Chapter 7:

79 6 0
                                    

Chapter 7:

Medin’s POV

 

Ginising ako ng alarm clock ko ng mga alas sais ng umaga. Nag tooth brush. Naligo. Nag ayos ng kama. Mga normal ko lang na ginagawa. Pagkatapos nun, nag ayos na din ako ng mga regalo para mamayang Christmas eve. Sinort-out ko yung para sa family members ko, sa mga kaibigan at para kay---

“SHEEEET!” hala! Pano ko nakalimutan yon?! wala pa akong regalo para kay Terrence =_______= “Anak?! Anong kaguluhan nang yayare dito?!” pumasok si Dads sa kwarto ko dala dala yung kape at plato nya. Imbis na mag mukmok ako, natawa nalang ako sa itsura ng Dads.

“Akin na po.” Kinuha ko yung kape at plato niya saka nilapag sa study table ko na natatawa. “Kung makasigaw naman kasi ito akala mo end of the world na. ano bang nangyare?” kinuha ni Dads yung kape niya sa study table ko saka pumamewang.

“May nakaligtaan po kasi akong bilan ng regalo.” Napakamot nalang ako at napapikit ng mata. “Oh? Problema ba yan? Eh di bilan natin ng regalo. Ihahatid kita sa mall. Magbihis ka na.” natuwa naman ako sa tatay ko. Pero ang problema, 10:30 am nag bubukas ang mall -_____-

“Dads. 10:30 po nag bubukas ang mall. 7:30 palang po ng umaga. Eh nag aalmusal pa ngalang kayo eh.” Natawa naman si Dads at niyakap ko siya. “Medin. mag usap nga tayo.”

“Naguusap na po tayo dads.”

“ibig kong sabihin anak, yung face to face. Heart to heart.”

“Sige po Dads. Tungkol saan ba?”

Humiwalay ako kay Dads sa pagkakayakap saka kami pumunta sa balcony ng bahay. “Tungkol kay Terrence.” Napalunok naman ako dun. Hindi ko pa kasi nasasabi nila Dads yung tungkol samin ni Terrence. Tapos nakakamatay na katahimikan.

“Nasabi kasi sakin ng mga kuya mo na nanliligaw daw? Sinagot mo na ba?”

“eh kasi dads…”

“anak. Walang kaso sakin kung ano mang meron sainyo ngayon. Ang gusto ko lang, wag mong hayaang apektuhan niyan ang pag-aaral mo. Gawin mong inspirasiyon. Okay ba yon?”

nakahinga naman ako ng maluwag dun. Nginitian ko si Dads saka niyakap. “Nako etong bunso naming dalaga na.”

“Dads, salamat po sa tiwala.”

Hinatid ako ng Dads sa mall ng 11:00 am at sabi niya dun nadin daw ako mag lunch kaya binigyan ako ng extrang pera pang lafang. Kapag sineswerte ka nga naman!

Hindi ko kasi alam kung anong gustong regalo ni Terrence sa pasko. Hindi ko din alam kung anong pwedeng ibigay sakaniya. Pero isa lang naman ang pumnapasok sa utak kong alam kong magugustuhan niya.

SAPATOS.

Isa sa mga most priced possessions ni Terrence ang mga sapatos niya. kung tutuusin, parang syota na niya mga sapatos niya. ganon niya alagaan ang mga yon.

Not Your Typical GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon