Chapter 4 of 2:

183 6 4
                                    

Chapter 4 of 2:

(A/N)

Ang saya ko lang XD kasi naman.,. ilang days din kami walang pasok :D which means more wattpad reading and updates for meeeee :) suggest kayo… sino bagay para sa role nila Medin at Terrence??? Any one??? Eto na! Chapter 4 of 2!

Terrence’s POV

 

“So? Si Jet Tiu yung kasama mo kanina?” pang isang libong tanong ko na yata ‘to mula nung mag-kahiwalay na kami ng landas ni Pete. Kasama  ko ngayon si Medin. Nauna akong mag-lakad sa kaniya para hindi niya makita kung gano ako katuliro ngayon. Hindi lang ako makapaniwala na andito na siya ulit. Si Jet.

“Oo nga, Terrence. Pang-ilang tanong mo na ba yan?” mukang naiinis na yata sakin si Medin hahaha. Sorry naman. Hindi ko pa kasi masiyadong na p-proseso sa utak ko lahat ng sinabi netong chanak na ‘to sakin. Hay buhay. Bakit pa dumating yang Jet na yan? Hindi ako makakapayag na agawin niya sakin ang trono ko sa soccer.

Oo. Magaling si Jet sa soccer. Sa sobrang galing niya, na recruit siya ng isang school sa US para sa isang football scholarship nung grade school kami. Ang galing nga eh. Napasa niya yung exams. Yun yung time na nalungkot si Katelyn.

Kami kasi nila Katelyn, Medin, Carlo at Jet ang dating mag-kakakapitbahay. Mula grade one hanggang grade five, kami yung mag-kakalaro. Yun ngalang nasa school si Katelyn noon na may Science Curiculum. Ang talino kasi. Sobra. Si Den ang hindi masiyadong kakilala ni Katlyn noong lumipat siya noong grade six. Kaya medyo awkward noong una.

Grabe yung iyak ni Katelyn noon nung nalaman niya na aalis na si Jet. Hindi nga nagpakita si Katelyn kay Jet noon. Ganon ka-drama. Tuwing naaalala ko, napapabuntong hininga nalang ako. Parang ngayon.

“Oh? Anong problema mo? Bakit panay buntonghininga mo diyan?” kasabay ko na pala sa paglalakad si Medin ngayon. Di ko manlang namamalayan. “Naalala ko kasi si Katelyn. Naalala mo pa ba yun?” napahinto naman si Medin atsaka yumuko. Nagtaka ako syempre pero nag-patuloy padin ako sa paglalakad. Mas mabagal. Mas kalmado.

“Terrence.” Sabi niya. Medyo rinig ko ng kaonti. Tumigil ako at lumingon sa kaniya. Andun padin siya. Nakatayo sa mismong lugar kung san siya huminto at nag senti. “Ayoko na ulit makita na umiyak ng ganon si Katelyn. Sobrang ayokong makita na may umiiyak akong kaibigan.” Ngumiti ako kahit na alam ko na hindi niya ako nakikita. Ngumiti ako kahit na alam kong tinatago ng mga buhok niya ang maamo at maganda niyang muka.

Ngumiti ako kahit masakit para sakin na nakikita siyang ganiyan. Ngumiti ako kahit na ang pangit ng ambiyance. Ngumiti ako para pag angat niya ng ulo niya, yung gwapo kong ngiti ang makikita niya.

Para sakin, kapag mahal mo, mahirap mag sabi ng “I Love You.” Ni aminin nga sa sarili mo na mahal mo na yung tao, mahirap na eh. Pano pa kaya kung sa kaniya mo pa aaminin diba?

Oo. Siguro nga. Siguro nga mahal ko siya. Mahal ko talaga si Medin? Hindi kasi siya ganun kahirap mahalin. Sa sobrang dali nagawa ko pang maghanap ng ibang mga babae. Sa sobrang lapit niya hindi ko siya nakita. Kailan ko nalaman? Nung birthday niya. Nagpasalamat ako kay Nina ng sobra at dahil sa crappy niyang ugali nabuksan ang mata ko at nakita ko si Medin. Nakita ko siya ng maliwanag.

Not Your Typical GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon