Chapter 4 of 1:

153 5 0
                                    

Medin’s POV

 

“Tss. Umayos ka nga Jet. Ang pangit ng joke mo ha. Hindi nakakatawa.” ‘tong ugok talaga na ‘to oh. Kung ano anong sinasabi. Tumikim siguro ‘to ng drugs sa ibang bansa. Napapakamot nalang ako sa ulo habang siya naman naka ngiti padin sakin. Jet umayos ka pwede?

“Hindi naman kasi joke ‘to Medin eh. Seryoso ako.” Suot padin ni Jet yung sobrang carefree niya na ngiti. Yung ngiti na trademark na ni Jet simula pa nung grade five. Nasabi ko na din ba sa inyo na mag kakaibigan talaga sila nila Dennis, Carlo at Terrence? Sila talaga yung original na boys ng barkada. Kaso ngalang kasi, etong si Jet lumipat nung summer bago kami mag grade six.

“Seryoso ka na. Fine. Pero Jet, sa almost five years mo sa amerika sa tingin mo ako padin yung Medin na kakilala mo?” medyo hindi na ganon ka saya yung ngiti ni Jet. “Oo. Medyo natuto ka na nga mag-ayos. Hindi ka na naka sombrero pag naka-uniform.” Yumuko ito at napangiti. “Mag susumbrero padin naman ako kahit naka uniform kung pwede eh.” Napakamot ako sa ulo. “Bilang dito na ako mag s-stay for good, sasabayan ko na kayong lahat tuwing recess! Pati pag uwi! Hindi ba cool yon? Parang dati lang!”

Sobrang saya ni Jet ngayon. Halos wala na siyang mata kakangiti. Kompleto na talaga kami. Sobrang kompleto na ng barkada. Namiss ko yung ganito. Yung meron si Jet tapos kompleto lahat.

Pano nalang kaya kung nalaman ni Katelyn ‘to? Sure matutuwa yon. Pero sa tingin ko hindi yun matutuwa pag nalaman niya na gusto nga akong ligawan netong si Jet. At hindi din matutuwa ‘tong si Jet pag nalaman niyang hindi siya ang nilalaman ng puso ko.

xx

“Oy, san ka na naman ba lumarga, bakla?” grabe. Sobrang laking effort naman ang ginawa netong si Pete at hinintay pa ako dito sa main gate. “Ah. May kinausap lang akong kaibigan kaya medyo natagalan.” Ngumiti si Pete sabay hila sa braso ko. “Kilala mo ba kung sinong nag utos sakin para hintayin ka?” medyo kinikilig pa niyang tanong sakin.

“Malamang si Den. Kain tayong kwek-kwek.” Gustong sumabat ni Pete eh. Pero piangunahan ko na siya, “Libre ko.” Nang marinig ang two magic words, halos matapilok pa ‘to sa bilis ng paglalakad. “Hay. Ang baklang nabubuhay sa libre. Oy! Teka Pete!”

xx

“Pete, mukang napadami ka sa fishball ngayon ah. Ayaw mo ng kwek-kwek?” inabot ko sa kaniya yung kwek-kwek na binili ko pero nilayo din niya ito sabay sabi ng, “Gusto mo akong tumaba? Hindi keri ng figure ko.” Tumaba daw. Eh naka-trenta pesos na kaya siyang fishball -_-

“Nga pala, di ko pa sinasabi sayo kung sinong bakulaw ang nag utos sakin para hintayin ka sa main gate. Jusko, ang init kaya tuwing alas quarto ng hapon. Hindi pa kaya ako nag-lagay ng sunblock kanina.” Umiling-iling ako sa kaartihan ni Pete. “Oh? Hindi si Den?” napakamot naman si Pete sa ulo. “Bakit mo naman na sabing si Den nag-utos sakin? Eh umalis yun kasama si Carlo eh. Kung nakita mo sana kung gano kakabado si Carlo kanina. Nakakatawa.”

Nakooooooo :( nakakainggit naman! Sila nakita nila yung buong scene ako hindi! Ang dal-dal kasi ni Jet eh! Asar!

“Eh, kung hindi si Den? Sino?” sumubo muna si Pete ng tatlong fishball. “Si ano-“

“Ako.”

Uy! P-Parang ayokong iikot ang ulo ko ngayon para tignan ang taong nasa likod ko. Sa sobrang creepy ng aura nabulunan pa si Pete. Hay, Lord. Pakalmahin niyo po si Terrence Virjilio :(

“A-Ano. Salamat dahil p-pinabantayan mo’ko k-kay Pete.” Umupo si Terrence sa tabi ni Pete. Sa harap ko. Nilapag ni Terrence mga gamit niya sa lamesa. “Nakita kita kanina.” Sabi nito tapos kinuha niya yung salamin niya sa bag niya sabay basa ng libro. “Ha? S-Saan?”

“Sa may soccer field. May kasama ka.” Tinaas niya konti yung salamin niya. Ngayon hindi na ako nauutal dahil sa takot. Nauutal ako dahil sa kilig. Aweeeee! Ampogi mo talaga Terrence. Pwedeng ganiyan ka nalang lagi?

“Hindi ko maintindihan. Medin, yung taong tinutukoy ba netong ugok na ‘to yung sinasabi mong kaibigan?” tumango naman ako kay Pete at tinignan ulit si Terrence. “Ano naman sayo kung may kasama ako kanina?” he slammed his book then took his glasses off. “It matters! Lalo na kung lalaki kasama mo!”

Silence. Silence. Silence.

“T-Teka lang ano. Medyo, OA naman yata. Malay mo Terrence, friend lang talaga ni Medin.” Tinignan ako ni Pete sabay bulong, “Huy! Bakit ka nakangiti diyan?!”

Minsan lang ‘to mangyare. Minsan lang magalit sakin si Terrence dahil may kasama akong ibang tao. Siguro nasanay siyang ang mga taong kinakausap ko lang ng matagal ay ang mga myembro ng barkada. Pero di mawala sa isip ko na, baka. Hindi. Siguro, kahit konti lang, nag seselos siya.

“OA na kung OA Pete. Pero nakita ng mata ko yung ibang tingin nung lalakeng yun kay Medin eh. Malagkit.” Hala. Hindi kaya namukaan ni Terrence si Jet? Sa bagay, medyo malayo naman kasi si Terrence sa bench na inuupuan namin kanina. “Malagkit? In other words, may pagnanasa?” grabe! Nakakakilabot naman yung term ni Pete. EW lang! EW!

Tumango silently si Terrence. “Who’s that dude anyway at niyakap ka pa niya?” hindi muna ako nag salita.  Tapos tumawa ako.

“Si Jet lang yun mga timang!”

vote, comment, share <3 love lots :)

Not Your Typical GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon