Chapter 2:

307 10 2
                                    

Medin's POV

Nakatanga ako ngayon sa blackboard habang hinihintay ang next teacher namin. Shete! Kung kailan naman kasi vacant saka hindi ako makatulog. Siguro dahil parang lullaby para sakin ang mga discussion ng teachers namin. Dahilan ng pagtulog ko sa klase nila.

Nagulat nalang ako nang biglang may magtakip sa napaka ganda kong mga mata. Na-asar lang talaga ako dahil ang pakiramdam ko tinatakpan ang mga mata ko ngayon, dahil pag tinitigan ako ng mga kaklase ko sa mata ay magiging bato sila.

“Punyemas ah! Hindi magandang biro ‘to! Sino to?!” pinipilit kong abutin yung tao mula sa likod pero umiiwas ito. Anak ng bisugo! Bakit ngayon pako napagtripan kung kailan wala ako sa mood?!

“Wala ka nga sa mood.” Nawala na yung mga kamay sa mata ko kasabay ng isang pamilyar na boses na nag salita. Na naging dahilan din kung bakit ko pinunasan ng bahagya ang nanlalabo kong mga mata. Shete talaga!

Nang bumalik na sa dati ang paningin ko, agad kong inikot ang ulo ko para makita kung sino nag takip ng mga mata ko. Malaman ko lang talaga kung sino, masasakpak ko sa ngala-ngala!

Pag talikod ko- ay. Joke. Hindi ko pala kaya. Si Terrence lang naman kasi ang nag takip ng mga mata ko. Medyo kinikilig na ang aura ko ngayon at wala nang boredom. Astig talaga tong si Terrence. Kilig pill ko na nga, happy pill ko pa! Two in one ika nga.

“Wala ka ba talaga sa mood? May sasabihin pa naman ako sayo.” Nakapamulsa siya ngayon at nakapout pa. Enebe!!! Kinikilig talaga ako. Siya lang talaga ang nakakapagpakilig sakin ng todo-todo walang preno.

“Osige. Ikwento mo. Pero upo ka na muna. Sakit ng leeg ko eh. Nakatingala ako sayo.” Eh kasi naman, tangkaring lalaki itong si Terrence. Mestizo at idagdag pa diyan ang ka gwapuhan niya at ang pagiging matalino at ang kaniyang hilig sa soccer. Swerte ko talaga pag naging kami!

Ayan ka na naman Medin! Sige lang! ‘Paka landi ka pa! Mamaya ma-unusan mo na si Den-Den -_______- “Eto na nga.” Panimula niya nang makaupo na siya sa tabi ko. “Gusto ko sanang yayain ka sa may kanto mamaya pag katapos ng klase. Kahit kwek-kwek lang.” nakangiti pa niyang sabi. Ako + Terrence + Kwek-kwek = PERFECT!

Sasagot na sana akong ng umeksena tong si Carlo. Galing talaga tumiming ng bugok na ‘to!

Carlo: Anong pinag uusapan niyo?

Ako: Wala ka na dun! Ano ba ginagawa mo dito?

Carlo: ah? Ako ba? Sinundan ko lang naman si tolits at tatanungin na rin sana kita kung gusto mong sumama mamaya.

Ako: ha? May lakad kami ni Terrence eh.

Ayan ha! Proud talaga ako!

Carlo: sakto! Napapayag ka na pala ni Terrence eh. Manlilibre kasi kaming dalawa ng kwek-kwek. Nanalo kasi kami sa soccer nung isang araw! Kita nalang sa kanto ha?!

“KASAMA KA?!” napatayo ako sa upuan ko at tinuturo si Carlo. “Oo! Kasi nga ako yung isa sa mga manlilibre.” Kainis! Akala ko masosolo ko si Terrence yun pala kasama tong danggit na to!

“Nga pala. Pati sila Gail, Tine, Katelyn, Dennis at pati na din yung kapatid ko na si Kaye-kaye kasama din natin.” Nakangiting dagdag ni Terrence. Tumango-tango nalang ako pero halata sakin ang panghihinayang. Sayang talaga! Kala ko solo ko na si Terrence :’(

Hay. Kahit kailan talaga, masamang pangitain tong si Carlo. Nang mag paalam ang dalawa, sinundan ko ng tingin si Terrence. Sayang talaga!!!

Terrence!!! :’(

(A/N)

so ano guys? Nagustuhan niyo ba?! Hihi! Nageenjoy ako sa pag gawa neto!!! More updates pa sa susunod. Every Friday pala ang pag u-update ko hanggang linggo. Hihi. Ganun din sa Worth Fighting For J yun lang!!! :DDD Share, support, comment and vote!!! J mwa! :*

Not Your Typical GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon