Chapter 6

5.7K 125 7
                                    


Nickel's POV


Pinsan!" grabe naman, sa lahat ng makakaroom ko sa outing na ito, ito pang Neon na ito. Sana pala yung gf ko na lang.

"Oh?"

"Ang ganda talaga ng GF mo. HAHAHAHA!" nasisiraan na ba siya? Kung makacompliment sa GF 'KO' parang hindi ako yung BF.

"Alam ko, maganda ang GF 'KO'." inemphasize ko talaga yung word na GF.

Humiga na lang ako sa kama 'ko' since medyo inaantok pa ako. Siguro si Ayame nakahiga na din ngayon. Yun pa, tamad din yun.

"Pinsan! Di ka ba lalabas diyan? Madaming chicks sa labas! Hahaha!" siraulo talaga 'to. Kung makapagyaya kala mo na interesado ako...

"Mangchicks ka mag-isa..." yun na lang ang sinabi ko saka ako nagtalukbong ng kumot. Ramdam ko namang umalis na siya.

Mangchicks siya mag-isa.

Sa totoo lang, noong una, tinitrip ko lang naman si Ayame e. Gusto ko lang talagang makalimutan si Camella. Pero bakit ganito? May iba akong nararamdaman sa kanya.

Tuwing nakikita ko siya, napapangiti na lang akong parang tanga.

Bullsht e. Di ko dapat 'to nararamdaman.

Imposibleng makalimutan ko agad si Camella.

Dapat wala akong nararamdaman dahil hindi ko naman dapat sineseryoso ang mga bagay pero- bakit ganito?

May parte sa akin ang nagsasabing wag kong gagaguhin ang babaeng 'yon?

Tss.

Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?

Gusto ko na ba talaga si Ayame Tamia Evangelista o-- naninibago lang ako sa presensya niya?


Ayame's POV


Leche. I can't stop cussing.

Pa'no ba naman kasi... Bakit pa ba ako sumama sa outing na 'to?

Kasi dahil ng boyfriend ko daw.

Hindi naman ako naiinis ng dahil sa nandito ako at kasama nila...

Naiinis ako sa room mate ko...

Ang arte...

Why is the bed so liit daw?

Aba, malay ko... Magtiyaga ka neng! Libre na nga 'to oh...

Choosy...

I'm gonna curse this woman around me..

Well, di ko din naman s'ya masisisi... Sabi nina ate, anak daw 'to ng may-ari ng school nila...

Well, Like I care?

At itong babaeng 'to... Ito yung sumampal kay Nickel nung araw na nakita ko ang MONSTER side ni Nickel...

Well, again... Like I really care?

Makaidlip na nga lang... Boring!

I was about to sleep na ng nagsalita 'tong maarte kong room mate...

"Hey... You!" sabi niya ata sakin? Sino pa ba... Kami lang ang tao dito...

Di ko s'ya pinapansin...

Bahala ka... Di tayo close noh...

Nakaside view ako bale, yung hindi n'ya kita yung mukha ko...

"Ikaw pala yung ipinalit sakin ni Nickel..." sabi niya...

Nagsasalita lang s'ya...

At ako? Ewan... Nakikinig ata... Daldal kasi... Di ako makatulog.

"Bumaba na ata ang level n'ya at isang kapatid lang ni Aika Tiffany ang ipinalit sakin... hay..." then she started to walk around I guess?

I heard her footsteps e... Pagalagala...

"Magkapatid nga kayo... Mga mang-aagaw..." sabi niya then tumigil sa may tabi ko... Sa likod...

Mang-aagaw? Weh? In what way neng?

Assuming ka lang...

"Anong bang meron kayo na wala ako?! Una yung kapatid mo! Kinuha n'ya sakin si Tungsten tapos ngayon... Ikaw! Kinuha mo si Nickel!" inis n'yang sabi... Insecure? Kinuha ko daw si Nickel...

Hello... Pinagtabuyan mo nga e... Pakinig ko naging usapan n'yo nung araw na nakita kong nagtalo kayo...

Assuming talaga...

Di ko na lang s'ya pinansin...

Bahala ka d'yan... Acting like we're close? Duh?

Like I want... And as if I want and will want.

Ang sama nga pala ng ugali nito...

Nakakbuwisit...

Bumangon na ako at nagpasyang lumabas...

Nakakaimbyerna naman ang babaeng 'to...

Masyadong feeling close...

Si ate nga hindi ako makompronta, ikaw pa...

Buwisit!

--

Matapos akong buwisitin nung babaeng feeling close, nagpunta na lang ako sa may seashore... Ang ganda naman ng view dito. Siguro mas maganda kung manonood kami ni Crush ng sunset together. Bwahaha! Malanding utak, naghahari ka na naman... Siyempre, JOKE lang iyon. Malandi lang talaga ang utak ko pero nasa katinuan pa din ako.

Naghum na lang ako, ewan ko kung anong kanta ito, happy birthday ata? Haha. JOKE. Ok, korni

"Hi, Miss..." bigla na lang may umimik sa kung saan, ano ba naman, minsan na nga lang makapagsolo. Joke, di ba loner ako, meaning lagi akong solo, teka, sino ba kasi 'to? Istorbo, kitang may nag-e-EMO.

Tiningnan ko lang siya, ewan ko ba, tiningnan ko lang siya. Gwapo siya pero mas gwapo BF ko... ay ang landi ko. Kelan ko pa inadmit na BF ko si Nickel Boy? Siguro ngayon. Lol.

After ko siyang tingnan, di ko na pinansin, yae siya. Like I care?

"Miss pedeng makiupo sa tabi mo?" e di umupo ka.

"Miss, I'm Neon... Nickel's cousin." sabi niya sabay kindat. Ew.

Pake ko naman? Pero ahh. Pinsan pala siya ni Nickel Boy, di na ako magtataka kung bakit Neon ang name niya. Again, di ko na lang ulit siya pinansin, magsawa siya. Di kami close noh.



Nickel's POV


Pinuntahan ko si Ayame sa kwarto niya pagkatapos kong maidlip pero pagdating ko wala namang tao... Eeh? Saan naman kaya nagsuot yun?

Pumunta ako sa may labas ng hotel para hanapin siya ang gald to say nakita ko naman siya pero.

Whaaat?!

Bakit kasama niya yung Neon na yun?! Nagdedate ba sila? Fck. Naiinis ako.

Dapat ako lang ang kasama niya at wala ng iba.

Pinuntahan ko sila after ko silang makitang magkatabi at nanonood ng sunsteady... LOL. Tanghali pa lang kaya... Nakasteady pa ang araw. Pero infareness... Ang sweet nila.

Wala namang naimik sa kanila pagkadating ko dun... Bakit ba kasi sila magkasama in the first place? Nagdedate!? Urgh.

Naiinis talaga ako.

"HAHAHA!!!" bigla na lang silang nagtawanan? Ano daw?!

Dalidali agad akong pumunta dun sa kinauupuan nila... Grabe ha. Masaya sila?!

"Beb, nandito ka lang pala... Hinanap kita sa loob wala ka... Tara na?" sabi ko sa GIRLFRIEND ko sabay hatak papasok. Nasolo na siya ni Neon e... Kainis...

"Beb ano ba, masakit... Sasama naman ako sa'yo e... Sige, bye Neon!" sabi ni Ayame at whaaat?! CLOSE na sila?!

Chased by a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon