CHAPTER 8

146 59 0
                                    

TRIXIE's POV

Isang buwan matapos ang debut ng pinsan ko at isang buwan ng matapos ang concert, fan signing at yung unforgettable moment na nangyari na regalo ko kay Camilla.

Busy na kami ngayon dahil nga college life na. First year college na ako and sa Medical School ako nag aaral. I'm in my first year college now and taking BS Nursing, hindi kami mag kaklase ni Camilla and hindi din tugma yung schedule namin dahil hindi kami parehas ng course na kinuha. Nasa kabilang building pa siya dahil Psychology ang kinuha niya.

Bihira nalang niyan kaming magkita and magsama. Na nakakalungkot dahil sobrang busy na and hindi sanay na hindi kami nagkikita sa isang araw.

Haiyst.

Dito kami sa Manila nag aral ng pinsan ko dahil nga mas advance sila kumbaga magturo lalo na pagdating sa medicine. Isa siyang private school na expect natin mahal ang tuition pero may scholarship sila. Hindi naman sa pagmamalaki pero hindi na kami nag test for scholarship dahil kaya naman daw nina mama ang bayad dito. Thou gusto kong makipag test kasi sayang naman diba? Pero ayaw nina mama kaya ayun. Ninety thousand ang tuition every year. Forty five thousand kada semester. Ganun din si Camilla. Hindi na din nag take for scholarship.

First day of school palang ngayon kaya wala pang gaanong gagawin kundi as usual introduce yourself.

Hi! I'm Trixie Lee but you call me Trix, 18 years of age. I hope that this school year would be memorable. I said bago umupo sa kinauupuan ko. Hindi na kami nag sitting arrangement dahil hindi naman na kami bata kaya kahit saan mo gustong umumpo sa unang araw ng skwela yun na yung pwesto mo the whole sem.

Mabilis lang natapos ang pag papakilala ng bawat isa sa amin. Nasa thirty students kami sa isang room. Kasya naman kami kasi malaki yung bawat room dito.

May mga nakakausap na naman na ako pero hindi mo talaga maiiwasan na may mga bitches sa school na akala mo naman bata pa.

Kasama ko ngayon sina Aileen and Ella, sila yung unang nakausap ko dito. Magkatulad lang ang pag uugali ng bawat isa sa amin. Kalog, Madaldal at higit sa lahat ay hindi maldita na tulad nung iba namaing mga kaklase na akala mo naman ay may atraso kami sa kanila dagil kung makatingin ee parang papatayin na kami.

Papunta kami ngayon sa Canteen dahil nga break time. Buti nalang dalawang oras ang break time namin at may oras pa kami para libutin itong buong campus na pagkalaki laki.

Pumwesto nalang kami dito sa medyo walang gaanong umuupo dahil medyo nasa dulong bahagi nato ng canteen pero ayos lang kasi tanaw mo dito yung garden na meron sa likod nitong canteen.

Habang kumakain kami dinig na dinig naman ang usapan ng mga ibang studyante na kumakain dito ngayon.

"Balita ko sa susunod na buwan ang anniversary ng school"
"Oo, balita ko din na mag peperform ang N.G.B dito"
"Kyaaaaaaaaaaaaaa"

Dinig naming usapan ng mga nasa kabilang table. Hindi naman sa nakikinig kami ay sadyang malakas lang talaga ang boses nila kaya dinig na dinig namin.

Matapos naming marinig nina Ella yun ay sabay silang tumili ng mahina na akala mo ee naipitan ng paa.

Kyaaaaa seryeso? Pupunta dito ang N.G.B? I want to see Kaizer
Excited nako. Wahhhhhh crush ko dun si Julian

Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na hindi ko inakalang fan din pala sila, kaya parehas silang napatingin din sa akin.

Don't tell me hindi ka fan ng N.G.B? Tanong ni Aileen, kaya tumango nalang ako sabay na nalaglag ang panga nila na para bang hindi makapaniwala sa sagot ko.
Naalala ko na naman yung supladong si Lance na para bang pinag sakluban ng langit at lupa.

Wala lang talaga akong hilig sa ganyan, sabi ko at nagpatuloy nalang sa pagkain dahil gusto ko na talagang libutin ang buong campus.


_____________________________

Hope you'll like it.

Please do support my first ever story!

Thank you!

Opposite Poles (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon