Chapter 12

2.8K 72 5
                                    

Ayame's POV

Maaga akong nagising, hindi ko alam kung bakit, naeexcite ako.

Naeexcite ako pero at the same time parang may bumabagabag sa'kin.

But still, naeexcite talaga nako! Makikita ko si Nickel ngayon! Pero diba dapat mainis ako sa kanya kasi 3 weeks siyang di nagparamdam?

E bakit ba! Namimiss ko na siya e.

Bumangon na ako at dumiretso sa damitan ko. Ano kayang isusuot ko?

Pumili ako mula sa mga damit ko, ngayon ko lang napagtanto, ang papangit pala ng mga damit ko?

Teka nga, bakit ba ako namimili ng susuutin kong damit e hindi naman ako aalis? Buuuh yan, dito lang naman ako sa bahay e!

Pero hindi, kailangan maging maganda ako sa paningin ni 'beb'.

And there, pumili na ako ng damit, napili kong isuot ang isang purple dress. Hindi ko alam kung bakit pero nagagandahan ako sa kulay purple.

Tumingin ako sa relo, 7:30am pa lang, sabi ni ate, mga 9am daw pupunta dito ang mga friends niya para sa group study.

Naligo na rin ako saka nagbihis, bumaba na rin ako after ng mga orasyon ko sa banyo. Hindi ko maintindihan pero parang may nakakalimutan pa akong gawin.

Nakita ko si ate sa may kusina, nagluluto siya ng breakfast.

"Yame, kain ka na-" napatigil siya sa pagsasalita at napatitig sa'kin

"Wow. Ang ganda naman ng kapatid ko, may pupuntahan ka ba ngayon?" tanong niya, napalunok naman ako, nakadress lang naman akong purple. Kapag nakadress aalis agad? Hindi pwedeng pinagmumukha lang tao ang sarili?

As usual, hindi ko na lang siya sinagot, tinatamad akong umimik, nakita ko rin kasi yung nakahandang pan cake sa lamesa.

Umupo na lang ako saka kumain. Ang tagal namang mag 9am.

"Yame, maliligo lang ako, kapag dumating sila, papasukin mo na lang" tiningnan ko lang si ate,

umalis din naman agad siya at umakyat sa kwarto niya.

8:15am palang, bakit ang tagal ng oras?

Kinuha ko na lang yung laptop ni ate, makikiusisa lang naman.

Pagbukas ko, hindi open yung FB ni ate, wala tuloy akong maiistalk.

Nagdecide na lang akong iopen yung FB ko and yes, may facebook ako.

Binuksan ko yung FB ko after 123456789 years, kung sa pagkain baka panis na 'to at

kung sa gadgets, baka outdated na 'tong account ko. Actually, si Nickel ang gumawa nito, sinabi

niya lang sa'kin. Gusto niya kasi naka 'in a relationship' ako sa kanya at siya sa'kin. Private yung account ko. Families lang talaga yung friends at kung meron mang hindi, mga kaibigan lang ni Ate Aika, sina ate Khas and the likes.

And there, naglog in na nga ako, at pagkalog in ko, nagulat ako sa nakita ko.

2,156 friend requests lang naman with 99+messages at 99+notifications.

Inopen ko muna yung messages, nacucurious lang ako, sino naman kayang magmemessage sa'kin ng ganun karami?

*see all messages*

I pressed the button and I was shocked sa nakita ko.

Puro messages galing sa mga hindi ko kakilala, mostly are girls.

Nagopen ako ng isa and the message goes like this:

"Hi, ako yung President ng Mr. Cutie Nerd Believers. So ikaw pala yung rumored girlfriend ng Nickel namin?! So ano?! Totoo pala?! Sagutin mo kami?!"

Chased by a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon