CHAPTER 12

132 54 1
                                    

TRIXIE's POV

Sabado ngayon at nandito lang ako sa Apartment. Nakahilata parin ako hanggang ngayon sa aking higaan. Ako ko munang tumayo dahil tinatamad pa ako. Pag tingin ko sa orasan als diyes na pala.

I decided na bukas nalang ako uuwi sa amin. At pumayag naman sina mom. Gusto ko muna magpahinga ngayon kahit papaano kasi mamaya mag aayos nako ng gamit ko para umuwi sa Pampanga dahil doon talaga kami nakatira.

Katatapos ko lang maligo at naghahanda ako ngayon ng pagkain ko dahil hindi pa ako nakakapag almusal. I decided to have my brunch kesa naman hiwalay pa yung breakfast ang lunch.

Kasalukuyan akong kumakain ng makarinig ako ng katok mula sa labas ng apartment ko. Nagtataka ako kung sino itong kumakatok dahil wala naman akong inaasang bisita ngayong araw and wala naman din akong inimbitahan na magpunta dito ngayon.

Si Ella at Aileen kahapon pa umalis kaya imposibleng silang to.

Lumabas nalang ako para tingnan kung sino itong nasa labas at ganun na lamang ang gulat ko nung makita kung sino yung kumakatok.

I never imagined na kakatok dito sa Apartment ko ang isang Lance Kim ng N.G.B. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko makuhang makapag salita kaya basta basta nalang siyang pumasok sa loob kahit na hindi ko paman siya inaayong pumasok.

Nung pumasok siya sa kusina doon pa lamang ako bumalik sa wisyo kaya dali dali akong sinundan siya sa kusina.

At aba ang mokong kinakain ba ngayong yung pagkain ko.

Hoy! Anong ginagawa mo dito huh? At huwag mo ngang kainin yung pagkain ko! Sigaw ko sa kanya pero parang wala man lang siyang narinig at patuloy lang siya sa pagkain. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

Sa sobrang inis ko ay nilapitan ko siya at tinulak ako sa sunod kong ginawa.

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Sigaw ko ng pagkalakas lakas sa may tainga niya kaya bigla niya akong tinulat sabay hawak sa tainga niya atsaka ako tiningnan ng pagkasama sama.

May plano kabang sirain ang eardrums ko? Iritang tanong nito sa akin. Aba! Ang lakas naman ng loob netong mairita ee kung sabihin ko kaya sa kanyang trespassing siya? Tss
Ni hindi man lang niya akong tinulungan tumayo.

Ano ba kasing ginagawa mo dito? Tanong ko sa kanya pagkatayo ko. Ang sakit na tuloy ng puwit ko. Hindi ko expect na isang Lance Kim ang kakatok sa pinto ng Apartment ko dahil maliban sa hindi ko siya kilala ay hindi din kami close. Kaya walang reason ang pagpunta niya dito.

Eat. He said, nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Paano ba naman yung pagkaing kinakain ko kanina na muntikan niya ng maubos ngayon naman sasabihin niya sa aking kainin ko yun?
Sumasakit ang ulo ko sa lalaking ito. Feeling close na nga, feel at home pa.

Umalis kana, pagtataboy ko sa kanya. Dahil baka hindi ako makapag timpi at masabunutan ko pa siya.

Eat that then get dress. I'll wait you here. He said calmly na para bang walang nangyari. Aba! Napaka kapal din naman pala talaga ng mukha ng damuhong ito. Ano akala niya sa akin? Susunod sa sinabi niya? Tsss neknek niya.
Bahala siyang manigas diyan mag isa dahil hindi ko naman gagawin yung sinabi niya.

Alis na magpapahinga ako, pakiusap ko sa kanya. Kaya ba niya ako inihatid kahapon para malaman kung saan ako nakatira at ng mabulabog niya ako?
Tiningnan niya lang ako saglit at ibinalik na niya ulit yung attention niya sa cellphone niya. Tss bahala na nga siya basta hindi ako aalis sa bahay.

Pagkatapos kong kumain dumiretso na ako sa kwarto para mag pahinga. Bahala yung mokong nayun sa sala. Akala ba niya aalis ako sa bahay? Bahala siyang maghintay dun sa wala.

Nandito lang ako sa kama at matutulog na sana ng bigla bumukas yung pinto ng kwarto . Hindi naman kasi ako nag lolock ng kwarto ee yung lang talagang main door yung nilolock ko pag nandito din naman ako sa bahay.

I said, I'll wait you there! Inis na sabi nito sa akin na para bang kasalanan kong naghintay siya.

Aba! Wala naman akong sinabing maghintay ka, ah?! Naiining ko ding wika sa kanya atsaka ko siya inirapan.

Okay yun lang yung sinabi niya pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Aba! Ang mokong akala ba niya close kami para humiga sa kama ko? And guess what? Good for one person lang tong kama ko kaya ang ending sobrang magkadikit namin. Feel at home nanaman siya. Akala mo naman inimbitahan ko siya dito. Haler! Hindi kaya kami close nito.

Nakapikit lang siya ngayon at hindi ko alam kung tulog ba siya or what!
Habang nakapikit siya doon ko lang siya napagmasadan ng malapitan.

He has a long eye lashes, his nose is literally pointed, his lips were thin and red and his jaw is so manly.

Nasaganung position lang ako nakatingin sa kanya ng bigla siya magmulat ng mata. Sa sobra gulat ko naitulak ko siya pababa sa kama kaya ayun ang sama ng tingin sakin dahil sa lakas ng impact ng pagkahulog niya.

Sorry, sabi ko habang tinutulungan ko siyang makatayo.

Ikaw kasi nanggugulat ka ee Inis na sabi ko sa kanya pero nginisihan niya lang ako.

I do not know na gusto mo ko ngisi na sabi nito na siyang ikilaglag ng panga. Aba! Ang assuming naman nito.

Ang kapal naman ng mukha mong sabihin yan. FYI, ang pangit mo kaya! Sabi ko sa kanya ng naiinis. Kanina nahihiya pa ako dahil nahuli niya akong natitig sa kanya pero ngayon naiinis na ako sa sobrang hangin niya.

After what I've said, lumapit siya sa akin kaya napaatras ako . Hala ano naman kaya ang binabalak nito.

Patuloy lan ako sa pag atras ng maramdaman ko nang nasa pinakadulo na ako at patuloy lang siya lumalapit sa kinatatayuan ko.

Nasa harapan ko na siya ngayon at sobrang lapit namin sa isa't-isa. I don't know what to do dahil sobra na akong kinakabahan sa mga oras na'to.

He's now inches apart from me. Nakayuko lang ako. At dahil matanggkad siya sa akin iniangat niya ang mukha ko to meet his gaze. Nang magtama ang mata namin dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko.
He's just staring na para bang hinahalungkat ang buong pagkatao ko.

Now tell me, am I ugly? He asked, at don nako napalunok ng sariling laway. Ew.
Hindi ko makuhang makapagsalita dahil sobrang lapit lang mukha naman sa isa't-isa. Naamoy kopa ang amoy pepper mint niyang hininga.

Nasa ganung position lang kami ng bigla siyang nag smirk at tumalikod na.

Get dress! Ayun lang ang sinabi niya atsaka na tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Nag ayos na lang din ako tutal wala na naman ng akong magagawa.

Until now my heat beats so fast.



_____________________________

Hope you'll like it.

Please do support my first ever story!

Thank you!

Opposite Poles (COMPLETED)Where stories live. Discover now