Chapter 3

6.2K 139 10
                                    


Ayame's POV


Lumipas ang mga araw. Hindi ko na muling nakita pa yung gwapo.

Hindi na siya nawala pa sa isip ko noong nakita ko siya. Leche, ang landi ah.

Oo na, aaminin ko na. Crush ko si Barium. PERIOD.

And to my life? Boring pa rin ako, wag kayong mag-alala.

Nasa school ako ngayon. Lunch break namin. Wala akong kasama sa canteen. Nagtaka pa e, loner nga ako dito. Lahat sila haters ko.

Maya-maya pa, may tumabi sa akin.

"Hi Nerd! May nakaupo ba dito?" sarcastic niyang tanong.

Tanga din 'tong si Trizia, kitang walang nakaupo tapos tatanungin ako kung may nakaupo.

Hindi ko na lang siya pinansin.

"Girl, inisnob ka na naman! Papayag ka na lang ba?" tanong na naman nung alipores niya.

"Hoy Ayame! Wag mo nga akong iniisnob!" sabi pa niya sa'kin.

Tinignan ko lang ulit siya.

Ewan ko sa'yo Trizia, bakit ba lagi na lang ako ang pinapagtripan mo e wala ka namang gawa sakin?

JOKE.

"Hoy magsalita ka nga! You're pissing me off!" ayan galit na siya.

Tiningnan ko lang ulit siya.

"Hindi ka talaga pinapansin oh! Wala ka pala e!" sabi nung isa sa canteen.

Mas lalo tuloy nainis si Trizia.

"Shut up!" nagwalk out siya kasunod nung mga alipores niya.

Wala pa akong ginagawa, nagkakagano'n na siya. I won again.

After sa school. Oo, tapos na ulit. Hindi naman kasi ako makwento sa school.

Di ba nga, wala akong ginagawa sa school kundi mag-aral, makinig at maging isang responsableng estudyante. Kaya nga ako ang naging OUTSTANDING STUDENT dito.

Kaya rin ata galit na galit si Trizia sakin at tinawag akong NERD. Kaming dalawa kasi pinagpilian nung mga panahong yun kung sino ang makakakuha ng title.

At ayun nga, pagkatapos sa school. Hindi muna ako umuwi, nagmuni-muni muna ako sa kung saan ako dalhin ng paa ko.

At glad to say, nakarating ako sa may Subdivision na tinitirahan namin, teka, akala ko ba hindi pa ako uuwi?

Ang labo ko talaga kausap.

So hindi pa nga ako uuwi kaya naman, dumiretso na lang ako sa may Chapel ng subdivision. Makapagdasal na lang at makapagbawas bawas ng kasalanan.

Aalis na sana ako sa chapel pagkadasal ko nang may mapakinggan ako. May kumakanta sa likod.

"There I was, waiting for a chance... Hoping that you'll understand the things I wanna say..."

Medyo lumapit ako to see who's singing. Hindi naman sa pangit yung boses niya. Maganda nga lalo na't shaky.

"Why don't you try to open up your heart? I won't take so much of your time..."

Sa likod ng chapel ay nakita ko si Kuya na kumakanta. Yes, 'Kuya' apparently, the singer is a boy pero teka, parang kilala ko siya.

"Maybe it's wrong to say please love me too 'coz I know you'll never do... Somebody else is waiting there inside for you... Maybe it's wrong to love you more each day 'coz I know he's here to stay... But I know to whom you should belong..."

"BARIUM?" tinakpan ko agad ang bibig ko. Leche. Bakit ba nadulas ako?

"Huh? May tao ba diyan?"

Pakinig ko pa din yung huli niyang tanong. Kung may tao raw ba. Siyempre meron. Ako. Di ko na siya hinintay pang makita ako. Dirediretso lang ako sa pagtakbo. Ewan ko ba, wala naman sigurong hahabol sakin e, not even him. Feelingera lang talaga ako.

Nakarating ako sa may gate ng bahay namin. Naalala ko siya.

Base sa pagkakakita ko sa kanya. Gulogulo yung buhok niya tapos mukha siyang gangster na ewan. Umiiyak siya.

Mukha nga siyang hindi si Barium pero sure ako, si Barium siya. Kamukha e. Pero para talagang hindi kasi mas gwapo siya ngayon kahit umiiyak siya. Ayan, umandar na naman yung malandi kong utak.

Pagdating ko sa bahay nandun na si ate... May hawak na purple dress... Naman, saan naman kaya ang lakad nito? Tapos mukha pang blooming na ewan.

"Yame! Maganda ba 'tong dress na nabili ko?" ang lapad na naman ng ngiti. Mukha talagang ewan.

Tinginan ko na lang yung dress... Maganda siya, cute ng kulay purple. Mahilig ako sa purple e.

"Anong meron?" yun yung sagot ko sa kanya, ang NICE diba?

"Ah... Acquaintance namin sa Friday e"

Hindi ko na siya sinagot pa. Umakyat na ako after. Sa may pagka nice talking ako e.

Humilata na ako sa aking napakalambot na kama.

Iniisip ko yung nakita ko kanina.

Bakit umiiyak si crush?

Anong meron?

Siguro nagbreak sila ng girlfriend niya?

Teka, bakit ba affected ako kung makita ko siyang umiyak? Care ko ba?

Crush ko lang naman siya. Pssh. Makatulog na nga lang.

Chased by a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon