Chapter 1

10.6K 223 19
                                    

Ayame's POV


"AYAME, aalis na ako! Baboo!" tiningnan ko lang siya. Hindi naman kasi ako palaimik o ano. She is my sister, Aika Tiffany Evangelista, a year older than me but, this story is not hers so why introduce her? THIS STORY IS MINE, only mine.

At dahil akin lang ang story na 'to, let me introduce myself, I am Ayame Tamia Evangelista, 15 years old, a senior student of SS. International School.

I have a sister and I had introduced her before I actually introduced myself.

Anak ako ng isang tanyag na abogado, the name is Atty. Theodore Evangelista. Yung mama ko naman, wala na. And I think, it's all my fault. She died when she was giving birth to me. Oo na, kasalanan ko.

I'm not loud. I'm also not sociable. Hindi ako emo. Mas gusto ko lang talagang magkulong sa bubble ko.

Sa school, nerd ang tawag nila sa'kin. Though I don't wear big eyeglasses or have to carry out bunch of books, pinanindigan na nila yung tawag nila sa'king nerd since mukha naman daw talaga akong ganun. Hindi rin ako geek.

I play deadma, most of the time. Snob, may pagkanice talking din ako.

Wala akong masyadong kaibigan or should I say na wala naman talaga akong kaibigan. Kung maiituring ko mang kaibigan ang aking mga libro, papel, lapis o ballpen, sige na, count them in. Mula kasi bata, sila na lang yung kasama ko. I'm friends with non-living things.

So let's get back to the business.

Umalis na yung ate ate. College student na siya. Sanay na siya sa ugali ko- the snob type of sister. She is my exact opposite. Kung hindi lang magkapareho ang DNA namin ay hindi talaga makoconclude ng kung sino na magkapatid kami.

Umalis na rin ako nang medyo nakalayo na siya. Hindi ako sumasabay sa kanya since magkaiba naman kami ng way, magkaiba kami ng school.

Sa school, my fans club ako. Actually, Haters Club talaga. Inis na inis ang mga schoolmates ko sa'kin kasi suplada raw ako at nagmamaganda rin daw. KJ daw ako at hindi nagpapagaya tuwing may exams. Selfish daw ako kasi gusto ko raw ako lang yung mataas ang grade tuwing may exam. Suplada raw ako kasi gusto ko ako ang Top 1 kaya ayon, ginawan nila ako ng fans club. Ang fans club na nabuo nang dahil sa napakaraming 'raw'.

At siyempre, yung fans club ko, may president. And the President of my FANDOM? She is no other than *jenjereren*, drum rolls para suspense... No other than, Trizia Villafuerte, ang Campus Empress na mukhang Wicked Witch.

Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa'kin. Sa pagkakaalam ko, siya ang nagtayo ng fans club ko. She annoys me a lot. Araw-araw. Kung pwede lang niya siguro akong sundan sa bahay ay ginawa na niya makumpleto lang niya ang 24/7 na pangbubully sa'kin.

"Hey Nerd!" sabi ni Trizia sa'kin nang makarating ako sa school. Hinarang nila ako. Napatigil tuloy ako.

Sinalubong pa niya talaga ako sa may gate. Die hard fan talaga.

Nakataas ang kilay niya at sa sobrang taas, kulang na lang magdive na 'to palabas ng mukha niya.

Sa halip na sagutin ay naghanap na lang ako ng way out. Ayoko ng gulo. Ayokong magkarecord sa guidance.

"Girl oh, iniisnob ka na naman ni Nerd. Papayag ka na lang ba?" sabi nung isa niyang alipores.

"No. Walang pwedeng mang snob sa'kin and not even this nerd!" sabi pa niya. Nag-umpisa na siyang lumapit. Lumayo lang ako.

"Oh, why backing off Ayame?" tanong pa niya. Mali mali pa yung grammar niya. Dapat may 'are' between why and backing.

"Hey, I'm asking you, WHY BACKING OFF?!" inulit na naman niya. Sabi ng may 'are' yun.

Again, hindi ko na lang siya pinansin. Bahala siya, hindi naman kami close e at wala akong balak na makipagclose sa kanya kaya bakit ko siya kakausapin? Kapatid ko nga hindi ako makausap ng matino, siya pa kaya? Nang makahanap ako ng way out, umalis na agad ako. Nagmadali akong maglakad. Tinatawag pa nila ako pero hindi ko na sila nilingunan pa. Dumiretso na ako sa room.

Nang makarating ako sa room ay nakahinga ako ng maluwag. Dumiretso na ako sa upuan ko. Kakaunti pa lamang ang tao sa room. Early bird din ako e.

Hindi ko kaklase si Trizia. Class A ako habang B naman siya pero noong first year hanggang third year magkaklase kami. Natanggal siya sa Class A kasi marami siyang inaaway sa school at isa na ako do'n.

AFTER school, umuwi na rin ako. Hindi ko na kailangang ikwento ang mga nangyari. Ano nga ba kasing ginagawa sa school? Diba nagkaklase, nagdidiscuss, ako naman nakikinig.

Siguro yung iba, hindi ganyan ang school life. Iba naman kasi ako sa kanila. Ang school ay ginawa para mag-aral at para hindi makipag-anuhan. Basta alam niyo na.

Pagkauwi ko ng bahay, nadatnan ko si ate. Ngingiti-ngiti pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung paano siya nakakatagal sa ugali kong 'to kasi kung ako ang tatanungin mo, hindi ko gugustuhing makasama ang isang tulad ko.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame.


Bakit ang boring ng buhay ko?


Chased by a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon