ng tatlong taon at masasabing hindi yun biro.
Tulad na lang ng hindi kami nag usap ng isang Lingo dahil pinag selosan niya yung pinsan ko, aba ang loko hindi muna kasi nag tanong. Pero kahit ganoon ay sinuyo ko padin siya. Ayaw ko naman kasi na ako lang sinusuyo niya. Unfair naman kasi kung ganun.

Then minsan dahil sa parehas kaming pagod ay wala ni isa amin ang kakausap ng una sa isa't isa kumbaga pinapairal namin yung pride namin.

Minsan nagkakasagutan din. Pero ng dahil doon mas nakilala pa namin ang isa't isa and hindi yun naging daan para maghiwalay kami.
Yes po, kami na . Sinagot ko siya last year.

Week after his birthday. 26 na siya ngayon and I'm 21 . Yes, may five years age gap kami pero hindi yun hadlang para pag mamahalan naming dalawa.

Nung first anniversary namin ay napag usapan na namin ang kasal, sabi ko ayos lang pero gusto ko munang makatapos ng pag aaral at makapasa sa board exam. Sinuportahan niya ako doon.

Alam ko naman na handa na siya dahil narin nasa right age na talaga siya para sa ganung mga bagay, at instead na sabihin yung side niya or ipaglaban yung side niya ay sinabi niyang he's willing to wait until I graduate.

Doon palang halata mo nang mahal ka talaga nung tao. Halatang mahal ka nung partner mo.

I am so lucky to have him.



_____________________________

Hope you'll like it.

Please do support my first ever story!

Thank you!

Opposite Poles (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon