Chapter 15

2.6K 64 8
                                    

Ayame's POV

"That's all for today's lesson, you can take your break." sabi ng teacher namin saka kami dinismiss, lunch break na.

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ay Monday na.

Last saturday, nagwalk out na lang basta-basta si Beb. Nabasa niya kasi yung chat sa'kin ni Kenzo. Malay ko ba na ganoon na lang yung magiging reaction niya. Di ko naman kasi alam na ang boyfriend kong monster ay seloso pala!

Nabasa ko pa yung dapat na irereply niya kay Kenzo, yung lubayan daw ako pero di naman nagsend kasi nag disconnect yung net.

Hindi pa rin ako kinakausap ni Beb hanggang ngayon. Pero ang alam ko susunduin niya ako mamaya. Will he?

"Hi Seatmate!" nagulat na lamang ako nang may umakbay sa akin. WOW. Chansing!

Di na ako umimik, siniko ko lang siya saka inapakan sa paa, sabi nga nila diba, ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS.

"Araaaaay naman seatmate! May galit ka ba sa'kin?!" tanong pa niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at naglakad na papunta sa canteen.

Ramdam ko namang susunod-sunod siya.

"Alam mo seatmate, mas gumanda ka ngayon." naglalambing yung boses niya, nakakadiring pakinggan.

Again, hindi ko na lang siya pinansin.

Maganda talaga ako today. Nagpaganda talaga ako knowing na susunduin ako ni Beb mamaya.

Hello? Ang gwapo kaya ng boyfriend ko tapos mamaya baka kapag sinundo niya ako, magmukha akong nanny niya. No way huh.

Pero ang tanong, sunduin niya nga kaya ako? Galit siya diba? Haay.

"Suplada mo talaga seatmate." hindi ko alam kung compliment ba yung sinabi niya o pang iinsulto.

And for the nth time, di ko siya pinansin, bahala siya.

Napansin ko naman ang mga babae sa paligid na titingin-tingin sa akin, I mean, sa may likod ko.

"Shocks, gwapo ni Kenzo right? I heard apo siya ng principal!" bulong-bulungan ng mga babae sa paligid.

Gwapo raw yung nasa likod ko.

Well, baka kapag nakita niyo boyfriend ko bawiin niyo sinabi niyo.

Nagpatuloy lang ako sa paglakad.

"Seatmate sa'n ka pupunta? Lunchbreak diba? Tara kain tayo sa labas." yaya niya.

"Shocks! Niyaya niya si Nerdy na kumain sa labas! OMG. Sabihin natin 'to kay Trizia!" rinig kong sabi ng mga malalakas bumulong sa tabi. Hindi naman talaga siya bulong, kasi kung bulong yun hindi ko dapat rinig.

"Seatmate.." tawag pa niya. Grabe lang ha. Kanina pa akong lakad ng lakad. Di ba siya nakakapansin? Pinapaikot ikot ko lang siya? Bakit ba hindi niya ako lubayan?

Lumakad pa ako ng ilang ulit, inikot ko ulit yung area. Nakasunod pa rin siya.

Hindi na ako nakapag pigil, nilingunan ko na siya.

"Pwede ba, huwag mo nga akong sundan. Para kang buntot." hindi ko na siya hinintay umimik, muli akong naglakad and this time..hindi na siya nakasunod, bagkus...

"Ok. As you wish."

Sinabayan niya ako sa paglalakad. Ano bang problema nitong lalaking 'to? Di ba siya nakakaramdam na ayaw ko sa kanya?

Hindi ko na lang siya pinansin, makulit talaga ang lahi. Dumiretso na ako sa canteen.

"SM 8 po." sabi ko doon sa nasa counter. Binigay naman agad niya yung order ko.

Chased by a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon