Chapter 8:

129 4 0
                                    

Medin’s POV:

 

Mamaya na ang new years eve. Sa katunayan wala naman akong balak mag celebrate ng New Year sa labas dahil nakakasama ang masiyadong usok sa akin. Hikain kasi ako. Haha! Oh ha. May nalaman na naman kayong something tungkol sakin.

Oh well. Sanay naman sila kuya at mga parents ko na talagang hindi ako nakikipagsaya sa kanila sa labas ng bahay at nag lalaro ng lusis. Hindi ko din naman ginusto at sinubukan kasi nga talagang parang ikamamatay ko once na inatake ako ng asthma. Pero ngayong mga nakaraan, hindi na ako nakakaramdam ng pananakit sa dib-dib at hirap sa paghinga.

Sabi din ng doctor ko, ang kalagayan ko daw ay kusang gumagaling sa pag-tanda kaya daw hindi naman ganon kalala. Pero ayaw ko parin talagang lumabas. Kaya dito nalang ako at mag b-blog.

Tingin sa orasan. Okay. 11:09 pm. Halos 40 minutes pa bago mag 12:00 am. Kaylangan ko mag-isip ng blog na maipopost. ISIP ISIP… ugh. ang hirap mag isip kapag tahimik ang paligid.

Kinuha ko yung iPod ko, sinuot ang head set and bam! Sunod sunod na ang ideas ko tungkol sa kung anong pwedeng i-blog. Eto pahapyaw haha!

What for you is happiness? is it the goose bumps you get upon hearing the word “I Love You” for the very first time? Or the sparks you get when you had your first kiss? Was it the tears on your eyes the moment he knelt down and told you that you are enough for him? That he can’t face the world without you and you are his perfect other half? Maybe it’s the absolute bliss you get when you heard the microwave count down my three and signals that your food is ready? Everyone has millions of definitions of happiness. And mine is chances. Happiness is taking chances.

 

Kamusta naman yung hugot ko diyan mga sister? Haha! Anyway, pag tapos kong ipublish yung blog ko, pinatay ko na muna yung laptop atsaka bumaba sa hagdan dala yung DSLR ko. Btw, napag disisiyonan ko na. I’ll take fine arts sa college :) major in Photography :D yey! Haha. Anong naisipan ko? Wala lang. Simple lang naman rason ko. It’s to spread HAPPINESS.

Naisipan ko na hindi pala kakayanin ng utak ko at torture talaga para sakin kung mag memedicine ako. Kaya better yet take the course na parang game lang sakin. para kapag mag t-trabaho na ako, hindi ko iisipin na “hala. Trabaho na naman. Sakit na naman sa ulo.” Instead iisipin ko parang bata lang ako na happy happy lang kasi hindi trabaho yung tingin ko sa ginagawa ko kundi HOBBY :D

Naka pants at T-shirt lang ako na bumaba sa Dining area ng makita ko na may maleta sa gilid ng stairs namin. “Sinong dumating?” tinignan ko yung maleta, hindi pamilyar sakin. Kaya baka sa ibang tao. Baka friend nila moms or kamag anak namin. Psh. Katamad mag formulate ng ideas -__-

Dumeretso na akong dining area nung makita ko si ate Inday (bago naming helper) na tawa ng tawa. “Huy! Ate! Baliw ka na? kausap mo diyan?” nag palinga-linga ako pero wala naman akong nakikitang kausap neto. Nakalanghap yata ng pulbura -__-

“Grabe naman etong si Den den.”

“Ate. Si DIN DIN ako. Eh bakit ba kasi tawa ka ng tawa?”

“Ahay. Wala naman. Osiya, tawag ako ng papa mo.”

Not Your Typical GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon