Chapter 10:

64 4 0
                                    

Carlo’s POV

 

Andito kami ngayon ni Dennis at ni Pete sa ospital. Isinugod kasi si Medin dito kagabi. Inatake daw ulit ng asthma niya. Hindi ko alam kung anong nangyare o kung bakit nangyare kaya naman minabuti kong tanungin si kuya Hex.

“Kuya, bakit isinugod si Medin dito sa ospital?” tumayo si kuya hex atsaka lumapit sa kama ni Medin. “Stress daw sabi ng doctor. siguro nalaman niya na…” na tigilan si kuya Hex sa dapat niyang sabihin. Kumunot ang noo ko. “Anong nalaman niya?” umiling si Kuya Hex atsaka hinawakan ang kamay ni Medin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kumunot ang noo ni Medin. Hinaplos yun ng kuya niya.

“Hayaan mo Carlo. Magiging ayos lang ang lahat.” Tinap ni kuya Hex ang balikat ko saka lumabas ng kwarto. “Medin, gising na oh.” Hinaplos ko ang buhok niya saka nag kwento.

“Alam mo ba din? Nag tapat na ako ng nararamdaman kay Den Den. Yung bespren mo, pakipot pa kasi. Akala mo naman kung sinong Maria Clara.” Natawa ako. Dahil dito sa tiyanak na ‘to kaya ako nag karoon ng lakas nga loob. Tinulungan niya ako sa mga bagay bagay. Eh mas madami pa nga akong napick-up na mga da moves dito kay Medin kaysa kay Terrence eh.

“Tsaka alam mo ba Din? Ang daming nangyari sakin nung bagong taon. Ang dami kong pinuntahanag bahay tapos nag sindi ako ng napaka daming kwitis!” parang bata lang ako na nagkwekwento. Kahit na walang kwenta kwinekwento ko maibsan lang yung lungkot na nararamdaman ko. “Hindi ko din alam kung bakit ako naiiyak. Siguro nag f-flashback sa utak ko yung mga nangyare sa ate ni Katelyn noon. Isa sa mga kababata namin.

“Ayokong mawala ka samin Din. Kaya gising na oh. Please?” hinawakan ko yung kamay niya. Pa-alis na sana ako nung bumukas yung pinto.

“Terrence?”

Nagulat ako nung bigla nalang siyang nag break down at umiyak.

xx

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o maaawa sa kaibigan ko. Ano ba kasing pumasok sa utak niya at nagawa niyang sabihin agad kay Medin ang lahat eh alam naman niyang hindi pa kaya ni Medin na matanggap lahat ng yon sa isang upuan lang. kahit naman siguro sino. Miske ako.

Actually, ngayon ko lang din nalaman na inarranged marriage pala ‘tong mokong na ‘to. Kaya yung pakiramdam parang pinasabog ang buong solar system sa sobrang gulat ko.

“Carlo I need you to help me.” nag mamakaawang sabi ni Terrence sakin habang nakahawak sa kamay ni Medin. naiiyak na si Terrence. “H-Hindi ko alam kung paano. Pero susubukan ko.” Tinap ko ang shoulders ni Terrence para i-assure sa kaniya na magiging ayos ang lahat at andito lang kaming lahat para sa kaniya.

Nakaka-bakla mang yakapin ang kaibigan ko, ginawa ko parin. Ano ba ‘to. Ang iyakin. Pero kung sabagay. kung sakin at kay Den nang-yari ‘to, baka hindi lang ako iiyak. Baka mag paka-matay pa ako. Arranged marriage? Seryoso ba mga magulang nila?!

“Si Jet. He could help.” Mahinang sabi ni Terrence. “Ayokong masaktan si Medin, Carlo. Alam mong yan ang hindi ko gustong gawin. Ang saktan siya.” Tapos tumawa siya. Sus. Ikaw din naman nasasaktan. “Pero nagawa ko na. Um-oo ako sa proposal nila mommy na maipakasal ako sa iba sa lalong madaling panahon.” Nanalaki ang mata ko. “Um-oo ka? Eh gago ka pala eh!” humigpit ang hawak ni Terrence sa kamay ni Medin. “Carlo kung hindi ko gagawin yon, si Medin ang mapapahamak. Alam ko kung ano ang kayang gawin ng pamilya ng mapapangasawa sakin. ayoko ko siyang mapahamak.”

“Naiintindihan ko. Anong gusto mong mangyare ngayon?” sinabi lahat ni Terrence sakin ang mga detalye. Nakakainis! Hindi ko akalaing supportado ko dito ang tukmol na ‘to ngayong alam kong si Medin parin talaga ang dehado. “Alam kong tutol ka Carlo. Pero alam kong mababawasan ang sakit na nararamdaman ni Medin kung lalayo ako. Hindi ko kaya na maging miserable ang buhay niya dahil lang sakin.”

Naiiyak na naman siya at humigpit ang hawak nito sa kamay ni Medin. kumunot ang noo ni Medin saka ngumiti si Terrence. Napaka pait. “Kita mo? Maski sa pag tulog niya, ako ang dahilan kung bakit siya nalulungkot.” Umiling ako. Hindi. Nag kakamali ka Terrence.

“Tanga! Kumunot lang noo niya ikaw agad dahilan? May telepathy ka na? nakakabasa ka ng utak?” natawa naman siya. “Malay mo tutol siya sa desisiyon mo. Ayaw niyang iwan mo siya kasi kahit sobrang sakit ang maidudulot mo sakaniya, wala paring papalit sa saya na mararamdaman niya kung sakaling mag-kasama pa kayo matapos ang lahat ng ‘to.”

Hinalikan ni Terrence ang likod ng kamay ni Medin. Tumayo siya at lumapit kay Medin. He kissed Medin’s forehead. Nag subside ang pag kunot ng noo niya.

“Sabi sayo Rence eh. Pag-ibig lang ang kailangan.”

“Carlo. Love can be a good thing or a danger. What Medin and I have? We actually have both. But I think danger is on the winning side.”

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(A/N)

another update for the day! gift ko na para sainyo :)

xxwushureads

Not Your Typical GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon