Chapter 2 of 4:

253 7 0
                                    

Medin's POV

Para akong tanga na naka-titig sa papel na binigay sakin ni Tine kanina. Hindi na nga ako nakikinig sa klase eh. Asar na Typical Girlfriend List na yan. Kahit san anggulo ko tlaga tingnan, mukang death threat eh!

Tapos narinig ko nalang yung teacher namin, "Class, bring out a one half sheet of paper. Number one!" shempre ako nagulantang! Hindi ko naman inaasahan na may surprise quiz pala. Teka nga! Kaya nga SURPRISE diba, Medin? Tanga mo rin eh.

Napa-kamot ako sa ulo ko. Bahala na si Superman! 

"Who is the first chinese emperor?" 

Ano kinalaman ko sa chinese emperor na yan?! Peksman! Hindi ako ang dahilan kung bakit siya namatay! 

"Number two! For you, what is history?" 

What is history ba ma'am? Ay kaya kong sagutin yan. History is like Terrence Virjilio. Dapat nang ibaon sa LIMOT. Eto na naman ka-kyemberluhan ko. Tahimik, please?

"Number three! Give the four countries we have discussed since monday. Siguro naman perfect na ninyo yan." tumingin si Ms. History sa akin at tinaasan ako nang kilay. Omygulay ma'am. Gusto ko po talagang ipasa 'tong nakakagulantang niyong surprise quiz, pero nakakagulat po talaga! Wala akong maintindihan. Bakit pa kasi may History Subject eh. 

Naniniwala kasi ako sa quote na, "Past is Past." dapat tularan din ako nang mga teachers namin eh. "Exchange papers!" patay. Ilan kaya makukuha ko? huhu. Naiiyak na'kooooo :'(

"Oh girl. Don't forget to sign below huh?" nginitian ako ni Tine habang inaabot sakin yung paper niya. 

"Okay, who would like to answer the first question? Yes, you." waaah. kala ko ako, yung nasa likod ko pala. Phew. Lord not me please. I dont want to die yet :'(

"Emperor Shi Huang of Qin Dyanasty ma'am." sabi naman nung pabida kong classmate. Kahit kailan talaga ang yabang netong si Ken. Nangongopya naman. Psh. 

'Very good." sabi naman ni ma'am. Nakita kong umiling si Tine habang chinecheck ang paper ko. Nag-patuloy ang checking at nang matapos ay pinauwi nadin kami. SALAMAT NAMAN AT LUNCH BREAK NA!

"Wooo! Tine! Lunch na!!!!" naka-open arms ko pang sabi kay Tine pero tinitigan lang niya ako. "Medin, first time." sabi niya tapos inabot yung paper sakin. "Hala! Isa lang tama ko?!" umupo ako. Grabe ha! Gusto kong ilibing 'tong quiz na 'to thirty thousand feet below the ground. 

"Medin! First emperor of china! Hindi first girlfriend ni Terrence!" grabe naman 'to! Lapit-lapit sakin, sumisigaw pa. "Basahin mo nga question sa number two, hala! Basahin mo." naka pamewang na si Tine at nawala na ang pagka-conyo. Patay! "Uh, For you, What is History?" 

"At ano sinagot mo diyan? ha?" 

"History i-is like Terrence- ano ba Tine! OO na! Mali mali na! Buti nga naka isa pa'ko eh. Sorry dahil nawala ako sa konsentrasiyon kanina. Sobrang nang-gigil ako dun sa papel na binigay mo eh." crinample ko yung papel ko (quiz) tapos binato sa bintana. "Ano ba yan Medin. Nagsisisi tuloy ako at binigay ko pa sayo yun." umiling-iling si Tine. Ako naman natawa. "Kala mo ba yung quiz ko lang itatapon ko? Shempre pati 'to. Pero susunugin ko para intense." crinample ko ung Typical Girlfriend List sa mga kamay ko at binulsa. 

Gusto ko, pag mamahalin ako ni Terrence, dapat yung tunay na ako. Hindi yung mapag-panggap. Hindi yung babaguhin ko yung buong pagkatao ko para sa kaniya. Hirap maging copycat. Hirap maging katulad nang lahat. Mas maganda padin yung original. Mas maganda yung ONLY one. 

Kaya naman- "DON'T!" 

"Akala ko ba pinagsisihan mong binigay mo pa sakin 'to?! Eh bakit ayaw mong sunugin ko?" gulo rin netong conyo na 'to eh. Sarap iuntog sa sa white board yung ulo. Iss! "Sayang effort ko. Bigay ko nalang sa iba. Hand it over na." naka ngiti niyang sabi sakin. "Hep! Kanino naman?!" Parang ayaw ko na tuloy gawin mga pinagsasabi ko sa utak ko kanina. waaaah!

"I'll give it to Pete nalang." lawak nang ngiti neto. Nababaliw na yata! 'Bakit kay Pete pa?!" nilayo ko pa lalo yung papel. "Naman Medin! Give to me na! Sige ka, I'll cry."

"Lakompake. Hindi ka ganon kagaling sa drama. Kumain nalang tayo." hinila ko si Tine pero nag pumiglas ito at ngumite. "You really like my kinakapatid ano?" yeah. Kinakapatid ni Tine si Terrence. Ninang kasi ni Tine si Tita Margarette at ninong niya si Tito Tom, parents ni Terrence. And likewise to Tine's Parents. Grabe, haba nang explanation. Sarreh. Kala ko grade one kayo. HAHAHA!

"Hindi ba halata Tine? O isa ka pang slow?" halatang halata na eh. Kulang nalang pag-sigawan ko pa. Punyemas! 

"Tara na nga! I get it na. Keep that, okay? Someday, you'll need it. Because someday, you won't have a choice but to be like one of them. You wont have a choice but to be Terrence's future Typical Girlfieeee."

Mamaya niyan Tine, masiyado akong mag assume. Wag ako paasahin frend. 

-------------------------------------

(A/N)

Kelan yung someday? Kelan yung MeTer love team? ahhaha! panget naman nang lab team name na iyeeeen :(((:))) hahaha, ang cute din naman eh, bahala na. Medin and Terrenceeeee :D Ayan, medyo gumaganda na yung flow nang story. 

Support niyo pa ako nang bongga mga prends :D vote and comment. Share niyo din kasi makapal talaga muka ko :*

Not Your Typical GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon