CHAPTER 11

142 54 1
                                    

TRIXIE's POV

The anniversary ended smoothly. Masayang natapos ang araw na ito para aming lahat na studyante dahil kahit papaano ay nabawasan yung stress na lagi naming dala dalang mga studyante.

Pauwi na ako ngayon sa apartment na nirerentahan ko kasi hustle masyado kung uuwi pa ako sa bahay talaga namin and babyahe pa that's why I decided na mag rent nalang muna ng apartment para less hustle.

Ayos lang naman ang bayad ee, dahil studyante palang naman ako kaya may discount. Dalawang libo lang kada buwan ang bayad. And sina mom na ang nagbabayad doon. And to tell you frankly, binayad na nina mom ang isang buong taon. Kaya wala na akong poproblemahin pa. Si dad naman ang sa allowance ko and share sila mom and dad sa tuition ko.

Naglalakad lang ako ngayon kasi hindi na naman na mainit dahil palubog na din ang araw. At gusto ko lang din naman na lumanghap ng hangin.
Kahit papaano ay lumilinis na dito ngayon sa Manila hindi tulad noon na kahit saan ka lumingon ay panay kalat ang makikita mo.

Simula kaninang naglalakad ako pansin ko na itong kotse na kanina pa sunud ng sunod sa akin pero hindi ko nalang pinapansin kasi matao naman dito kaya hindi naman siguro to gagawa ng masama.

Pagkaliko ko sa isang kalye na wala ng gaanong katao tao ay doon na tuluyang humarang sakin yung kotse na kanina pa naka sunod sa akin. Pagkababa ng bintana nakita ko si Lance Kim ng N.G.B. Nagtataka ako kung bakit narito ito.

May kailangan ka? Tanong ko sa kanya. Kasi baka naman may kailangan pala siya kaya kanina pa siya sunud ng sunod, right?
Walang akong natanggap na sagot at nakatingin lang siya sa akin kaya na conscious tuloy ako kung may dumi ba ako sa mukhat or what. Tumikhim nalang ako at aalis na sana dahil mukhang wala naman talaga siyang balak sagutin ako ako.

Hop in, sabi niya ng hindi na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ako ba kausap niya kasi hindi naman sakin siya nakatingin kaya maglalakad na sana ng nagsalita ulit siya.

Hindi mo ba ako narinig? I said, sakay . Tsss , masungit na pahayag niya and this time nakatingin na siya sakin. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko kasi nga nagtataka ako kung bakit niya ako pinapasakay sa kotse niya ee hindi naman kami magkakilala.

Ah, hindi na. Kaya kona. Pagtanggi ko kasi kaya ko naman maglakad hanggang sa apartment na tinitirahan ko.

Tuluyan na akong umalis sa harapan niya patuloy lang sa paglalakad. Pero hindi pa ako nakakalayo ng biglang may kamay humili sa akin at pinasok ako sa loob ng kotse. Hindi agad ako naka imik dahil sa gulat. Kaya ng matauhan ako lalabas na sana ako kaso naka lock na yung pinto.

Hala?! Sabi ko kaya kona maglakad pauwi, sabi ko kay Lance na mukhang wala namang pakealam dahil nakatingin lang sa labas at hindi padin pinapaandar itong kotse. Susubukan ko sanang buksan ulit yung pinto ng bigla niya ako isandal sa upuan at inilagay ang seatbelt ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at tila ba parang naduduling ako sa sobrang tangos ng ilong niya. Hindi kona namalayan na tapos na pala niyang nailagay ito at pangisingising bumalik sa kinauupuan niya.

Staring is rude, you know? Tanong nito sakin ng naka ngisi that made me blush. Nakakahiya ka Trixie, pero hindi ko pinahalatang nahihiya ako sa ginawa ko.

I'm not staring at you! Sagot ko sa kanya na siyang ikinatawa niya. Napatulala ako sa paraan ng pagtawa niya. It makes him more handsome. Hindi mo namalayan na napangiti nalang ako dahil dun pero agad ding nahiya sa susunod niyang sinabi.

I said, staring is rude but I didn't said that you're staring at me, masyado kang napaghahalataan niyan. He said then smirk at me. Loko ting masungit nato napaka bipolar. Haiyst nakakahiya. Nanahimik nalang ako baka mali na naman yung sagot na maibigay ko sa kanya.

Malapit na kami ngayon sa tinitirahan ko, tahimik lang ang buong naging byahe namin and sobrang awkward nun para sakin. Pero masasabi ko na ang bango sa loob ng kotse niya. Manly scent.

Diyan nalang, sabi ko ng nasa labas na kami ng Apartment. Pagkababa ko ay doon ako nagpasalamat sa kanya.

Thank you! I said but he did not respond at umalis na lang siya agad. Psh sungit. Gwapo nga masungit naman sabi ko bago tuluyang pumasok.

-------

Simula sa lunes ay simula na din ng Christmas break . Masyadong mabilis ang panahon. Nakalahati na ang school year . Next year is second semester na then vacation.

Friday ngayon at kakauwi ko lang galing school, nag iispin kung bukas naba ako uuwi sa amin or sa Sunday nalang.

But for now I want to take some rest dahil pagod talaga ako kanina sa daming activies na ginawa.
Ciao!


_____________________________

Hope you'll like it.

Please do support my first ever story!

Thank you!

Opposite Poles (COMPLETED)Where stories live. Discover now